Chapter 18

1.4K 27 12
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

HILLERY'S POV

Today is the 5th day of College Week, wala naman masyadong ganap sa 3rd and 4th day bukod sa lumaban ako ng sayaw at may laban ng basketball sila Jerus. Ok ok, may laban sila Klein. *sigh*

Within that 2 days hindi ko siya nakita, hayy. Shit! Oo na oo na, iniiwasan ko siya. Hindi ko parin kasi magets kung bakit ganon. Kung bakit niya ko hinalikan.

Ayokong isipin na may gusto siya sakin. Ayokong mag-assume! Ayokong maging feelingera baka sa huli NGANGA ako. Yet nabaliw talaga ako sa pagiisip. Halos hindi ako makatulog nung gabi na nangyari yung kalokohan ni Klein. Nagpagulong-gulong na ko sa kama, nagpaikot ikot sa balcony ng condo pero walang epekto. Sinubukan ko ding tawagan si Mel para magshare pero cannot be reach siya, di na daw siya yayaman. Ha ha ha, ok ang corny Hill.

Going back, last day na ngaun ng college week so it means awarding, performance ko at college concert. Unfortunately hindi ako yung nanalo last Wednesday sa dance contest but on the other hand 2nd place ako, I admit it mas magaling talaga sakin yung nanalo yet feeling ko nanalo ako dahil nanuod si Rivas while sila Monggi they won, they defended their place as the champion. Congrats to them.

It's already 12:30 in the afternoon pero hindi pa ko kumakain ng lunch i'm waiting for Melea sabi niya kasi sabay daw kaming maglulunch dahil may importante daw siyang sasabihin. My eyes are wandering around the cafeteria due to boredom when I notice someone.

"Jeruuuuus!" I shouted. Wala na kong pakielam sa mga tao, mind their own monkey business.

He was looking for the person who shouted his name. I raised my hand para mapansin niyang andito ako and there he just snob me and leave the cafeteria. What the freakin fucking fish is his problem? After 5 minutes nakita ko nanaman si Jerus, eto oh katabi ko na.

"Hoy hayop ka! Bat mo ko inisnob kanina?" naiinis kong tanong sakanya sabay hampas sa braso niya.

"Wala lang, namimiss na kitang pagtripan Hill eh." tuwang tuwa pa siya, samantalang ako gusto ko siyang sakalin, duh? napahiya kaya ako!

"Fvck you!" I said but he just laugh. "Harder Hillery, harder!" he said. ugh! pervert talaga to! sana pala hindi ko nalang siya tinawag kung iinisin lang niya ko.

"Hey beee! ohhh. Hi Jerus!" so here she is.

"Thank you for saving my life Mel. Salamat talaga!" he said to Mel, samantalang si Mel nagtataka kung bakit "Halos patayin na kasi ako ni Hillery sa isip niya sa sobrang inis sakin." at sabay silang natawa, tinignan ko nalang sila ng masama at hint na nila yun para tumigil sa kakatawa.

"Sorry." they said in unison while Jerus pinch ed my cheeks. "Ouch!" I said at pinalo ang kamay niya.

"So, ano ang importante mong sasabihin?" pagtatanong ko kay Mel bigla naman siyang nangiti.

"Laters beee, alam kong di ka pa kumakain. Sabay ka narin samin Jerus." she said at dahil masyadong gentledog si Jerus siya ang bumili ng pagkain namin para daw di kami mawalan ng upuan. May utak din pala ang loko. Kidding! he he he

Habang hinihintay namin si Jerus pinipilit ko si Mel na sabihin kung ano man ang sasabihin niya pero ayaw niya mamaya nalang daw pagtapos naming kumain. Pero halata sakanya na maganda ang sasabihin niya dahil hindi maalis sa mga labi nya yung ngiti.

"Here's your orders ma'am" sabi ni Jerus na mala waiter ang itsura ngaun kaya naman natawa kami parehas ni Beee.

After ng waiter na peg ni Je kumain nalang kami, ni isa walang sumubok magsalita, pare-parehas na kaming gutom. Kala mong may pustahan kami at may premyong malaki sa kung sino ang unang matatapos.

When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon