Chapter 20: The Value of 1%

398 15 3
                                    

Panibagong araw na naman ang dumating para sa mga estudyante ng Dreams. Para sa iba, normal lang ito. Madaming projects, reports, assignments at iba pa. Pero para sa mga nasa special class, isa na siguro 'to sa mga hindi nila makakalimutang araw dahil simula ngayon ay mababawasan na sila ng isa. Walang iba kung di si Megumi.

Samantala, nagdadalawang isip naman si Megumi kung papasok ba siya sa Hakuou. Alam niyang kailangan niya 'to at alam niya rin pagiinitan siya ng mga estudyante doon dahil dati siyang estudyante ng Dreams.

'Papasok ba ako o hindi?' paulit-ulit yang iniisip ni Megumi pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang desisyon.

Ilang minuto ang nakalipas ng tumawag naman sa kaniya si Miko para kumuatahin siya.

[Megumi? Kumusta ka na? Ayos ka lang ba diyan?]

"Miko... Ano kasi... Natatakot akong pumasok. Ayoko... Hindi ko kaya..."

[Naiiintindihan kita Megumi pero pakinggan mo muna ako. Alam kong parang hinarap mo na si kamatayan kasabay ng pagkawala ng pride mo kapag pumasok ka diyan. Meron ka lang namang dalawang pagpipiliian sa ngayon eh. Ang pumasok o manatili diyan sa bahay mo. Pero isipin mong maigi, kapag pumasok ka may matutunan ka at pwede mong maayos ulit yung pag-aaral mo. Kapag hindi, pwedeng mahuli ka ng isang taon at hindi na makapag aral. Galit man sila sa'yo siguro naman makakahanap ka ng kaibigan dun di ba? Sa mga pagpipilian mo, lamang ng 1% kung papasok ka at kapag sinayang mo yung 1% na yun siguradong pagsisihan mo hanggang sa huli."

Pagkatapos nun ay binaba na ni Miko yung telepono at napagdesisyunan na ni Megumi na pumasok na lang. Sa isio niya ay tama naman si Miko pero natatakot pa rin siya. Natatakot siya sa pwedeng mangyari.

*************

Nang makarating si Megumi sa Hakuou, kaagad naman siyang pinagtinginan ng mga estudyante. Wala pa kasi siyang uniform at sinabi sa kaniya na isuot niya na labg muna yung uniform niya aa Dreams.

Nakakatakot na akala mo ay kakainin ka na ng mga estudyante dahil sa mga tingin nila.

Kaya kaagad ng tumakbo si Megumi papasok sa loob at nagtago sa isang lugar na walang makakakita sa kaniya. Doom siya umiyak ng umiyak. Wala na siyang pakiealam kung hindi siya makapasok sa klase niya. Ang gusto niya lang ay umiyak.

"Awww. You're such a crybaby Megumi." biglang sabat ni Yuina habang papalapit kay Megumi.

Bigla niyang binuhusan ng tubig si Megumi tsaka hinatak papalabas at dinala sa stage.

Madaming estudyante na pala ang nakaabang para pahiyain siya. Binato siya ng paintball, itlog at iba pa. Iyak ng iyak si Megumi pero wala siyang magawa. Naiisip niya na talo siya pero bigla niyang naalala si Miko.

'Panghahawakan ko yung 1% na yan.'

****************

The product of suspension. ;)

Short update. Sorry sa typos.

-MAYOI_03

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Where stories live. Discover now