Chapter 37 (Part 2)

162 7 1
                                    

CHAPTER 37

HILLERY'S POV

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" mga salitang paulit ulit kong naririnig mula kay Melea.

"Oo." 'yan na lang ang tanging nasagot ko sa kanya.

"Hindi na ba talaga magbabago isip mo Hillery?" napailing na lang ako sa tanong nanaman ni Melea. Mula ng tawagan ko siya kaninang umaga halos paulit ulit lang ang tanong niya na akala mong hindi makapaniwala sa desisyon ko.

"OO." matigas kong sagot sa kanya at sunod sunod na inayos ang gamit ko sa maleta.

"Pero Hillery.... Paano na yung klase mo? Paano ako? Paano si Rivas? Paano si Triv?..." tuloy tuloy lang ako sa paglagay ng mga dapat kong dalhin. Sa totoo lang hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit eto yung naging desisyon ko. Hindi ko alam kung bakit ako umabot sa punto na gusto ko munang magpakalayo layo. Hindi ko alam kung bakit gusto ko munang mag-isa. Hindi ko alam kung pandalian lang ba 'to o kakayanin ko ng wala sila. Siguro ganun talaga, kahit gaano mo pa sabihin na matatag ka, na kaya mo, na kakayanin mo lahat ng darating sa'yong problema. Aabot ka pa din sa punto na pagod ka na. Pagod ka na kakasabi mo sa sarili mo na kaya ko 'to. Pagod ka na sa mga nangyayari sa buhay mo. Paulit-ulit na sakit, problema at walang katapusan na pagiisip kung paano mo masosolusyunan.

"...Paano si Klein?" napatigil ako bigla sa sinabi niya at napatingin sa kanya. Pero agad naman akong nakabawi na parang walang narinig.


Sa totoo lang, wala na ata akong pakielam.


*Flashback*

Dalawang araw na 'kong nakatambay sa condo ko. Hindi naman ako makalabas dahil nga medyo masakit pa yung paa ko.

Oo, inaamin ko naman na umaasa akong pupunta si Klein. Sinabi ko naman kay Jerus na papuntahin siya. Pero para kong tanga na naghihintay sa wala. Tinanong ko pa nga si Jerus kung sinabi ba niya kay Klein, oo naman daw. Sumagot pa nga daw si Klein ng "oo". Pero anong nangyari? Nga nga na lang ganun ba?

Kulang na lang tumambling ako sa loob ng kwarto ko para man lang may matino akong magawa.

Pero sa totoo lang napapaisip ako, na paano kaya kung hindi naman pala talaga 'ko gusto ni Klein? Paano kung nabibigla lang siya sa desisyon niya? Na baka si Yuri pa din ang mahal niya? Paano nga ba?

Pakiramdam ko hindi nakakatulong yung pagiisip ko sa pagpapagaling ng paa ko. Sana hindi na lang ako nagkaganito, sana hindi na lang ako naginarte. Sana hindi ko na lang sila nakita. Kasi ngayon, nahihirapan na ko.


Ang hirap kapag mag-isa ka, pakiramdam mo lahat ng problema mo bigla biglang lumalapit sa'yo. Yung tipong kahit ayaw mong isipin bigla bigla na lang papasok sa utak mo. Ni hindi man lang nagpapaalam, pasok agad ng pasok. Bastos!


Minsan, natatawa na lang ako sa sarili ko. Para na kasi akong baliw.


Nasa part na ko ng pagtawa ng biglang tumunog yung cellphone ko. Oo nga pala, may cellphone nga pala ko. Muntik ko ng makalimutan. Kinuha ko yung cellphone ko sa may gilid ng kama ko, ni hindi ko na nga tinignan kung sino yung tumatawag ng sagutin ko 'yun.


"So-so-sorry... Vivien" bungad sa'kin ng isang lalaki. Doon ko lang narealize kung sino ang kausap ko. Napangiti ako. Isang ngiti na hindi masasabing ngiti ng kasiyahan.

"BA--" hindi ko na natapos ang dapat kong itatanong. Binaba na niya ang linya. Bakit? Anong nangyayari? Bakit siya nagsosorry? Sa pagkakaalam ko wala naman siyang ginawang kasalanan sa'kin. Bakit? Naguguluhan ako!


Bakit humihingi ng tawad si Triv?

Hindi pa nasasagot yung tanong sa isipan ko nang may biglang tumawag nanaman. This time tinignan ko kung sino yung tumatawag.

Si...

Klein.

"Patenten." isang malungkot na boses ang pinakawalan niya pagkasagot ko sa tawag niya. Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam kung bakit. Pero bakit pakiramdam ko may mali?

"Patenten..." paguulit niya pero sa pagkakataong 'to may narinig akong mahinang hikbi mula sakanya. Ano bang nangyayari? "Si... si... Kuya. Hillery, si Kuya." dagdag pa niya na halata sa boses na niya may hindi magandang nangyayari, para bang hirap na hirap siya.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Bakit? Anong nangyari kay Triv?" sinubukan kong magsalita ng normal, na para bang walang mali.

"Andito kami sa ospital." nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. "Please. Kailangan ka ni kuya. Andito kami sa Murphy Hospital." dagdag pa niya.

Hindi na 'ko sumagot at binaba ko ang tawag niya. Kahit masakit yung paa ko pinilit kong makarating sa sinabing ospital ni Klein.

Pagdating ko sa harap ng kwarto na sinabi ng nurse. Nakita kong nakabukas yung pinto, sapat para makita mo kung sino yung nasa loob. Hindi pa ko nakakapasok ng maarinig kong naguusap si Klein at Rivas. Yung munting uwang ng pinto at lakas ng boses nila habang naguusap sapat na para marinig ko yung pinaguusapan nila.

Hindi ko namamalayan na nakahawak na 'ko sa dibdib ko. At unti unting napapaupo habang umiiyak.

Sana pala hindi ko na lang narinig. Sana huli na lang akong dumating. Sana hindi na ko nakinig. Sana pala... hindi na lang ako pumunta.


Dahil bukod sa narinig kong may taning na si Triv.


Narinig ko na matagal na palang planong ipakasal si Rivas at Yuri. Narinig ko na pinakiusapan niya si Rivas na lang ang magpakasal kay Yuri imbis na si Triv. Narinig kong plano lahat ni Triv na mapaghiwalay kami ni Rivas dahil mahal ako ni Triv. Pero alam mo kung ano yung mas masakit?


Yun yung narinig kong mahal na ni Rivas si Yuri kaya hindi siya tumutol sa pakiusap nito. Lahat ng 'yan narinig ko galing sa bibig ni Rivas.

Hindi ko kinaya lahat ng narinig ko. Pakiramdam ko pinagkaisahan at pinaglaruan nila ako. Iniayos ko yung sarili ko para sa pagtayo mula sa pagkakasalampak ko sa sahig. Tila ba nawala lahat ng lakas ko. Nanginginig ako sa halo halong emosyon na nararamdaman ko. Lumapit ulit ako sa pinto at nagbalak na pumasok sa loob , sinibukan kong magpanggap na para bang wala akong nalaman pero ayaw makisama ng mata at ng puso ko. Walang tigil yung pagbagsak ng luha ko. Gustohin ko man malaman kung totoo ba lahat ng narinig ko pakiramdam ko hindi ko na kaya. Hindi ko na tinuloy ang plano kong pumasok sa loob ng kwarto, nakayanan kong tumakbo kahit masakit ang paa ko. Hindi ko alam kung saan ako neto dadalhin. Ang alam ko lang.


Masakit. Sobrang sakit.

--

Hindi ko alam kung sapat na ba lahat ng nalaman ko kagabi para magplanong umalis ngayon. Oo, aalis ako. Gusto kong umalis at lumayo sa lahat. Hindi ko alam kung tama ba 'tong desisyon ko.

Masyado ng masakit. May apat na araw pa ko para magpakalayo layo bago bumalik sa school. Pero hindi ko alam kung sa pag-alis kong ito, e kung babalik pa ko.

Hindi tamang tumakbo sa problema, pero eto na lang ang tanging solusyon na naisip ko. Ang tumakbo na parang duwag kesa sa makita sila na para nila kong pinapatay.


Masyado ng masakit. Hindi ko na kaya.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon