Chapter 36

442 15 1
                                    

CHAPTER THIRTY SIX

JERUS' POV

"ILAN BA ANG MATA NG MGA LALAKI? BAKIT ANG DAMI NYONG TINITIGNAN NA BABAE? MGA PINYA BA KAYONG HAYOP NA KAYO?" sigaw ni Melea sa'kin habang pinagbabato yung mga bola dito sa gym. "Buti pa bola sa basketball pinaglalaban nyo. samantalang kaming mga babae pinaglaruan nyo lang." dagdag nya pa.

"Hoy! Tigilan mo na nga yan! Tsaka, binalaan na kita. Hindi ka nakinig!" sagot ko sa kanya habang pinipulot yung mga bolang paulit ulit nyang binabato. Mahirap na baka abutan kami ni coach na nakakalat yung mga bola. Ako pa malalagot.

"Jerus naman. Alam mo namang mahal ko sya eh." tignan mo 'tong babaeng 'to. Magagalit tapos biglang iiyak! Nakakainis. Paulit ulit na lang kaming dalawa sa ganito.

Nahuli nanaman kasi nya si Riks na nay kasamang babae kanina. Oo, kanina lang. Isusurprise nya daw sana si Riks habang nagppractice kami ng basketball kaso sya pa yung nasursprise dahil may nauna sa kanya. Miski ako nasurprise sa nasaksihan ko. Hindi ko nga alam kung ano bang una kong gagawin. Ang suntukin si Riks o ang alalayan si Melea na nakahandusay sa sahig.

"Oh. Anong napala mo? Inatake ka na ng sakit mo naging member ka pa ng TTSP." sabi ko sa kanya sabay tusok sa noo nya. Hindi nya nakayanan yung nasaksihan nya kanina kaya nahirapan syang huminga. Eto namang gagong Riks walang pakielam at umalis kasama yung babae nya. Gago talaga!

"TTSP?" tanong ni Melea.

"Tropang Tanga Sa Pag-ibig." sagot ko sabay sara ng zipper ng lalagyanan ng mga bola.

"Sino naman nagpasimuno nyan?"

"Yung BEEEsfriend mo." bahagyang natawa si Melea mula sa pagkakaiyak nya.

"Iba talaga nagagawa ng broken hearted. Masyadong nagiging corny." sabi nya habang natatawa. Kahit pilit man yung tawa nya mas okay na din 'yon kesa naman umiyak nanaman sya. "Teka. Asan nga pala si Klein? Bakit hindi nyo sya kasama magpractice?"

"MAPA. MAlay ay PAkielam ko." binatukan naman nya ko pagkaraninig nya sa sagot ko.

"Wala kang kwentang bestfriend!"

"Bakit ikaw? Alam mo ba kung nasaan at anong ginagawa ni Hillery ngayon?"

"Hindi." sagot nya kaya naman binatukan ko din sya pambawi.

"Wala ka ding kwentang bestfriend." sabi ko at sabay kaming nagtawanan. Sana ganito na lang si Mel palagi. Palagi na lang tumatawa. Sa totoo lang nagsasawa na kong makita syang umiiyak. Mabuti na din siguro na naghiwalay na sila ni Riks. Kahit hindi man nya ko piliin sa huli, kahit hindi man sya maging sa'kin. Okay na kong makita syang masaya at maayos.

Bigla namang tumunog yung cellphone ni Melea kaya naman saglit nya itong kinuha sa bag nya sa bench at sinagot yung tawag. Hindi ko alam kung sino yung kausap nya pero halata sa itsura nyang natataranta sya at di nya alam kung anong dapat nyang gawin. Sinenyasan pa nya kong lumapit sa kanya kaya naman sinunod ko.

"Puntahan natin si Hillery." tarantang sabi nya. Medyo kinabahan naman ako sa paraan ng pagsasalita nya.

"Anong nangyari kay Hillery?"

"Nasa dance studio. Injured." hindi na ko sumagot ulit at agad kaming tumakbo papunta kay Hillery. Mahirap na baka kung ano pang nangyari donz

Nakarating kami sa studio at naabutan namin si Hillery na nakasalampak sa lapag... umiiyak. Agad naman namin syang nilapitan.

"Hillery anong nangyari? Saan masakit?" nagaalalang tanong ni Melea sa kanya habang hinihimas yung buhok nya.

"Dito oh." iyak tawang sagot ni Hillery sabay turo sa bandang dibdib nya kung saan malapit ang puso. "Hahahaha. Bakit ba kasi ako umasang gusto din nya ko? Bakit ba kasi ako umasang seryoso sya? Bakit ko ba kasi nakalimutang player sya? Hahahaha," kung ako ang tatanungin, sa totoo lang nakakaawa yung itsura nya ngayon. Para bang hindi sya yung Hillery na nakilala ko noon.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon