Chapter 27: RPG

275 11 7
                                    

Pauleen's POV

Nakatayo kami ngayon sa isang malawak na field. Wala naman akong nakikitang court, pool or kahit ano na may sports. Anong klaseng sports ba yung meron dito?

Nagtanong ako kina Miko kung ano yung unique na sport na alam niya. Ang sabi niya sumama daw ako sa kanila nila Jake para sumali sa pinaka paborito nilang game. Napansin ko na karamihan sa sa section namin nandito.

Maya-maya naglakad yung mga kasama ko kaya sumunod ako. Nagulat ako nung biglang may pintuan na napunta sa harapan namin? Saan naman 'to nanggaling?

Parang lumabo yung parteng likuran nung pintuan. Tsaka ko lang napansin na hologram ba 'to? Invisible kasi yung building kaya hindi mo talaga aakalain na nandun.

Pagpasok namin sa loob, sobrang namangha talaga ako sa hitsura nito. Sobrang laki at para siyang dome na sobrang advanced. Yung sahig dito parang salamin. Makikita mo yung nasa taas at baba. Ang sabi naman nung nag-guide samin papasok, hindi daw ordinaryong salamin yung tinatapakan namin. Kahit pasabugan mo daw ng bomba 'to ay hindi siya mababasag o masisira.

Pagpasok namin sa loob pa ng isang pintuan ay nakakita ako ng mga upuan na may mga helmet.

"Pauleen, nakalimutan ko palang ipaliwanag sa'yo kung anong klaseng tournament 'to. Sa lahat ng schools sa bansa natin, eto lang yung may ganitong tournament. RPG siya, halos katulad ng sword art onli-" hindi pa natatapos si Miko sa pagpapaliwanag ay napatigil ko siya.

"Mamamatay ako? Hindi na ko makakabalik sa katawan ko?!"

"Makinig ka nga muna saken Pauleen. Hindi ganun. Ang kaibahan dito, kapag natalo ka magigising ka sa kama mo. Parang mate-teleport yung buong katawan mo. Walang mamamatay." Pagpapatuloy nito.

Kumalma naman ako dun. Kinabhan kasi talaga ako. Akala ko mamamatay na ako. Mabuti sana kung sasali ako diyan at makikilala ko yung 'Kirito' ng buhay ko di ba?

"We will start our opening ceremony with a speech and some in inspirational message from our past winners."

Nagsalita na yun emcee sa stage. Kinakabahan talaga ako. Kasi sabi nung staff na nakausap ko kanina, malaki yung chance na mawala ako sa section namin kapag mababa yung nakuha ko dito. Kapag malala din yung avatar ko sa laro, malamang ay maapektuhan din yung katawan ko sa totoong buhay. Bakit pa kasi hindi 'to napaliwanag saken kaagad ni Miko eh.

"Good morning everyone. I would like to tell you that this game is created for us to enjoy and shape our skills at the same time. I hope that the best and most deserving will get the trophy this year. Good luck everyone." Nagsalita na yung winner nung last tournament. And guess what kung sini yun? No other than, Jake. Akala ko ba basketball player siya?

Pinasuot na samen yung mga virtual helmets para makapunta na kami sa virtual world. Kinakabahan ako pero sobrang nae-excite din ako. Sino ba naman kasi yung aayaw di ba? Kapag fan ka ng anime malamang gugustuhin mo ding makapunta sa iba't-ibang dimensions.

Napunta ako sa loob ng isang napakalaking kwarto. Wala man lang akong kasama na iba pero ramdam ko na may iba akong kasama dito.

"Meow..."

May pusa sa loob? Creepy. Kasi yung designs nung dingding ay dog inspired. At matubig sa loob. Panong may pusa?

"Meow..."

"Waaaaahhh!"

Napasigaw ako nang maramdaman ko sa tenga ko yung boses nung pusa. Napatakbo naman ako pero bigla na lang napunta sa harapan ko yung pusa.

Hindi siya normal na pusa. Yung katawan niya ay tao. Nakakatakot din yung hitsura niya.

"Sumama ka saken. Tutulungan kita. Meow." Sabi nung pusang nagsasalita?

"Wag kang sasama sa kaniya. Nakakatakot siya at pwede kang kainin anumang oras." Sabi naman nung isa pang pusa na lumabas sa gilid ko.

Kung titingnan ko silang dalawa, tama nga na nakakatakot yung hitsura nung nauna at eto namang pangalawa eh mukhang si hello kitty. Iba yung pakiramadam ko sa kanila eh. Parang parehas may kapahamakan.

Biglang kumalam yung tiyan ko. Naalala ko yung rules sa mga restaurant. First come first serve at customer is always right. Pinili kong sumama sa una kong pusang nakita.

Paglapit ko sa kaniya ay bigla na lang ako nalipat sa ibang dimension. May nakuha akong papel at may nakasulat na 'Nice. You're not deceived by looks. Let's see what's waiting for you.'

At bigla na lang nawala yung papel. Naglakad lakad ako. Ngayon nararamdaman ko na talaga na nasa RPG ako. Merong castle na parang abandonado sa harapan ko.

"Ouch! It's so makati naman here. Nasira tuloy yung fingernails ko."

May narinig akong boses. Pakiramadam ko parang narinig ko na dati yung boses na yun. Hindi ko lang maalala kung saan.

"Fancy?"

Natandaan ko na. Siya yung babaeng conyo na na-meet ko dati.

"Hi. Ah, hindi nga pala Fancy pangalan ko. I'm just fooling around that time. By the way, my real name is Asuna." Sabi niya.

Asuna? As in yung sa sword art online? Ang cool naman. Kaso mukhang nahihiya siya sa pangalan niya.

"Tatawagin na lang kitang Ana. Parang nickname mo na rin. Okay lang ba sa'yo?'' Tanong ko sa kaniya at pumayag naman siya.

Nagdesisyon kami na magsama na lang. Mas ligtas kasi sa tingin namin kapag ganun.

Paglapit namin sa gate, sinalubong kami ng isang babae. Naka-uniform siya at mukhang high school student. Pero mahahalata mo sa features niya na parte lang siya nitong RPG na 'to. Hindi siya totoong nage-exist .

Tiningnan ko siya sa mga mata niya at nakita ko na pula yun. May lumabas din na kung ano sa likod niya. Parang kagune? Katulad nung mga gamit sa Tokyo Ghoul. Yun yung mga lumalabas sa likod ng mga ghoul.

"The doors are open in the morning but shut at night, if you look into them you see yourself inside." Sabi nung villain sa harap ko.

Pagkatapos nun ay bigla siyang nawala. Isang malakas na halakhak yung naririnig namin ni Ana pero wala kaming makita. Biglang nagdilim ang paligid. Wala akong makita.

"Ahhh!" Narinig kong sumigaw si Ana.

Palayo nang palayo yung boses niya. Maya maya ay unti-unti ng nagliwanag. Nakita ko si Ana na nakahandusay sa sahig, may sugat siya sa bandang balikat.

"Pauleen, kuhain mo sa bag ko yung bandage..." sabi nito.

Nilinis ko muna yung sugat niya gamit yung alcohol na dala ko. Nilagay ko yung bandage sa sugat niya.

May napansin akong makinang sa loob ng bag niya. Isang salamin. Tinitigan ko nang maigi yung salamin.

Nagdilim na ulit yung paligid pero bago mangyari yun, alam ko na kung ano yung pinapahiwatig nung villain.

My Fantasy Crush (Anime based- COMPLETED)Where stories live. Discover now