Chapter 9: Surprise (Part 1)

958 53 9
                                    

Megumi's POV

Nabalitaan ko yung nangyari kay Pauleen-chan, kahit kailan talaga ang init ng dugo ng Hakuou sa Dreams. Psh.

"Sakura, saan ba natin pwede dalhin si Pauleen-chan? Kasi feeling ko sobrang stressed na siya dito," sabi ko kay Sakura.

"Kay Hikari ka magtanong wala akong alam diyan," sagot niya.

Grabe sobrang maasahan ko talaga si Sakura pagdating sa mga ganiyan. Psh.

"Twinny! Saan ba maganda magpunta ngayon?" tanong ko kay Hikari.

"Hmm, may otakufest sa may MOA ngayong week. Gusto niyo punta tayo?" sagot ni Hikari.

Sa tingin ko mag-eenjoy naman si Pauleen-chan dun. Lalo na otaku siya di ba?

Gagawin ko tong surprise para kay Pauleen. Magahahanap ako ng mga kasabwat para mas masaya. Here comes the class A!!!

*****************

"So ano ng plano Megumi?" sabi ni Yura.

Nag-form kami ng circle dito sa sahig para mapag-usapan yung surprise namin para kay Pauleen. Mahina lang din yung boses namin. May outlook din kami kung paparating na si Pauleen.

"Anong meron dito Megumi?"

"Jake-kun! May surprise kami para kay Pauleen, gusto mo sumali?"

"Ano ba yun?"

"Dadalhin namin si Pauleen sa otakufest sa MOA si Pauleem, eh kaso hindi pa namin alam kung papano, sali ka?"

"Ayoko," sabi ni Jake-kun tapos naglakad na papunta sa upuan niya.

Kahit kailan talaga ang Kj nito .

-.-

Bumalik na lang ako sa circle tapos nagpatuloy na kami sa discussion. Nag-suggest kaming lahat tapos pinaghalo-halo namin yung suggestions para maayos yung surprise. Sana maging succesful to.

"Uhm, anong meron dito?"

"PAULEEN!!" sigaw naming lahat.

"NAKITA MO BA SI SAKURA SA LABAS?!!" sigaw ko sa kaniya.

Si Sakura kasi yung outlook namin. Pano na lang kapag may narinig siya di ba?! Eh di masasayang yung napagplanuhan namin?

"Err, nakasalubong ko siya kanina sa may cafeteria," sagot ni Pauleen.

"Hi guys, wala pa si--" sabi ni Sakura. "Ahh, hehe, peace?" patuloy ni Sakura.

"Ano ba meron?" sabi ni Pauleen.

"Ahh--eh wala naman, kumusta ka na pala? Anong ginawa sa'yo ng mga taga Hakuou? Sinaktan ka ba nila?" nag-aalalang tanong ni Hikari sa kaniya.

"Ahh, hehe. Ok lang naman ako," sagot ni Pauleen.

'Ok' daw siya pero napansin akong galos sa mukha niya. Ang laki talaga ng galit ng Hakuou sa Dreams. Sana huli na to.

**************************

Hikari's POV

Naglalakad-lakad ako sa campus. Wala akong kasama kasi vusy sila sa pag-aayos sa surprise kay Pauleen-chan. Tinakasan ko sila kasi gutom na gutom na ko.

"Psst!"

Napalingon ako dun aa tumawag sakin.

"Sakura?"

Sigurado akong tumakas din yan. Haha! Si Sakura Kitaguchi, siya yung pinakatamad pero pinaka detective sa class A. Minsan nga aakalain mong kamag-anak niya si Sherlock Holmes sa galing, yun nga lang tamad. As in TAMAD. Magaling din yan mag-violate ng mga rule. Oo! As in! Buti nga hindi pa naki-kick out yan o kaya matanggal sa class A.

"Oo! Saan ka pupunta? Tumakas ka no?" sabi niya. "Eh ba't ikaw hindi?" sabi ko sa kaniya.

"Dun tayo sa rooftop!" sabi niya.

"Restricted yun di ba? Atsaka nagugutom na ko!!!" sabi ko sa kaniya.

Umiiral na naman yung ugali niyang 'Rule Violator'.

"Eto pagkain!" tapos inabutan niya ko ng chichirya then hinatak papunta  sa rooftop. May magagawa pa ba ako? Andito na kami eh.

*******************

at the rooftop....

"Ang hangin naman dito Sakura! Kaso nakakatako kasi under construction pala tong rooftop, baba na tayo please?"

May fear of heights kasi ako. Hindi ko alam kung makakatagal pa ko dito sa taas.

"Saglit na lang Hikari please? Wag mo ko iiwan ha?" sabi ni Sakura saken.

Nahiga na lang ako tapos pinikit ko yung mata ko para mabawasan yung takot ko.

Ilang oras na yung nakalipas tapos pakiramdam ko ang tahimik. Ang gaan sa pakiramdam. Dinilat ko yung mga mata ko tsaka hinanap si Sakura, pero hindi ko siya makita. Nasaan ka na?

Tatayo na sana ako nang biglang may tumulak saken na dahilan para mahulog ako. Buti na lang napakapit ako sa gilid.

"SAKURA! NASAAN KA NA BA?! TULONG!"

Sumigaw ako ng tulong pero parang walang nakakarinig sakin. Hinanap ko yung tumulak saken. Hindi ko siya mamukhaan pero sa uniform niya isang bagay lang nasisiguro ko... Taga-Hakuou siya.

Pero pano? Pano siya nakapasok dito?

Nakita ko na siyang umalis. Ilang minuto na lang at alam kong mahuhulog na ko.

"Hikari!"

Biglang napatakbo si Sakura papunta sakin tsaka tinulungan ako makaakyat.

"Ano nangyari sa'yo?!! Bakit napunta ka dun? Sorry! Bumili kasi ako ng pagkain, hindi na kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo" sabi niya sakin sabay yakap.

Natakot ako sa nangyari sakin pero mas natakot ako sa mga mangyayari pa. Nakakapasok na yung mga taga-Hakuou sa Dreams, ganito na ba talaga kalaki yung galit nila samen?

Bumalik na kami sa classroom. Mas pinili ko na lang manahimik.

"Twinny saan ka ba nagpunta? Haist! Halika ipapaliwanag ko na nga lang sa'yo yung mga napag-usapan," sabi ni Megumi sakin.

Pinaliwanag niya sakin yung gagawing surprise para kay Pauleen. Sinabi niya rin to kay Sakura. Napalitan ng Excitement yung Takot ko kanina. Sana maging succesful to.

___________________________________________

(a/n): Sorry hindi ao nakapag-UD... Nagpunta ako sa youth camp eh ^_^

Dedicated kay Insan (im_janna) or Janna Angelica L. Orpia ang newbie ng MPMMNians/Pinksters all over the universe. Hahahaha! xD Lovelots Insan =)

Ang sabog na author,

Mayoi_03

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon