Chapter 22

1K 29 8
                                    

(A/N)

Sabi ko hindi ako maguupdate pero hindi ako makatiis. HAHAHAHA. Btw, revised po ang chapter 8-10(ata) ng story as in super nabago at edited na mula prologue hanggang chapter 17 ;) So I suggest na sa lahat ng matagal ng nakabasa ng mga naunang chapters na paki-basa po ulit para hindi kayo maguluhan sa kung ano mang mangyayari. Pasensya na po, tinopak kasi ako :3 hehehe

Vote and Comments, please? :(

-------------

CHAPTER TWENTY TWO

HILLERY'S POV

Ang sarap talaga sa pakiramdam pag kasama mo 'yun taong mahal mo. 'Yun tipong kahit badtrip ka makita mo lang siya masaya ka na.

Pumunta kami sa amusement park kahapon. Halos puro kulitan at kalokohan lang ginawa namin yet sobrang nagenjoy ako. Medyo late narin kami nakauwi kagabi dahil nga masyadong nagkatuwaan at hindi namalayan ang oras. After almost 5 months ngayon ko nalang ulit naranasan maging masaya tulad ng ganito.

Iba parin talaga 'yun pakiramdam na mahal ka ng taong mahal mo, na kasama mo na 'yun taong mahal mo. Tulad nga ng sinabi ko kahapon hinding hindi ko pagsisisihan na nakipagbalikan ako kay Rivas.

Napagisipan ko din na kailangan kong magsorry kay Klein. I realized that I was really under the belt yesterday. Melea was right jinudge ko agad siya ng hindi pa alam tunay na nangyari. How I wish na sana mapatawad niya ko.

On the way na ako papunta sa RLU hindi pa naman ako late. Iniisip ko na sa halos 2 buwan na paglipat ko dito parang ang dami ng nangyari merong maganda meron din namang hindi kagandahan pero mas madami 'yun puro kalokohan.

Dumirecho na agad ako sa car park pagdating ko sa school at pumunta sa room. First class? English. English class means hello Klein and hello Klein means say sorry to Klein.

Umupo ako kung saan ako umupo nung first day, kung saan una ko siyang nakatabi. Kung saan unang beses niya kong binwisit. After all eto naman talaga upuan ko, katabi si Klein. 5 minutes nalang before magstart 'yun class pero wala pa si Klein. He's an early bird type of person. Never siyang nalate sa klase.

Minute by minute, second by second tinitignan ko 'yun pinto, chinicheck kung andiyan na siya, hinihintay ko na iluwa s'ya ng pintuan ng classroom naming pero natapos ang English class namin nang wala s'ya.

Bakit hindi siya pumasok? Ganun ba talaga siya kaapektado sa nasabi ko kahapon? Alam ko namang hindi ko siya kilala ng lubusan, kilala ko siya bilang si Klein the gaddamn great player pero kilala siya sa ganun dahil 'yon ang pinapakita niya sa lahat.

Dahil break time ko na ngayon naisipin ko nalang na pumunta sa cafeteria ng biglang may nabunggo ako sa sobrang pagkalutang. Pakiramdam ko mamalasin ako sa araw na 'to.

"Sorry." I said habang pinapagpag yung damit ko dahil napaupo ako.

"Tanga ka ba o bulag?" sigaw niya sakin kaya naman tinignan ko siya. WTfudge ang sama ng hangin.

"IKAW/YOU?" sabay na sigaw namin. English english pa to mukha namang clown.

"Tignan mo nga naman oh, of all the places dito pa tayo magkikita ULIT." she said and smirked like a jellyfish.

"Ohhh. Andito pala ung mukhang paa." I said. Sinong kausap ko? Edi no other than the Little feet. 2 months had passed pero mukha parin siyang paa, no wonder iniwan siya ni Klein.

"Aba't ang kapal mo din pala eh noh?" napapikit ako at hinihintay kong lumanding sa pisngi ko yong kamay niyang ipangsasampal sa'kin pero halos 3 minutes na at wala parin kaya dinilat ko ung mga mata ko at nakita kong may sumanggit at may hawak sa braso niyang ipangsasampal sakin.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon