XVI

1K 41 2
                                    

Child

Nanigas ang dalaga nang dambahin siya nito ng yakap. Mama? May anak ako? Pero di ko pa sinuko ang bataan ah?

Marahan niyang hinawakan ang mga balikat nito at dahan-dahang inalis ang pagkayakap nito sa kanya. When she saw the happiness in the eyes of the boy, she was having seconds thoughts kung sasabihin niya na hindi siya ang mama nito. Pero kesa umasa ang bata, the truth should be said.

"Um, naku bata. Hindi ako yung mama mo, dalaga pa ako," mahinahon niyang sabi sa bata. Pero nataranta siya nang lumungkot ang mukha nito, at nangingilid na ang luha sa mata.

"Hindi po kayo ang mama ko? P-pero..." suminghot ang bata at nag-umpisa ng umiyak.

Hindi naman alam ni Luna ang gagawin sa bata, agad niyang pinunasan ang luha nito at pinaki-usapang wag nang umiyak.

Ito ba yung gustong ipakita nung koneho? Pero bakit? At paano napunta ang bata na'to sa gubat? Paano kung may mabangis na hayop? Paano kung may masamang nangyari dito? Hindi niya ata kaya kapag nangyari yun sa bata.

"Shh. Wag ka nang umiyak. Ano kasi... paano ba'to? Ano... haist! Sige na nga," napabuntong hininga na lamang siya sa naisip niya. "Ano, ganito nalang. Kahit hindi ako ang tunay mong mama, pwede mo akong tawaging mama. Ok na ba yun sa'yo?"

Nababaliw na ata ako.

Tumigil naman ang bata sa pag-iyak at tumingin sa kanya. Namumungay ang mata nito dahil sa pag-iyak, pero kahit na ganun ay di mapagkakaila na gwapo ang bata.

Grabe, di ko aakalaing magkakaroon ako ng anak ng ganito ka-bata. Kung sino man ang mga magulang nito, ang sama naman nila. Isip niya.

"Talaga?!" Nakangiti nitong sabi at bumalik na rin ang saya sa mga mata nito.

Hindi naman napigilang mapangiti ni Luna dahil sa bata. Nakakagaan ng loob ang ngiti nito, na para bang walang problema sa mundo.

"O-Oo naman…?"

"Yehey!"

Natawa naman si Luna nang dambahin siya muli nito ng yakap.

Ah! Ang sarap lang sa pakiramdam. Ganito ba ang pakiramdam ng may anak? Hindi niya mapigilang di maitanong sa sarili. Pinangarap niya ring magkaroon ng pamilya. Simple lang basta nagmamahalan.

Nag-init naman ang mga pisngi niya ng maisip na magkakaroon siya ng anak kay Isaac. At alam niyang mangyayari iyon pagdating ng panahon. It's too early to imagine those things but she can't wait for that time to come. Ever since she remembered everything, all the things she planned for herself, Isaac is now in them.

Pero speaking of Isaac. Paano niya maipapaliwanag ang tungkol sa bata? Siguro maiintindihan naman ni Isaac iyon. At saka ang cute kaya ng bata.

"Mama, gutom na ako." Napangiwi naman si Luna sa narinig. Hindi pa talaga siya sanay tuwing tinatawag siya nitong mama.

Kasalukayan silang naglalakad pabalik sa lawa, minsan humihinto pa sila dahil di maiwasang maglaro nito sa mga insekto sa paligid pati na rin ang mga bulaklak. Binigyan nga siya nito ng bulaklak at sinabit sa tenga niya.

The boy's really sweet indeed, kaya di niya mapigilang di mapangiti sa mga ginagawa nito. The boy is holding her hand, swaying it. She look at the him who is now pouting, dahil nga sa gutom na ito. Napangiti na rin siya dahil sa kakyutan nito.

"Don't worry. Malapit na tayo, ok?" Mahinahon niyang sabi.

Bumaling ang bata sa kanya habang nakangiti.

"Baby boy. Anong pangalan mo? Hindi mo pa kasi sinasabi, ako nasabi ko na name ko, ikaw hindi pa," tanong niya.

"Kailangan pa po ba nun, mama? Pwede mo naman po akong baby forever."

"Hindi naman pwedeng ganun. Paano na lang pag-big ka na? Hindi naman pwedeng baby pa rin ang tawag ko sa'yo."

Ngumuso naman ang bata at nag-isip, "hindi ko po matandaan ang pangalan ko." ngumiti ito sa kanya.

Luna frowned. Nalungkot siya sa sinabi nito dahil parang wala itong pake-alam sa pangalan nito. Ano ba talagang nangyari sa batang ito. Naligaw ba ito? Siguro naman may naghahanap na mga magulang dito. Hindi rin naman mukhang mahirap ang bata, hindi naman ito mukhang busabus.

"Ganun ba?" She let out a sigh, "Sige, ganito nalang. Gusto mo bang bigyan kita ng pangalan?"

Napasinghap naman ang bata at nanlaki ang mata. He quickly nod his head. Napahagikhik naman si Luna sa inakto nito, he looked so happy na para bang binigyan ito ng regalong matagal na nitong gustong makuha.

"Okay. How about... Alexander? Para malapit lang sa second name ko. Okay lang ba yun sa'yo?"

"Opo! Opo!" Parehas silang nakangiti habang naglalakad. Nakakapanibago lang nang pakiramdam.

Nang makarating na sila sa lawa, ay nakita niyang pabalik-balik ng lakad ni Isaac at di lang ito nag-iisa lahat sila nandoon. Ang tita niya ay naiiyak na at inaalo nina Umi at Anna.

Napasapo na lang siya sa noo nang maalalang hindi pala siya nagpaalam sa mga kasama niya sa bahay. Siguradong napagalitan na si Lucas, dahil di rin siya nakapagpaalam dito.

Napasinghap siya nang nagtama ang mga mata nila. From his piercing eyes, lumambot ang mga titig nito. Relief was all over his face, he immediately went to her. He pulled her to his arms, embracing her, na para bang mawawala ito sa piling niya muli.

She can't help but inhale his intoxicating scent. The only scent that can make her calm and his embrace that make her feel safe. He held her face in his palms then glared at her, not in a scary way though.

"Where have you been? We've been looking for you! Did you not realize how worried we are? How worried I am?! I can’t even feel your presence…" frustration was evident in Isaac’s face, halos magabot na ang mga kilay nito.

"Saan ka ba nagpupuntang bata ka ha? Kanina pa kami nag-aalala," ani Cecilia.

"Your tita's been crying, hija," ani Anna.

"Please Luna don't do that again," ani Umi.

Halos sabay-sabay nilang sabi kay Luna.

She roamed her eyes around para hanapin si Lucas, pero nabigo siya nang wala ito. Baka inutusan ni Isaac na hanapin siya, wala rin sina Ezekiel.

"I-I'm sorry. May biglaan lang kasing nangyari--"

“Uhm, who’s that kid?” Umi hesitantly asked.
Everyone in the place turned their attention to where Umi was pointing, there they found the boy holding Luna’s hand while looking at them with wonder.

“U-uh… kasi…” Luna cleared her throat. Luna glanced at the boy, who was now looking at her.

"Mama, sino po sila? Gutom na po ako."

She was sure she heard someone gasped. And she was definitely feeling the weight of Isaac’s stare.

"W-who is this kid? And why is he calling you 'mama'?" Nagtatakang tanong ni Isaac.

Luna gulped, "Well he's kinda... my child?"

The Alluring ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon