IX

1.6K 44 3
                                    

My Alexie

Makulimlim ang paligid, na parang walang lugar ang sinag ng araw sa lugar na iyon. Nakatayo lamang si Luna sa tabi ng isang puno, tiningnan niya ang paligid at napagtantong nasa isang gubat siya.

Bigla siyang naguluhan. Kelan pa siya nakarating sa gubat? Diba nakidnap siya? nakatakas ba siya? May tumulong ba sa kanya para makaalis sa lugar na iyon?

Maraming tanong na naglalaro sa isip niya. Naputol yun nang may marinig siyang sumigaw. Tila may sariling isip ang mga paa niya at tumakbo patungo sa boses na iyon. Nakakapangilabot yung sigaw, na halos lahat nang balahibo ni Luna ay tumayo.

It was a scream of terror.

Hinanap niya ang sumigaw, boses ng bata yung narinig niya kaya mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo. Pero ano ang gagawin niya kapag nakita niya na ang bata? She's just a teenager.

Napatigil siya sa pagtakbo nang tumigil na ang pagsigaw, dahan-dahan ang mga hakbang na ginawa niya. Palinga-linga sa paligid para hanapin ang pinanggalingan ng boses. Nang niya ang isang puting pigura na nakadapa sa lupa.

It was a kid. A girl to be exact. She saw her pulling herself up. Puno ng dumi ang damit nito pati kay at mukha.

Lalapit na sana siya nang may biglang sumulpot na tao na naka-itim na roba at may talukbong sa ulo. Napatago si Luna sa likod ng puno, malalalim ang hininga ang kumawala sa kanya.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Natatakot na din siya. Sino ba naman ang hindi? A kid screaming like her life depended on it. And out of nowhere bigla na lang may sumulpot na tao.

Sinilip niya ang dalawa, at nanlaki ang mga mata nang makitang sinasakal na ng lalaking nakaitim ang kawawang bata, na ngayon ay nasa ere na. Naririnig niya ang iyak nito, at ang paghihingalo nito. Dali-daling naghanap ng malaking sanga ng puno si Luna, when she found one she gripped it tightly and counted to three. And turned to run towards the person.

If this may not be effective at least mapapabagal niya ang tao para makatakbo ang bata at maka-hingi ng tulong.

Buong lakas niyang pinalo ang sanga nang tumagos lamang ito. She gasped. Hindi makapaniwala si Luna sa nangyari. Paanong tumagos lang ito? Patay na ba siya? Multo?

Sumigaw muli ang bata, nasasaktan ito dahil mas lalong hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya. The man said something she could not understand at all.

She tried hitting him again, pero kahit anong gawin niya wala pa rin. How could she touch the thing but not use it!

She was confused kung paano niya pwede tulungan ang bata. Then everything went silent, napalingon siyang muli sa bata nang makitang di na ito gumagalaw. Bigla siyang nataranta, naiiyak na rin siya dahil wala man lang siyang nagawa para mailigatas ang bata.

Papaalis na ang tao, kaya mabilis na hinarang ito ni Luna kahit na alam niyang tatagos siyang muli.

"Teka lang! Saan mo siya dadalhin?! Ba't mo siya pinatay? Bata lang siya!" Alam niyang di siya maririnig nito pero sinubukan niya parin.

Bigla itong tumigil. Then she heard a growl. A very loud one.

Napatingin siya sa gumawa nito at nakita ang isang napakapamilyar na nilalang. Napatulala siya dito, alam niyang ito yung nakita niya sa gubat pero mas maliit ito compared doon sa nakita niya. Nakita niya ang galit sa mga mata nito, ang mga mata nitong kulay ginto.

It was looking at the girl. Hindi na ito gumagalaw at malamang ay hindi na din ito humihinga, then the wolf made a low but loud howl, na parang nalulungkot o nagluluksa.

Tila nakisali ang gubat sa pighati ng lobo, ang kaninang tahimik na gubat ay bigla na lamang umingay. Biglang nagsidatingan ang ibang mga hayop, galit na nakatingin sa tao na bitbit ang bata.

Narinig niyang nagsalita ulit ang tao na naka-itim sa lobo, pero isang galit na tahol lang ang binigay nito sa kanya. Ilang sandali pa ay sinugod ng lobo ang nilalang. Tumilapon ang katawan ng bata, sasaluin sana ito ni Luna ngunit hindi niya ito naabutan.

Nakita niya itong pabagsak na sa lupa pero imbes na sa lupa ito lumapag ay sinalo ng mga koneho ang katawan ng bata, at ang ibang hayop naman ay dumapa habang nakaharap sa bata. Kinakabahang lumapit si Luna sa katawan nito at halos mapaupo siya sa nakita.

Ang batang babaeng nakahandusay ngayon ay walang iba kundi siya.

She gasped at napahawak sa bibig. Paanong nangyari iyon? Ba't niya kamukha ang bata noong maliit pa siya?

Wala na siyang maintindihan sa nangyayari. Biglang nag sitayuan ang hayop. Nagulat siya, doon niya lang nalman na tumigil pala siya sa paghinga. The animals moved away, giving way to the silver wolf that is now approaching the lifeless body.

Habang papunta ito sa kanila ay bigla itong nagkatawang tao. Mas lalo siyang nagulat, hindi lang dahil sa hubo't hubad ito ngayon kundi dahil din sa mukha nito. Sigurado siyang nakita na niya ang mukha nito, pero di niya alam kung saan niya ito nakita.

Then she remembered. Yung lalaki sa bread shop, but younger.

Nilingon niya ang ang lalaking naka-roba, laking gulat niya nang makita wala na ito at abo na lang ang natira.

"Alexie... please gumising ka. Please don't leave me alone. Please…"

Luna turned back to see the boy weeping. Kandong nito ang katawan ng batang babae.

Hindi alam ni Luna kung ano ang kaugnayan niya sa lalaki. Wala siyang maalala na nagkakilala na sila. Ngunit ngayon alam na niya kung ano ang halaga nito sa kanya.

"Isaac." Isang malamig na tinig ang narinig nila.

Napalingon ang binata, maging siya, sa pinanggalingan ng boses. Di mapiligan ni Luna na hindi mamangha sa nilalang na dumating. Isang babaeng nakaputing bestida na mayroong gintong korona na gawa sa baging at asul na mga mata. The lady was beyond beautiful.

Unti unti itong lumapit sa kanila, sa likod nito ay may naka-sunod na apat na lobo at limang  tao. She was having second thoughts about the 'human' thing, 'cause they were too pale for humans.

"Diana," naluluhang sabi ni Isaac, "wala na siya."

The woman was the guardian of the forest, she protects it and anything that lives in it. She kneeled beside them, then placed her hand on the girl’s forehead and closed her eyes.

"She’s not far, yet. May paraan pa."  Her voice was soothing, full of warmth.

Tila nabuhayan naman si Isaac sa narinig, "Talaga?! Paano? Sabihin mo, paano?"

Napabuntong-hininga naman muna ang dyosa bago nagsalita, "Kailangang magsakripisyo, Isaac."

"Wala akong pakealam kung ano ang isasakripisyo, basta mabuhay lang siya muli." Galit na saad ng binata.

"Kailangang mabura lahat ng alala niya tungkol sayo, sa lugar na ito, at sa mga taong nakasalamuha niya dito."

"A-ano? Pero paano niya ako maaalala? Wala na bang iba?" nauutal niyang sabi.

"Wala na, Isaac. A balance is a must. Ang tadhana na ang magdadala sa kanya sayo. Mas makakabuti sa kanya kung umalis na siya sa lugar na ito para sa  kaligtasan niya." Ani Diana.

She was supposed to leave the town but not too long. Pero ngayon kinailangan niyang mawala ng matagal.

The boy caressed the girls face, his eyes full of sorrow. "Hindi ba I promised that we'll see each other again? I'll do everything para mangyari iyon. I'll kill them all para makapunta ka ulit sa akin.” He let out a shaky breath. “Always remember that I love you, my Alexei." Matagal niyang hinagkan ang batang babae sa labi. Hindi naman napigilan na di maiyak ni Luna sa nasaksihan.

The lady started chanting something, then a light surrounded the girls body. As the woman speaks faster the brighter the light became. All beings covered their eyes, kasali na doon si Luna. Ilang sandali ay humupa ang liwanag, at unti-unting dumilat ang mata ng bata, revealing those blue eyes.

The Alluring ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon