XXIII

764 27 7
                                    

I would die

Papungas pungas ang mga mata ni Luna ng magising. Paglingon niya sa gilid ay wala na si Isaac. Kagabi ay naramdaman niya ang binata na tumabi sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti sa naalala, iyon na ata ang pinaka mahimbing niyang tulog, well actually sa tuwing magkatabi sila ay maganda ang tulog niya.

Tumayo siya galing sa kama at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos niyang maligo ay napatingin siya saglit sa salamin, paalis na sana siya ng mapansing may kung ano sa mata niya. Nang mapatingin ulit siya ay mas naklaro niya ang mata niya. Para bang may lamat na salamin ang gilid ng kanyang mata na parang mababasag ito.

"Anong..." mahinang sambit niya.

She blinked once and the cracked line disappeared.

Gamit ang isang kamay ay hinila niya ng konti ang balat sa ilalim ng mata para mas makita ito ng maayos, nang mapansin niya rin ang isang bagay sa kanyang kamay. Para itong mga ugat na galing sa gitna ng likod ng kanyang palad, paikot sa kanyang wrist, at pa-akyat ng siko. It wasn't clear though, parang malabnaw na ink.

Binuksan niya ang gripo at binabad ang kamay sa tubig. Kinuskos niya ito at baka matanggal. She even used a soap, hopeful that it will make it disappear. Pero kahit ilang beses niyang kinuskos at sinabon ito ay di parin nawawala.

Napabuntong hininga na lang siya at hinayaan na muna ito. Magtatanong na lang siya kay Cecilia tungkol sa markang lumabas sa kamay niya. Pero nung matapos niyang magbihis pagtingin niya sa kamay ay wala na ito. Ano bang nangyayari sa kanya?

Dali-dali siyang lumabas para masabi agad sa iba yung nangyari sa kanya, ngunit nung pababa na siya sa hagdan napansin niyang sobrang tahimik ng buong mansyon. Nang makarating na siya sa baba ay nakarinig siya ng kalabog galing sa meeting room ng mansion.

"Mama ano po yon?" Napatingin siya sa itaas ng hagdan at nakita si Alexander na nakapajama pa at kakagising lang.

"Alex..." lumingon siya ulit sa pinto ng meeting room at umiling, "I don't know baby, pero may problema ata." Inimuwestra niya ito na bumaba, "Baba ka na para makakain na tayo," binigyan niya ito ng isang maliit na ngiti.

Sumunod ang bata sa sinabi niya at bumaba sa hagdan habang hawak sa kamay niya. Pagkarating sa kusina ay andoon na ang dalawang ginang na tahimik na nag-uusap. They were on a heated conversation, parehas na nakakunot ang noo. Tila di nila narinig ang pagdating nila na kahit tumikhim pa ang dalaga ay di pa rin sila pinapansin.

"Alex, upo kana doon," aniya sabay turo sa may lamesa. Tumango muna ang bata bago pumunta sa lamesa.

Nagtatakang lumapit si Luna sa ref para kumuha ng gatas para kay Alex, but still the two women were too focused to even notice her. Malakas niyang sinara ang ref para makuha na ang atensyon ng dalawa.

The two flinched at the impact at agad na napatingin kay Luna.

"Good morning!" She grinned at them at lumapit sa isang kabinet para kumuha ng baso, "Mukha pong may importante kayong pinag uusapan ah, may nangyari po ba?" Binaba niya muna yung gatas at baso sa counter at humarap sa dalawa.

Saglit silang natigilan. "W-wala yun hija." Pagsawalang bahala ni Anna na nagsimula ng kunin yung mga pagkain sa counter at dali daling pumunta sa lamesa para ilagay ito o para maka iwas sa tanong niya.

"Tita?" Baling niya kay Cecilia na nakatitig lng sa kanya. Particularly her eyes.

"Luna-"

"Cecilia! Help me please?" Tawag ni Anna sa ginang. The way she called her? They're really hiding something from her.

The Alluring ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon