Chapter 8: Curiosity

1K 61 8
                                    

Pauleen's POV

"Yuki Akimoto," sagot niya.

Teka? Bakit parang familiar sakin yung pangalang Yuki? Yun yung sinabi sakin nung babae kanina, yung Yuina ata yun? Atsaka yun din yung tawag sakin ni Miko. Nagtataka rin ako kasi ang bait niya sakin samantalang yung Yuina ang init ng dugo sakin. Sino ka ba talaga Yuki? Ano bang meron sa'yo?

"Pauleen!"

Napalingon ako sa tumawag sakin, si Jake. Anong ginagawa niya dito? Nakasuot siya ng uniform ng Dreams, hindi ba siya sinugod ng mga estudyante ng Hakouo sa labas?

"Nice to see you again, Jake." sabi ni Yuki.

Magkakilala sila? Grabe ang hirap naman nito kapag napunta ka sa isang sitwasyong wala kang alam sa mga nangyayari.

"Ah-eh, magkakilala kayo?" tanong ko sa kanila.

"Hahahaha! You're so funny Pauleen!" sabi ni Yuki habang tumatawa.

"Tanga talaga," sabi ni Jake.

Ay oo nga tanga ko. Binati nga nila yung isa't-isa tapos itatanong ko pa? Shunga lang.

"Sorry naman! Gulong-gulo na kasi ako sa mga nangyayari eh! Hindi niyo man lang ako bigyan ng maayos na explanation," sabi ko sa kanila.

Tapos pumasok sa clinic si Yuina kasama yung isa pa niyang kaibigan. Ano nga pangalan nun? Hay, ewan.

"Kumusta ka na Jake?" bati ni Yuina kay Jake.

Wala man akong alam sa mga nangyari, hindi naman siguro ako manhid di ba? Alam ko yung salitang 'Awkward'.

"Ayos lang, Pauleen alis na tayo," sabi ni Jake.

"Ahh, sige. Yuki, salamat sa pagtulong sakin ha? Promise babawi ako, someday." sabi ko sa kaniya.

"No problem, aasahan ko yan." sagot niya.

"Yuki tinulungan mo siya? Gosh! And you Jake, ang kapal ng mukha mo." pahabol ni Yuina samin habang papaalis kami.

Siguro kung ano mang meron sa kanila, hindi na ko mangengeelam pa. Ayoko ng masangkot sa ganitong gulo. Iiwas na lang siguro ako lalo na sa mga estudyante ng eskwelahang toh.

"Jake! Pauleen!"

"Miko? Anong ginagawa mo dito?" sabi ko.

Hindi ko na mapigilang magtanong. Alam niyo kung bakit? Kasi 'Curiosity kills the cat'.

"Ahh, kasi may pinakuha yung teacher namin dito..." sagot niya.

"Pauleen! Naiwan mo uniform mo," sabi nung babaeng kasama ni Yuina.


"Ah, salamat. Ano nga ulit pangalan mo?"

"Kumiko Takamura," sagot niya.

Kumiko  Takamura, may halos kaparehas siya na pangalan. Alam niyo yung Marry You? Yung kay Pinkyjhewelii. Si Yumiko Hayashi yun di ba? Hahaha!

"Tara na Pauleen," yaya sakin ni Jake.

Bakla ba to? Feeling ko meron to ngayon eh. Nagmamadali? May lakad? Nakakahiya tuloy kanina kay Yuki kasi hinatak na ko ni Jake.

"Sige," sagot ko.

"Pauleen ayos ka lang ba? Anong ginawa nila sa'yo?" tanong sakin ni Miko.

"Ahh, ok lang ako. Hehe," sagot ko.

Baka kasi mamaya awayin pa nila yung taga Hakouo. Panibagong away na naman. Mas ayos na yung ma-tahimik yung mga eskwelahan namin.

"Si Yuki Akimoto ay dating estudyante ng Dreams Academy," biglang sabi ni Jake. "Alam kong nagtataka ka, alam ko ding tanga ka kaya ko to sinasabi sa'yo," pagpapatuloy ko.

"Wag mo ng sabihin, mukhang may mas malalim pa na dahilan. Tanga ako pero hindi ako manhid," sagot ko.

********************

Tapos nun nagpunta na kami sa Dreams Academy. Pina-excuse na rin pala kami nina Jake kanina. Nag-stay lang ako sa clinic buong maghapon.

Nagtataka man ako sa kung anong meron sa pagitan ng Dreams at Hakouo, mas pinili ko na lang manahimik at huwag makielam.

"Pauleen-chan, wag ka sanang magagalit sa mga taga-Hakouo ha? Malalaman mo rin yung dahilan," sabi ni Miko sakin.

Simula kanina halos patayin na ko ng curiosity ko sa kung ano ba talagang meron at nangyayari. Ang hirap ng wala kang alam. Para akong sumugod sa nakipag-guerra ng walang dalang baril o kahit anong sandata. Kaya ngayon mas pipiliin ko na lang manahimik.

__________________________________________

(a/n): Mailkling UD para ngayon ^_^ Hahaha! May gagawin kasi ako  :)

HAPPY 11TH BIRTHDAY SHARLENE HABLADO! LOVE YOU~

SEE YAH TOMORROW ^_^

Sa mga OP's Thank you~

I love you all :)

Vote+Comment=VoMment =)


Ang sabog na author,

Mayoi_03

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Where stories live. Discover now