Chapter 18: Periodically Moments [Part 2]

446 15 3
                                    

Megumi's POV

"MEGUMI HANAZONO! SINABING MAG-FOCUS KA PARA MAINTINDIHAN MO!" sigaw ni Miko sakin.

Actually kanina pa kami nag-aaral dito pero wala talaga akong maintindihan. Bakit kasi ang hirap intindihin ng calculus? Isa pa, hindi naman 'to kailangan sa kukuhanin kong trabaho so anong sense di ba? Kapag ba nagsukat ako ng damit gagamitin ko yang formula na yan? Aish! Sino ba kasi nagpauso niyan?

"Kailangan ba talaga yan? Nagugutom na ako eh." tanong ko kay Miko. Kanina pa kasi kami nag-aaral pero wala pa kaming break. "Intindihin mo muna 'to." sagot niya saken. Eh sa hindi ko nga maintindihan, ano bang mahirap intindihin dun?

"Oh." tapos ay inabutan ako ni Miko ng cookies at oreo. Aabutin ko na sana yung cookies pero biglang nilayo ni Miko ito at nagsalita,"Isang cookie o oreo bawat tamang sagot."

"Seryoso ka?!" sagot ko sa kaniya. Kailan ko pa makakain yang mga cookie?

"I'm serious... Periodically. Pffftt." sagot nito sakin.

"Nakakainis ka! Arrghh!" tapos bigla sana akong kukuha ng isang cookie pero kaagad niya namang nalayo.

Bakit? Bakit mo ko pinagdadamutan Miko? Huhuhu! Para isang pirasong cookie lang pantawid gu-

"Say 'Ahhh' Megumi." sabi ni Miko habang may hawak na cookie at... Isusubo niya sakin?!

Pero dahil sa nagugutom na talaga ako, kinain ko na lang. Ngayon ko lang na-realize na mas lalo pa lang sumasarap yung lasa ng cookies kapag gutom ka.

*********

Third Person's POV

Natapos si Miko sa pagtuturo kay Megumi ng gabi na. Hindi nila namalayan ang pagtakbo ng oras.

Pagkaalis ni Miko, kaagad namang nagpahinga si Megumi. Maya-maya ay may tumawag kay Megumi.

"Hello?"

[Megumi! Twinnie! Kumusta ka na? Na-miss na kita]

"Na-miss na din kita! Kailan ba kayo babalik? Sobrang nakakatamad naman kasi dito. Wala akong magawa."

[Wala kang magawa? Exams ngayon di ba? Don't tell me hindi ka nag-aaral?]

"Ahh... Hehe..."

[Megs naman eh. Nawala lang kami ganiyan ka na.]

"Eh kasi naman ang tagal tagal niyo umuwi. Kailan ba matatapos yang contest niyo?"

[Hindi ko alam eh. Sige magpahinga ka na. Goodnight.]

"Good night."

Pagkababa ng telepono ay agad namang nakatulog si Megumi.

Kinabukasan ay kinakabahan si Megumi. 'Ano kayang mangyayari sa exam ko ngayon? Mahirap ba o madali? Babagsak ba ako o hindi?'

************

(a/n): Next chapter yung result ng exams nila at sandamakmak na flashbacks. Hahahaha! So, long update yung kasunod. As in long. Pambawi. :)

Ang sabog na author,
MAYOI_03

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Where stories live. Discover now