Chapter 30: Game or proposal?

81 4 6
                                    

"Kumusta na Pauleen?" bati nila Hikari sa akin pagkaupo niya sa harap ko.

"Okay lang naman," tahimik kong sagot sabay sipsip sa frappe na binili ko.

Nandito kami ngayon sa Maid Cafe malapit sa school. Otaku themed'yung loob ng cafe. Mapapansin mo na halos lahat ng servant dito, nakapang-maid na costume or shall I call it their uniform.

Napansin ko na 'yung isang babaeng servant ay kanina pa pinagiinitan nung lalake. Customer is always right? What the hell. Pero binalewala ko na lang kasi hindi naman talaga ako involve. Atsaka masyado na akong madaming problema para problemahin ko pa sila.

Nakita ko si Jake sa labas ng cafe at ngayon ay papalapit na siya sa table namin.

"We need to talk, Pauleen." Matigas niyang pagkakasabi at agad namang nanuyo ang lalamunan ko pagkasabi niya nun.

Bago pa man ako makapagsalita at nahatak niya na ako papasok sa private room ng cafe. Connections? I guess.

"Ano bang sasabihin mo? Hindi ba pwedeng doon na lang?" Sambit ko.

"I didn't mean to hurt you. High school pa lang tayo and what I said back then was just part of their game." Yumuko siya pagkasabi nito tsaka umalis.

Ayan. Ayan ang napapala ko dahil sa mga pinaggagawa ko. Ni hindi ko nga siya crush eh. I need to erase my feelings for him. Liking him is not healthy for me. At tsaka isa pa, kakakilala ko lang sa kaniya.

Hindi na ako bumalik pa sa table. I used the emergency exit door. Umuwi na rin ako kaagad.

Kinabukasan naisipan kong lagyan ng laman 'yung locker ko. Para minsan na lang kami magkikita ni Jake sa officers room. Pagbukas ko ng locker nagulat ako sa dami ng mga sulat na nasa loob.

May nantitrip ba sa akin!?

Bitbit ang lahat ng sulat pumunta ako sa basurahan at tinapon ang lahat ng iyon. Surprisingly, may lumapit sa akin na nakangiting aso at parang kanina pa ako inaabangan dito.

"Miko..."

"Nasorpresa ka ba? Alam ko naman na itatapon mo 'yung letters kapag nakita mo kaya dito na lang kita inabangan," aniya.

Hindi ba dapat kikiligin ako? Maeestatwa? Dahan-dahan kong binuka 'yung bibig ko para kunware naamaze ako. Nakakahiya naman kung nakapokerface ako. Wala namang mawawala eh.

Pero kahit na ganun hindi ko alam sasabihin ko. Ano ba dapat? Masaya? Mahal ko din siya? Hindi naman. Haha!

"I like you. Can I court you?" Aniya.

Ganoon ba 'yun kabilis? Naghulog lang ng sulat, manliligaw na? Hinintay lang ako sa basurahan tapos liligawan na ako? Baka naman si ateng janitor hinihintay nito at hindi ako?

"Miko? Ayos ka lang? Ako ba talaga kausap mo?" Sabi ko at nakita ko naman na napangiwi siya pagkasabi ko non.

Tumingin ako sa likuran at nakita kong nakatayo pala dun si Megumi. Shameful Pauleen. Pagtingin ko sa paligid ko may kumpol ng tao na na para bang may artista dito.

Nakita ko naman na nagpipigil ng tawa 'yung mga kaibigan ni Miko. Samantalang ako, hindi ko na talaga alam 'yung gagawin ko. Nakakahiya. Bakit ba kasi assumera ako?

"Hindi ka pa ba nakuntento sa akin?"

Napaangat ako ng tingin. Nanggaling sa ikatlong palapag 'yung nagsalita. Si Jake. May gusto din siya kay Megumi?

"Tatayo ka na lang ba diyan? Cut the crap Pauleen. Hindi porket may away tayo ay basta basta ka na lang sasama sa iba."

Shoot. Naestatwa ako pagkasabi niya nun. Hindi ko namalayan na nakababa na pala siya at nasa harapan ko na. Hinatak niya ako papunta sa isang classroom. Hindi ako makapagsalita.

"What the hell are you doing there, Pauleen!?" mariin niyang sabi.

"Pake mo!?" Singhal ko sa kaniya.

Nakita ko siya na napapikit at napasinghap. Nakayukom 'yung kamao niya nang dahil sa galit.

Lumapit siya sa akin. Papalapit ng papalapit hanggang sa napagtanto ko na wala na pala akong aatrasan.

He locked me with his hands. Sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Amoy mint 'yung hininga niya. Tapos 'yung labi niya, perfect 'yung shape. Medyo pinkish pa. Malambot kaya 'yun?

Napatigil ako sa pagiisip nang mapansin kong ngumisi siya.

"Do you want to kiss me?" Seryoso niyang tinanong.

Nagulat ako kaya napalunok ako sa sinabi niya. Seriously!?

"I like you. Will you be mine?" Seryoso niyang sabi.

Ngunit bago pa man ako makasagot ay naramdaman ko na ang pagdampi ng kaniyang mga labi sa labi ko. Tama ako. Sobrang lambot ng labi niya. His kiss went deeper at lasang lasa ko na 'yung mint sa bibig niya. Gusto ko pa siyang halikan pero nauubusan na ako ng hininga.

Pagkatapos ay humarap siya sa akin at ngumiti.

"Pwede ka namang huminga kapag nakikipaghalikan sa akin. By the way, I also like strawberries." wika niya saka umalis.

Naiwan akong nakatulala sa kwarto. Nangangatog pa rin 'yung tuhod ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na parang kahit na anong oras ay sasabog na ito.

Hindi pwede 'to. Siya na mismo nagsabi na huwag kong seryosohin. But on the second thought, wala na kami sa game. Oh, I remembered... That stupid game.

But is this a game or a proposal?

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon