Chapter 32: Assumptions

17 0 0
                                    


Pauleen's POV

"One sided love is never worth it."

Sinarado ko ang librong binabasa ko. Mula kaninang umaga, wala na akong ibang inisip kung hindi 'yung mga nakita ko. I might be overthinking, but what else can I do? Mas lalo pang lumalala 'to ngayong nandito lang ako sa bahay at walang magawa. 

I decided to play some video games pero na-bored lang ako kaagad. Playing alone is never exciting. I tried to look around and good thing na nakita ko 'yung stuff toy ko. I named her Umaru kasi nakuha ko siya mula sa isang claw machine with just two swipes. Imagine that?

Agad-agad akong nagbihis at lumabas na ng bahay. Pinili kong suotin 'yung maroon na blouse ko and skirt na mayroong pants. I paired it with some maroon cap and ankle high boots. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Walang inaalala, malaya. 

Pagdating ko sa timezone, pumunta kaagad ako sa claw machines. Napatingin ako rito na para bang handang-handa na akong angkinin lahat ng nasa loob nito. 

****

Matapos ang ilang oras kong na pagsubok, hanggang ngayon hindi pa rin ako sinuswerte na makakuha ng kahit isang stuff toy. May balat ba ako sa pwet? Kung kailan down na down ako, tsaka naman wala akong makuha na magpapasaya saken. Nakailang beses na load na rin ako pero wala pa rin. Baka nga maglakad na lang ako paguwi kasi naubos ko na pamasahe ko. 

"Ang galing naman nung lalake! Nakita mo ba? Ang dami niyang nakuhang stuff toy. Sa tingin mo may girlfriend kaya 'yun?" sabi ng mga babaeng dumaan sa gilid ko. Kaya naman pala ako minamalas. Mukhang may ibang may hawak ng swerte sa arcade na 'to.

Dahil sa may awa pa naman ako sa sarili ko, napag-isipan ko na lumabas na lang. Wala rin naman akong mapapala kung mag-stay ako. 

"Ice-cream! Ice-cream!" 

Napalingon ako sa gilid ko. Akala ko wala ng magpapasaya saken. Hindi naman pala sa loob ng arcade 'yung happiness, heto sa labas sa may ice-cream stand. 

"Ate isa ngang strawberry ice-cream," sabi ko sa kaniya na feeling bata pa. Pagkaabot niya saken nung ice-cream, napansin ko na dalawang piso na lang pala pera ko. Talaga ba Pauleen? Nakakaloka naman.

"Ate pasensiya na, wala na pala akong pera," sagot ko sa kaniya nung hiningi niya bayad ko. Nakakahiya ka talaga Paulee. Bakit ba ang malas-malas mo? Matalino ka naman pero bakit hindi mo nabilang pera mo? Bakit ba-

"Heto po bayad niya," sabi ng isang boses lalake sa tabi ko. Yumuko pa ako lalo. Nakakahiya. Iba pa talaga ang magbabayad sa ice-cream ko? 

"Pasensiya na po talaga. Uuwi lang po ako kukuha ng pam-"

"Talaga ba Pauleen?"

"Jake?"

Ginulo-gulo niya ang buhok ko tsaka inaya akong maglakad. Napansin ko na may hawak siyang mga stuff toy. Ang galing. Mukhang galing din siya ng arcade. Kasama niya kaya 'yung crush niya? May dina-date kaya siya? Ewan ko ba. Sa ngayon, susulitin ko na lang 'tong oras na kasama ko siya.

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Where stories live. Discover now