Chapter 29

821 29 6
                                    

CHAPTER TWENTY NINE

HILLERY'S POV

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin o kung ano bang dapat maramdaman ko basta ang alam ko, masakit. Ang sakit sakit. Fuck naman, paanong hindi ako masasaktan. Makita mo ba naman yung boyfriend mo may kahalikang iba hindi ka masasaktan? Pero ano? natanga nanaman ako, wala nanaman akong nagawa kundi ang titigan lang sila sa malayo.

"Ngayon alam ko ng si Yuri yung ex mo." natatawang sabi ko kay Klein habang naluluha padin. Nandito padin kami sa field pero wala na sila Rivas at si Yuri. Hindi na nga kami nakapasok sa susunod na klase namin dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit hindi ko sila nagawang sugurin kanina o baka dahil pinigilan ako ni Klein.

"Kilala mo si Yuri?" he asked and confusion is marked on his face. "Oo nga pala. Taga Frent ka nga pala dati." he added na parang sya nadin yung sumagot sa sariling tanong.

"Hindi ko alam kung kaibigan ko ba sya, pero sabihin na nating ganun. Pero nawala yung respeto ko sa kanya bilang kaibigan simula nung sinubukan nyang agawin si Rivas sa'kin habang nanliligaw pa lang sya. She's a good friend to us pero bigla na lang syang naging katulad mo ngayon. Player." pagkukwento ko at bigla namang napangiti ng mapait si Klein.

"Alam mo ba kung bakit naging ganito ako?" he asked and I didn't even bother to answer dahil alam ko ikkwento naman nya. He took a deep breath bago sinimulang magsalita.

"Nagsimula lahat nung 3rd year high school I don't know how it all started pero na-love at first sight ako sa kanya. Ang bading pakinggan pero ganun talaga eh. Nakita ko sya sa BM, nalaman ko na taga Frent sya dahil nakasuot pa sya ng uniform samantalang ako taga RLU pero hindi ko alam kung napansin nya ba 'ko non.

Gandang ganda 'ko sa kanya pero hindi ko sya nagawang lapitan dahil mahiyain ako pero simula nung nakita ko sya halos araw-araw ko syang inaabangan sa labas ng school nyo pero hindi parin ako nagpapakita. I'm contented seeing her from afar. Hanggang sa naalala kong doon nga pala nag-aaral yung pinsan ko na si Rivas.

Sinubukan kong magpatulong sa kanya para makilala si Yuri at pumayag naman sya kaya laking pasasalamat ko kay Rivas kung paano kami nagkakilala ni Yuri. Naging magkaibigan kami hanggang sa inamin kong gusto ko na sya. Oo alam kong maloko si Yuri pagdating sa mga lalaki pero binalewala ko 'yon thinking that she could change for me, for the better.

Niligawan ko sya ng halos kalahating taon, sobrang effort ang ginawa ko sa kanya. Sobra sobrang surprise ang binigay ko sa kanya noon para maiparamdam ko sa kanya na mahal ko sya eventually she said yes. Tulad ng sinabi mo pakiramdam ko nasa cloud 9 ako nung mga panahon na 'yon. Ang saya saya ko noong mga panahon na 'yon. She's my first girlfriend kaya medyo nangangapa pa 'ko kung paano humawak ng relasyon. Binigay ko sa kanya lahat ng gusto nya kasi makita ko lang syang masaya, masaya na din ako.

Araw-araw syang pumupunta sa bahay, oo sya pa ang pumupunta sa bahay. We lasted for almost a year. Sobrang saya namin kumbaga sa isang relasyon parang sa'min na yung pinakamaayos. We're not fighting even small petty fights wala. Pero ang hindi ko alam malaki pala ang mali sa relasyon namin. Alam mo kung bakit? Kasi pilit kong itinatak sa isip ko na maayos ang lahat akala ko kasi nagbago na sya kaya sobrang tiwala ang binigay ko sa kanya. Pero hindi pala. She used me, she made me her toy.

Kaya pala sya pumupunta sa bahay dahil nandoon si Rivas. How did I know? Aksidenteng narinig ko syang may kausap sa phone sa loob ng CR habang nasa bahay sya. Tsimoso mang pakinggan sinubukan kong hindi gumawa ng ingay para marinig sila. Pero sana pala hindi ko na lang ginawa. Kasi mas nasaktan lang ako sa mga sinabi nya sa kausap nya.

Masyado daw akong mabait para sa kanya. Masyado daw akong uto-uto. Masyado daw akong patay na patay sa kanya at hindi daw ako yung tipo nyang lalaki kundi ang pinsan ko. Galit na galit ako nung mga oras na 'yon kaya hinintay ko syang lumabas ng CR na ikinagulat naman nya. Hindi sya nakapagsalita at sa sobrang galit ko inulit ko lahat ng narinig ko sa usapan nila at nakipagbreak sa kanya, she was dumbfounded.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon