Chapter 1: First Day at Dreams Academy

3.1K 118 59
                                    

Pauleen's POV

Ako si Pauleen Vaughn Nerpy, solid Otaku. Mahilig ako sa anime simula pa lang nung bata ako. Ewan ko. Nahawa yata ako sa mga ate ko na hilig rin ang panunuod ng anime. Palagi ko kasi silang nakikitang nanunuod ng anime eh. At isa pa idol ko sila ate.

Gusto ko ang cosplaying, sa katunayan karamihan sa mga awards na natanggap ko ay about sa cosplaying. Marami din akong close friends na otaku katulad nina Megan, Brianna, Sapphire, Maureen and Elaine. Classmates ko sila nung grade 7-10 year high school.

Hindi naman consecutive pero ganun ko na sila katagal na kilala. Yun nga lang lumipat na ko ng school kasi iba yung course na meron sa school na yun para sa k-12.

"Whoaaaaaa"

Napanganga ako literally nung makita ko yung bago kong school.

Nilibot ko ng tingin yung harap ng school. Grabe ang ganda! Hindi pa ko nakakapasok pero nararamdaman ko na maganda talaga dito sa Dreams Academy. Sa bagay, isang elite school to at ang strand na kinuha nila sa k-12 is liberal arts.

'Dreams Academy, the school where your dreams do come true'

Waah! Ang ganda talaga! Kaninang umaga nung makita ko yung uniform at gamit ko sobrang saya ko na talaga! Di ko akalaing ganito pala talaga toh ka-ganda!

*Flashback*

"Yaya nasaan na po yung uniform ko?"

Grabe male-late na ko. Hindi ko pa makita yung uniform ko. 

"Anak nandiyan sa closet mo sa may gilid"

"Ok po."

Grabe. Wala naman dito. Sinubukan kong kalkalin ng kalkalin yung drawer para hanapin pero hindi ko talaga makita. Pang-cosplay na uniform lang naman yung nandito eh. Saang anime ko ba to nakita?

"Yaya sigurado ka pong nandito? Eh parang pang-cosplay lang po yung nakasabit dito eh."

Tapos pinakita ko kay Yaya yung uniform na nakuha ko. Totoo naman eh. Para nga tong uniform ni Sailor Moon eh.

"Juskong bata ito oh. Oh? Hawak mo na pala ba't di mo pa isuot?"

"Yaya? Di ba po pang-cosplay to?" Kasi para talaga siya uniform ni Sailor Moon.

"Ayan yung uniform mo sa bago mong eskwelahan. Hindi ako pwedeng magkamali kasi yan yung inabot saken ng mommy mo kagabe para plantsahin"

"Talaga po yaya?! Kawaii?! Ne!" Sabi ko! Grabe! Excited na kong isuot to!

"Ay naku! Kung ano mang sinabi mo bahala na. Bababa muna ako"

Agad ko namang sinuot yung uniform pagkalabas ni yaya sa kwarto ko. Inayos ko yung sarili ko at tumingin sa salamin. Ready na ko para sa first day ng school.

*End of Flashback*

Sobrang saya ko nung pumasok ako sa school...

Naglakad ako ng naglakad sa school. Parang nalibot ko na nga eh. Kaso hindi ko talaga alam kung saan yung building.

Hala nasan na ba ako? Nakalimutan kong magtanong. Wala pa naman akong kakilala dito sa school na to. Sana mabait yung mapagtatanungan ko.

Ayun mukhang mabait si manong guard!

"Manong Guard saan po ba ang room ng class XI- A?"

Waaahhh! Mukhang masungit si manong guard kasi tinaasan ako ng kilay! Bakla siguro to kasi kalalaking tao nagtataray!

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon