Prologue

2.7K 56 25
                                    

When The Player Meets The Game Changer

Copyright © 2014 by Littlemspsycho

---

PROLOGUE

Sabi nila ang buhay ay isang malaking game board na kapag hindi ka marunong makipaglaro, matatalo ka.

Masyadong mapaglaro ang buhay, yung tipong akala mo siya na pero hindi naman pala. Minsan aakalain mong tama ang lahat pero hindi naman pala.

Ganyang ganyan yung naramdaman ko simula nung iniwan niya ko, all I thought was we're destined to be together till the end pero mali pala ako. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang para iwanan nya 'ko, sumama sya sa iba at doon tinuloy ang laro ng buhay nya kasama ang ibang babae.

Sa pagalis nya doon ko din na isip na sa laro ng buhay may mga taong hindi fair lumaban, yung mga taong gumagamit ng dahas o kung ano mang pwedeng makakaapekto sa iba.

Siya, siya ang dahilan kung bakit nagkandaleche-leche ang buhay ko. Sa pagkakaalam ko wala akong atraso sa kanya. Hindi kami close, ni hindi ko sya kilala ng lubos.

At sa laro ng buhay may mga lumalaban din naman ng fair and square yung tipong equal lumaban.

Ako sa sarili ko alam kong patas akong lumaban, pilit kong tinatanggap kung ano man ang ibinabato sa'kin na mga problema, tanggap lang ako ng tanggap hanggang sa kaya ko pa.

Pero may mga taong hindi matanggap ang pagkatalo nila kaya naiisipang gumanti.

At sa isang laro hindi maiiwasang may manalo at matalo. Minsan na kong natalo sa laro ng buhay, minsang gumanti, naging mapaglaro.

Pero hindi ko inaasahan na makakalaro ko ang isang taong nagpabago sa takbo ng laro ng buhay ko. Isang tao na nagpabago ng pagkatao ko.

Doon ko narealize na ang buhay ay isa pala talagang laro at sa larong ito may isang taong humahawak, na siya ang dahilan ng lahat. Hindi ko alam na kami na pala mismo yung pinaglalaruan.

Nung nakilala ko siya dun ko lang naisip na sa laro ng buhay, kailangan mind over matter. Utak laban sa puso. Dahil kung magpapatalo ka sa nararamdaman mo, lugi ka. Luging lugi ka.

Nagsimula ang lahat sa pagpapanggap at walang kwentang usapan, hindi ko inaasahang aabot hanggang sa pwede na kaming magkasakitan. Magulo, nakakalito, maraming pagsubok. Hindi ko alam kung hanggang saan kami tutungo.

Minsan ko nading naisip na baka hindi totoo ang lahat kung ano mang meron sa'min. Kung laro lang to o hindi, kung pagpapanggap pa ba ito na parte pa ng usapan o totoohanan na, hindi ko alam. Basta ang alam ko handa akong gagawin lahat magbago lang ang takbo ng buhay namin. Maging masaya lang kami.

At sa huli doon ako napaisip, sino nga ba talaga ang naging player at ang nagsilbing game changer sa'min? Ang Ex-boyfriend ko? Ang babaeng sumira sa'min? Ang bestfriend ko? Ang boyfriend ko o baka ako mismo?

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon