XVIII

833 28 0
                                    

XVIII

Withering

Makulimlim ang langit at parang uulan, karamihan sa atin kapag ganito ang panahon ay sobrang sarap humiga lang sa kama at magpagulong-gulong hanggang sa makatulog. Katulad na lang ni Luna.

Pero sa kasamaang palad ay heto siya at kasama si Alex, na ngayon ay nagpapaluto sa kanya ng Carbonara, na naging paborito na nito simula noong nagluto si Cecilia ng ganoon. At noong malaman ni Alex na marunong magluto ng ganung putahe si Luna ay di niya ito pinalagpas.

It's also her favorite, pero mas nananaig ang tawag ng kama sa kanya kaya gusto niya sanang tanggihan ang hiling ng bata.

But the urge to sleep suddenly fades, nang makita niya ang kumikislap na mga mata nito. Those pleading eyes. She sighed. She knows that she'll be wrapped around this little man's finger in no time. And she has no complaints about it.

"Mama! Luto na po ba?" Ani Alex habang hinihila-hila nito ang manggas ng t-shirt ni Luna.

"Malapit na 'to, Alex. Wait lang ha? Upo ka muna sa upuan, okay?" Nakangiting sabi ni Luna habang minimix ang sauce.

"Okay!" Dali-dali naman itong tumalima at taimtim na hinintay ang pagkain habang nagse-sway ang mga maliliit niyong paa.

For the past few days ay mas naging maliwanag ang mansyon dahil sa kasiglahan ni Alex. Makulit ito at palatanong. Masyado itong mausisa sa mga bagay-bagay.

Nang maluto na ay inilipat ni Luna ang lutong noodles sa sauce at hinalo ulit pagkatapos ay kumuha siya ng para kay Alex. The little boy clapped his hands habang nakatingin sa pagkain.

"Food is served, your grace. Please enjoy." She made a curtsy at the boy.

"Very well. I shall partake." Luna was amused by the seriousness of the little boy's voice, he could be mistaken as a grown man--except for his tiny voice.

Hindi niya mapigilang humagikhik, lalo na nang magliwanag ang mukha ng matikman nito ang niluto ng dalaga.

"Ang sarap, mama!"

"Mabuti naman kung ganun." She ruffles his soft hair habang patuloy ito sa pagkain. "Dahan-dahan lang baka mabulunan ka." Natatawa niyang sabi. Tuloy-tuloy kasi ang pagsubo nito na parang wala bukas.

Kumuha ng tubig si Luna sa ref at inilapag ito sa harap ng bata at umupo sa tabi nito nang makitang malapit nang maubos na ang hinain niya dito.

"Woah! Ang bilis mo namang kumain. May anaconda ba dyan sa loob ng tyan mo at ang lakas mong kumain? Hm?" Tumili ang batang lalaki sa gulat nang bigla kilitiin ni Luna ang tagiliran nito.

"Mama! Mama! Tama na po! Nakakakiliti!" Tawa ito ng tawa, habang si Luna ay nakangiti lang.

"Mama! Please!" Kahit gusto pang makita ni Luna na tumawa si Alex ay tinigil na niya ang pagkiliti dito.

"Ang cute ng baby ko!" She can't help but pinch his rosy cheeks na mas lalong pumula dahil sa kakatawa.

"Ang bad ni mama kay Alex. Kinikiliti niya hanggang sa hindi na makayanan ni Alex." The little boy pouted while crossing his arms to his chest then tilted his head away from Luna.

Humagikhik muli si Luna ng makitang nagtatampo ang bata. "Nagtatampo ba si Alex kay Mama?"

"Hm-mm!" Nakangusong tumango ang bata.

"Anong gagawin ni mama para mapatawad na ni Alex?" She keep on smiling habang nakikitang nag-iisip ang bata.

Humarap ito sa kanya ng nakangiti at biglang ngumuso ulit. Napahagikhik ulit at dalaga.

"Gusto ni Alex na e-kiss siya ni mama sa lips!" Ani ng bata habang itinuro ang nakanguso niyong mga labi.

Umaktong nag-iisip si Luna, she chuckled when his pouting lips that is waiting to be kissed turned into a frown.

"Your wish is my command," yumuko si Luna at binigyan ng maiksing halik ang bata sa labi, wala naman itong malisya dahil bata naman ito at ang turing naman nito sa kanya ay parang nanay.

Isang malaking ngiti ang nakita ni Luna sa mukha ng bata, pati na rin ang mga berdeng mata nito na kumikislap sa ligaya.

"What's going on here?"

Luna turned to see Isaac leaning on the kitchen's doorway. One of his eyebrow was raised.

"Ah nagpaluto ng carbonara si Alex. Marami-rami akong niluto, gusto mo?" Luna stood up and went to get a plate at kumuha ng pagkain sa suace pan.

Luna smiled when she felt his arms around her. She can her as Isaac inhaled air while his nose was buried on the side of his neck.

"I saw that," he said accusingly.

"Saw what?"

"That... kiss," ngayon ay may pagtatampo na sa boses nito.

Luna snorted. Kumawala siya sa yakap nito at hinarap ang lalaki. Isaac immediately took one of Luna's hand, whih wasn't holding the plate, and caressed it. "Nag-seselos ka ba?" Tukso niya.

"What! Of course not. A mere child..." Isaac peered at the child who was happily finishing his food. Isaac clicked his tongue.

Hinablot niya ang plato mula sa dalaga at naglakad palayo sa kanya. Umupo ang lalaki sa tabi ni Alex. Isaac was eyeing the child and it seems like the little boy noticed it he looked up and smiled at the grown man. Another clicking from Isaac's tongue was heard.

Napahagikhik na lamang si Luna.

Biglang dumilat ang mga mata ng lalaking nakahiga sa isang itim na kama. He blinked his eyes twice, hanggang sa sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi.

"Your grace." A voice said recognizing his master's awakening.

The man referred with respect sat up, brushing his fingers through his hair. Still, the look of satisfaction lingering on his face as he looked at his servant.

"Has your visit satisfied you, your grace?" The servant asked politely.

"Indeed, it has. For so long, I have waited for this to happen. And now I am finally with her, again." Tumayo ang lalaki at lumapit sa utusan na may hawak na tray at nakalagay dito ang isang kopita na may lamang alak.

"Are you taking her from the enemy's keep, your grace?"

"No, not yet. And I do not see them as my enemy, yet. I willl let them borrow her for the mean time, and when the time comes... she will be mine once again."

Patuloy niyang iniikot ang inumin sa kopita habang nakatayo sa may bintana. May nahagip siya sa gilid ng kanyang mata at nilingon ito.

"Sino ang naglagay ng mga bulaklak na ito?" Pinagmasdan niya ang mga ito.

"Isa po sa ating kasambahay, panginoon."

"Did you know her favorite flower are white lilies?" He stared at it lovingly. An image of a girl appeared on her mind, it was the girl whom he cared the most.

He reach for it, but stopping himself midway to touch it. However he accidentally brushed his finger on the tip of the petal. He stared at it frowning, he heaved out a sigh and went back to the bed.

Napansin ng mayordomo ang pag-iba ng timpla ng kanyang panginoon kaya naman ay minabuti niyang lumabas na lang.

"I'll be going out, your grace. If you need anything I will just be outside," bahagya itong yumuko upang magbigay galang, pagkatapos ay binuksan ng taga-silbi ang pinto at lumabas na.

As the man lay down the bed he closed his eyes, the once beautiful flower started withering little by little from the petal he touched until there were no petals left. All because of his touch. Every living thing he lays his hand on withers under his touch.

The Alluring ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon