Chapter 21 (Official student)

354 12 2
                                    

Hindi makatulog si Megumi nang gabing iyon.  Iniisip niya kung pano siya matatahimik sa Hakuou. Pakiramdam niya, hindi na talaga matatahimik ang high school life niya.

Nasa kalagitnaan ng pag-iisip si Megumi nang biglang kumatok si Hikari.

"Bakit hindi ka pa natutulog Megs?" sabi nito.

"Kasi kumatok ka?  Haha!" pilosopong sagot nito.

"Pwedeng mag-share..." panimula ni Hikari at dito na nga nagsimula ang pagbigat ng atmosphere para sa kanilang dalawa.

Magkalapit lang sila pero pakiramdam ni Hikari ay bigla na lang nagkaroon ng isang napakataas na barrier sa pagitan nila. "Alam ko naman na alam mo kung anong mangyayari saken oras na pumasok ako sa Hakuou. Sige na ate matulog ka na gabi na oh.".

Isang barrier na nagtatago sa totoong nararamdaman ni Megumi.

"Lagi mong tatandaan na nandito lang ako, pati ang mga taga-dreams..."

Pagkatapos nito ay umalis na  si Hikari.

**********

Kinabukasan, naisipan ni Megumi na gumising ng maaga at baguhin ang kaniyang sa sarili. Gusto.niyang magsimula ulit sa Hakuou kahit alam niyang mahihirapan siya.

Pagkababa niya sa sala ay nanlaki naman ang mga mata ng mga kasama niya.

"Oh gosh. Is that you Megumi?" sabi ng mama niya sa kaniya.

Bago sumagot, lumingon muna siya sa likod niya at dahil baka may iba itong kausap. "Yes mom." she answered back at pagkatapos ay sumakay na sa kotse.

Hindi na uniporme ng taga-Dreams ang suot ni Megumi kung di ang official uniform ng Hakuou.

Unang nakarating ang service sa Hakuou kaya nauna ng bumaba si Megumi.

"Mag-iingat ka Megs." sabi ni Hikari bago tuluyang pumasok sa gate ng Hakuou si Megumi.

**********

Bulungan...

Yan ang sumalubong kay Megumi pagkapasok sa Hakuou.

'Transferee ba siya? I though yung bitch na taga-dreams lang yung lilipat.'

'She's kinda cute.'

'Omo! Mukha siyang barbie doll!'

'I want her... Waaah~'

At marami pang iba. Inaasahan na ni Megumi na ganito ang magiging reaksyon ng mga estudyante ng Hakuou. Ipapakita niya na hindi lahat ng mababait, nagpapaapi. Hindi katulad ni princess Sarah na nagbabalat ng patatas, ang nasa isip niya ngayon ay balatan ng buhay ang mga nang-bubully.

Pero siyempre, hindi naman literal na babalatan. Hindi naman siya mamamatay tao para gawin yun.

"Sino ka para mang-agaw ng spotlight?" pambungad ni Yuina sa kaniya.

'Great. Hindi nila ako namukhaan.'

"Sino ka para sigawan ako?" sagot nito atsaka nilampasan ang magkakaibigan.

'Owwwww....'

Napahiya si Yuina at ang mga kaibigan niya sa crowd ng dahil kay Megumi.

'Ito pa lang ang simula ng pagiging estudyante ko sa Hakuou. Dapat lang na ang mga disadvantages ko ang maging advantage ko sa inyo.' sabi ni Megumi sa kaniyang isip habang papalayo kina Yuina.


______________

(a/n): So, ano sa tingin niyo yung disadvantage ni Megumi? :)

-MAYOI_03

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon