Chapter 37 (Part 3)

221 10 1
                                    

CHAPTER 37 (PART 3)

HILLERY'S POV

Wala eh, ganun nga siguro talaga ang buhay. Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo. Minsan mahal mo nga, hindi ka naman mahal, o di kaya mahal ka pero hindi mo naman mahal. Pero alam mo yung pinakamalupit? 'Yun yung mahal mo siya, mahal ka niya. Okay na sana di ba? Perfect na eh, pero hindi tama yung pagkakataon. Yung tipong masaya kayo pero may biglang sisingit na sitwasyon para masira kayo. Bakit ba kasi napaka unfair ng buhay?

Masakit magmahal ng taong hindi mo pwedeng angkinin. Kahit gaano mo pa siya kamahal, kung may mahal na siyang iba wala ka ng magagawa kundi magtiis hanggang sa mapagdesisyunan mong wala ka ng mapapala.

"Hillery." Napalingon ako bigla kay Melea. Bahagya siyang ngumiti at lumapit sakin sabay hawak sa mga kamay ko. Huminga siya ng malalim. "Kung dyan gagaang yung pakiramdam mo, hahayaan na kitang umalis." Nakangiting sabi niya sa'kin. A smile I never wanted to see. Alam ko 'yon, I know that kind of smile. She's trying to suppress her tears. She's my bestfriend, I know her that well.

Pagkatapos niyang sabihin 'yun hindi na siya ulit nagsalita at tinulungan na lang akong ayusin ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Alam kong hindi ako iiwan ni Melea, alam kong andyan lang siya parati. Pero bakit pakiramdam ko magisa lang ako? Bakit pakiramdam ko ako pinagkaisahan nila ako kahit alam ko sa sarili ko na hindi totoo 'yon? Bakit? Gulong gulo na ko sa lahat ng nararamdaman ko.

Parang sa pagkakataong 'to hindi ko alam kung ano ang tama sa mali. Pakiramdam ko isa akong kriminal na tumatakas sa taong pinatay niya. Pero parang baliktad naman ata. Ako yung pinatay nila. Ako yung nasasaktan dito tapos ako pa yung tumatakas?

"Mel." I whispered. Hindi ko alam kung narinig ba niya ko dahil busy siya sa pagaayos ng gamit ko while crying softly and quiet. Isang mapait na ngiti ang nabitawan ko. It's hard and painful to see your bestfriend cry because of you but you can't do anything. Doon ko narealize na kung ako nasasaktan dahil umiiyak siya ng dahil sa'kin paano pa kaya yung nararamdaman ni Melea na nagkakaganito ako ngayon? Napailing na lang ako saktong tumayo si Melea at nagpunas ng mata.

Hindi na 'ko nakatiis nang yakapin ko siya. "Four days beee, apat na araw lang. Babalik ako." tuluyan ng pumatak yung mga luha kong pilit na itinatago mula kanina, siya namang rinig ko sa paghagulgol ni Melea. Inialis ko yung pagkakayakap ko sa kanya at pininunasan yung luha niya. "Hindi pa ko mamamatay beee, aalis lang ako." pagbibiro ko kaya naman bigla akong hinampas ni Melea.

"Bababalik ka ha? Hindi mo ko iiwan beee di ba? Magiisip ka lang, magmomove on ka lang, apat na araw ka lang di ba?" sunod sunod na tanong ni Melea kaya naman nagnod na lang ako. "Saan ka nga pala pupunta?" dugtong niya na siya namang ikinatigil ko.

"Hindi ko pa alam." sagot ko at itinaas baba ang balikat ko.

"Baka naman ayaw mo lang sabihin? Promise. Hindi kita pupuntahan." Napangiti na lang ako sa sagot ni Melea. Kilalang kilala niya talaga ko.

"Sa US." Mabilis kong sagot sabay tingin sakanya, bigla naman siyang napanganga.

"US? As in United States? As in sa America? Seryoso ka ba Vivien?" diredirechong tanong nanaman niya. "Akala ko ba apat na araw ka lang? Akala ko ba babalik ka? Akala ko kung saan ka lang pupunta. Bakit sa US pa?" di pa pala siya tapos sa mga tanong niya kanina, dinagdagan pa.

"Babalik ako." I simply answered. Pero sana nga makabalik ako. Ibinalibag ni Melea ang sarili niya sa kama. Feeling ko sobrang frustrated na siya sa lahat ng ginagawa ko.

Babalik ako pero hindi ko alam kung kailan.

"Anong oras flight mo?"

"11:00 PM" sagot ko sabay tingin sa orasan. It's only 5 in the afternoon and I still have time before ako pumunta sa airport. I was about to went near Melea and suddenly thought of my unfinished business here  "Samahan mo ko beee. Daan muna tayo kay Triv." Dagdag ko. She doesn't seem surprised. Napatungo na lang si Melea na para bang suko na siya at isa isang inayos yung gamit ko para ibaba at dalhin sa sasakyan.

Kinuha ko naman yung mga natirang gamit. Bago ko pa man isara yung pintuan, I wander my eyes around my unit. Four days, Hillery. Four days. Sigurado ka na bang babalik ka pa? Hindi ko namalayan na may pumatak na palang luha mula sa mata ko. Bakit ba ko nasasaktan ng ganito? Kung tutuusin simpleng bagay lang naman yung mga nalaman ko. Napabuntong hininga na lang ako at tuluyang isinara ang pintuan ko.

No one dared to cut the silence while we were on our way to the hospital. As if we're both tired of everything happened throughout the whole day. We went straight to Triv's room but Melea refused to come with me sa loob. She told me that Triv and I should have our own time. To straight things up, to fix everything before I leave.  Nginitian ko na lang siya bago ako pumasok sa loob.

As I went nearer and nearer to his bed, unti unting bumibigat yung pakiramdam ko. Is he really dying? Ganun ba talaga kalala yung sakit niya para taningan siya ng doktor? Bakit hindi ko man lang nalaman na may sakit siya? Bakit sa pagkakataon pang may taning siya? Bestfriend din naman niya ko di ba?

I was really furious until I reached his bed. He's fast asleep. Sobrang peaceful ng itsura ni Triv. Yung tipong hindi mo makikita na may sakit siya, na parang dinala lang siya dito para matulog. Yet may mga aparatong nakakabit sa kanya, his skin is so pale, and he's starting to lose weight. Ano ba talagang sakit ni Triv?

I held Triv's face. "Why you didn't tell me that you're sick?" I asked as if he's hearing me. "Why are you saying sorry to me Triv? Why? Wake up Triv. WAKE UP!" sa sobrang frustration ko hindi ko na napigilan yung mga luha ko. Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko magawa. Madami akong tanong sa kanya pero alam kong hindi nya ko maririnig. I was just silently crying while holding his hands looking at his pale hands for like an hour. The whole room was so quiet not until I heard someone called my name. I was a bit nervous, realizing that maybe Triv is already awake. Hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi pa ko handa sa mga maririnig ko mula sa kanya.

"Hillery." someone said again. Inangat ko yung ulo ko at tinignan si Triv but he was still sleeping. Until I look at the doorstep.

Wait. Bakit nandito siya? Shit. Tanga ka Hillery, kapatid niya si Triv. Pero teka, hindi ako handa. I'm not yet ready to face him. Not this time, not in this kind of situation.

"Patenten." he said softly as if he's whispering. So soft yet enough for me to hear. Enough to make feel so vulnerable. I close my eyes and clenched my fists. Ayokong magmukhang mahina sa harapan niya. My heart was beating real fast, I couldn't even make myself calm, not when he's around.  "Triv has cancer. The doctor gave him few more months to live."

Unti unting lumuwag yung pagkakayukom ng kamay ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. This can't be happening. Lord, ayoko man po kayong kwestyonin pero bakit si Triv pa? Bakit yung bestfriend ko pa?

"You're just joking right?" I asked Klein kahit alam kong niloloko ko lang sarili ko. "Triv's just fooling us right? Nagbibiro lang kayo di ba?" I gave up with my last words at napasalampak sa sahig. I love Triv so much as my bestfriend, kahit alam kong isa siya sa mga taong nanloko sa'kin. Hindi sa ganitong paraan siya babawi. Hindi sa ganitong pagkakataon siya magsosorry. I want to punch him in his face and kick him in his balls. Pero paano ko gagawin 'yun kung nasa ganitong sitwasyon siya? Paano?

"Hush. Vivien. Kuya will be fine. Hindi niya tayo iiwan." he said while hugging me. Trying to calm me down. It was awkward for me. Hugging the man, I'm inlove with. Hugging the reason why I am planning to leave. Shit. I almost forgot I'm leaving.

I stood up and fixed myself. Hindi ko na pinansin si Klein. I went back to Triv's bed. "You'll fight right? You won't leave me. You won't leave us. I'll be back Triv. I will be back. Just give me few days, weeks or months. I will be back." I whispered into his ears.

 I was about to leave when I felt a soft hand touching my arm. 

"I'm so-so-rry." 

And tears started to fall from my eyes for the nth time.

How can I leave in this kind of situation?



When The Player Meets The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon