CHAPTER 37 (PART 1)

271 10 2
                                    

CHAPTER 37(PART 1)

KLEIN'S POV

I can explain!

MELEA'S POV

Pagkatapos akong ihatid ni Jerus hindi na siya bumaba sa sasakyan, masyado na rin namang gabi kaya hinayaan ko na lang.
----
Pero tatlong oras na pagkatapos niya kong ihatid, hindi pa din ako makatulog! Hello Melea, malapit ng sumikat ang araw oh!! Eh anak ka ng shit naman, sino ba naman kasing makakatulog kung sasabihan ka ng mga ganung klaseng salita? Siguro kung normal na babae lang ako, hinimatay na agad ako sa harapan niya sa kilig. Kaso hindi eh, ako 'to, si Meleang tanga na hindi man lang makaramdam.

Jerus' is a good catch kahit may pagkaloko. Sobrang swerte siguro ng magiging girlfriend niya. Hindi naman sa sinasabi kong wala akong balak suklian lahat ng pagpapansin niya sa'kin pero siguro maniniwala na lang muna ko sa "come what may". Mahirap ipilit ang sarili sa taong hindi mo pa naman mahal, kargo de konsensya mo na nga, makakasakit ka pa.

Sa totoo lang pakiramdam ko, walang wala yung problema ko sa pinagdadaanan ni Hillery. Siguro nga nung nagpaulan ng kamalasan si Lord, naglalakwatsa siya. Kaya ayun maraming nasalo.

Maganda, matalino, sobrang sweet at mapagmahal... Ano pa bang kulang kay Hillery para lokohin ng mga lalaki? Napabuntong hininga na lang ako sa pagiisip. Naaawa ako kay Hillery, injured na nga physically mas lalong injured pa emotionally. Anak ng sampung kinalbong baka naman!

Isa pa tong si Rivas at Klein. Ano bang nakita nila sa mukhang labanos na si Yuri? Maputi lang naman, chinita at matangkad. Ay may kulang pa pala. Malandi. Iniisip ko pa lang yung haliparot na yun parang ang sarap ng hambalusin ng bagong gamit na kawali.

Hay buhay. Bakit kaya ganito? Kung kailan may problema ka dadagdagan ng panibago. Hindi pa pwedeng isang problema lang? Isang tao lang naman kami. Inapply din ba sa problema yung the more the merrier?

Hay ewan! Itutulog ko na lang to!

KLEIN'S POV

I can explain!!!!!!

-------------

AN:

Hey! I'm back guys. Hahaha.
Sorry masyado akong naging busy :(
Pero may good news ako!

Ggraduate na 'ko guys! asdfghjkl ❤️ Hahaha.

Sorry kung super short update lang. Inaudjust ko pa yung mind set ko sa story line. Nawala na kasi ako ;( Hahaha. Bawi ako next time! :D

-Cassie

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon