II

2.4K 56 2
                                    

L

Simula noong maka-alis sila sa mansion, hindi parin maalis sa isip niya yung lalaki kanina. Yung mga tingin nito sa kanya na parang kilala siya nito, hindi lang siya kundi pati si ma’am Anna. Something weird was going on and she’s beginning to dislike this feeling that only she doesn’t know.

"Oh, Luna. Ang lalim ng iniisip natin ah." Pansin ng tiyahin sa kanya.

Kanina pa kasi siya nakatulala. Nanonood sila ng horror movie ng tita niya habang kumakain sa sala, parehong naka-upo sa sahig, pero imbes na matakot ay nakatitig lang siya sa T.V.

"Po?" Takang sagot ni Luna sa tiyahin.

"Kanina ka pa naka-tulala, kung nanonood ka eh dapat kanina ka pa nagtatago diyan sa unan. Ano ba kasing iniisip mo?" Panunukso ni Cecilia.

“Tita naman eh!” Napa-nguso siya. Humarap si Luna kay Cecilia. "Eh, tita, tanong ko lang po. Nagkita na ba kami noong si ma'am Anna? Sabi niya kasi masaya daw siyang makita ako ulit."

Saglit na natigilan naman si Cecilia sa sinabi ng dalaga. "Ah. Noong bata ka pa, minsan na siyang bumisita sa lola mo sa syudad."

"Ahh. Ok po." Tumango na lang siya. But she still has this feeling na hindi lang iyon ganoon, bakit kung maka-react yung lalaki ay parang naka-kita ito ng multo?

Pagkatapos nilang kumain at magligpit ay umakyat na si Luna sa kwarto para matulog. Moderno ang desinyo ng bahay ng tiyahin, hindi ito iyong tipikal na bahay na hiwalay ang garahe. The car garage is under the second floor of the house, where her bedroom is, which is facing the road. Sa gitna ng bahay ay ang sala at kusina, sa kabilang dulo ay ang kwarto ng tita niya. The sides of the house has balconies with glass walls on the side, leaving the center bare.

Pagka-tapos niyang mag-C.R. ay umupo siya sa kama at humarap sa bintana kung saan kita ang buwan. "You really bring out the beauty in the dark." Bulong niya sa sarili.

Kapag nalulungkot siya ang buwan lang palagi ang kinakausap niya. Dahil simula noong namatay ang kanyang mga magulang dito na niya sinasabi lahat. Wala siyang maituturing na matalik na kaibigan dahil mas gusto niyang mapag-isa, she may seem like a snob pero pakiramdam niya kasi sasaktan lang siya ng mga ito. Enough na iyong mga magulang niya, ngayon naman ang lola niya ang wala na. Sana lang ‘wag iyong tita niya dahil hindi niya kakayanin.

But maybe, just maybe wala na iyong kamalasan na nangyayari sa kanya. Palaging bilin ng lola niya ay nag-iisa lang ang buhay ng tao kaya dapat ay mamuhay tayo ayon sa magpapakasaya sa atin, hindi man puro kasiyahan ang mararanasan, basta ba’t tayo’y nabubuhay ay hindi pa huli ang lahat.

"Sana... sana magkaroon na ako ng maituturing kong kaibigan." Naka-pikit niyang hiling sa buwan.

Pagdilat nita napatitig siya sa mga asul niyang mga mata na kitang-kita mula sa reflection niya sa salamin. Pero ang kakaiba dito, ay sa tuwing kabilugan ng buwan, parang nag-go-glow ito. Isa itong malaking misteryo para sa kanya, kahit mga magulang niya hindi alam kung ba't nagkaganon iyon. Pero noong tinanong niya ang kanyang lola ay tanging haplos sa buhok lang ang nakuha niya.

Kinabukasan, hinatid ni Cecilia si Luna papuntang Tophill high, kung saan siya magsisimulang mag-aral. Malaki ang eskwelahan at napapalibutan ng mga puno that’s why the air is always cool. Luna just can’t help but breath in the fresh air. Hindi na rin siguro masama ang pag-lipat ko dito. Isip niya.

Marami siyang kasabayan na estudyante sa pag-pasok ng gusali. May mangilan-ngilan ang nakatingin sa kanya, siguro ay dahil bago siya at maliit lang ang bayan kaya pansin agad kung bagong salta lang. Sinubukan niyang tingnan ang uniform niyang puting blouse at itim na palda at baka marumi ito, pero wala naman.

Napatingin si Luna sa schedule niya, at hinanap ang classroom niya.

"Room 906." bulong niya sa sarili habang palinga-linga sa mga classroom na nadadaanan niya.

At dahil hindi niya mahanap, tumigil muna siya sa paglalakad. "Hay, asan na ba yung classroom na iyon?"

Gusto niya sanang magtanong pero lahat ng nilalapitan niya ay umiiwas sa kanya. Napa-iktad siya ng may biglang sumulpot na babae sa harap niya.

"B-bakit?" Nagtatakang tanong niya.

"Kanina pa kasi kita nakikitang paikot-ikot dito. Naliligaw ka ba?" Maganda ang babae, meron siyang above the shoulder na buhok, brown eyes at maputi at makinis na mukha.

"Huh? Ah, oo eh." Nahihiyang sabi niya.

"Gusto mo tulungan kita? Saan ba punta mo?"

"Sa room 906." Bigla namang nagliwanag ang mukha nung babae at isang beses na pumalakpak.

"Ang saya naman! Doon din ang room ko." Ikinabit ng babae ang kanyang braso sa braso ni Luna at hinila ito.

Ilang sandali ay tumigil silang dalawa sa harap ng pinto. Napatingin si Luna sa gilid ng nito kung saan nakalagay yung room number.

"Welcome, welcome! This will be your classroom for the whole school year." Masiglang bati nito, "By the way, my name's Yumiko, Umi for short." Inilahad niya ang kanyang kamay kay Luna, nakangiti naman niyang tinanggap ito.

"I'm Luna."

Masaya siya dahil mukhang magkakaroon na siya ng kaibigan. Naupo na sila at nagsimulang magtanong si Umi about sa mga basic information ni Luna.

"B-bakit?" Nai-ilang na kasi si Luna dahil bigla na lang itong tumigil sa kakatanong at tumitig sa mga mata niya.

"Ang ganda kasi ng mga mata mo, blue ang color. Ang sarap tignan." Manghang sabi ni Umi sa dalaga.

"A-ah! Salamat." Nahihiyang sabi niya dito.

Napatingin silang dalawa sa labas ng classroom dahil biglang umingay. Mga ilang segundo, may dalawang lalaki na pumasok sa classroom. Nanlaki naman ang mga mata ni Luna dahil kilala niya ang isa doon.

"That's 'The Reapers', sikat sila dito sa buong town, well they aren’t complete since yung iba hindi natin kaklase." Napatingin naman si Luna kay Umi na ngayon ay nakatingin din sa dalawa then bumaling sa kanya, "They're a group of boys who keeps the school and town peaceful."

Napatango naman si Luna sa kanya at napatingin ulit sa dalawang lalaki na ngayon ay na-upo na sa bandang dulo sa likod na malapit sa pintuan, habang sina Luna naman ay nasa bandang gitna. Hmm, they even protect the town, they must be something.

"The one with the long brown hair that’s Jad and nakita mo yung lalaking may stud sa left ear na cross? He's name is Ezekiel but everyone calls him L. Oh and he’s my brother!"

L...

Napalingon agad si Luna nung mag-sink in sa kanya ang sinabi ng kaibigan. “Teka, kapatid mo?” Gulat na tanong ni Luna sa kaibigan.

The Alluring ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon