Update Six

7.2K 420 74
                                    

Asia's POV

11 na ng gabi.

Napagdesisyunan kong hindi magbukas ng Facebook pero wala. Hindi ko kinaya. Kaya ayun, nagbukas pa rin ako.

Trending naman sa news feed ko (or timeline yata, i don't care whatever it is) ang ginawang blind item ng mga ka-mag-aral ko.

Masyado nga lang obvious na si Catherine ang tinutukoy dun. Sana hindi na lang nagpost ng ganun. Dapat hanggang sa school na lang yung mga issue. Kawawa naman si Catherine.

*pop*

Joshua Salvador: good eve :)

? Magpapalike ba 'to ng picture or something?

I-cloclose ko na sana yung chatbox pero:

Joshua Salvador: para bukas...

Matagal pa bago siya nakapagdagdag ng sasabihin. Pa-wala wala kasi yung 'typing' na nakalagay eh. Baka paputol-putol ang internet connection nila.

Joshua Salvador: anong oras ka pwede? :D

Pwed---? Ay! Si Joshua nga pala ito! Pumayag nga pala ako kanina dun sa pagyaya niya! Pakingteyp nakalimutan ko!

Asia Diaz: ay sensya ha? nakalimutan ko na may gagawin pala ako bukas :(

Matagal pa bago siya ulit nakapagreply. Kinabahan nga ako kasi baka magalit. Pero nung lumabas naman yung reply niya, nawala ang kaba ko.

Joshua Salvador: ah ok :)

Mag lolog out na sana ako pero nagchat pa pala siya.

Joshua Salvador: tutulog ka na ba? chat muna tayo? haha pwede?

Nakakaguilty naman so ayun,

Asia Diaz: sige :)

Nagpalitan lang kami ng mga kung anu-ano. Kung anu-ano ngang topic eh. Ewan ko nga kung san niya nakuha ang mga random topics namin pero tumagal ang pag-chachat namin hanggang 1:30 a.m.

Hindi pa nga siya sana mag b-by-bye kung hindi ko pa sinabing mag-oout na ako eh.

Joshua Salvador: geh, good night! thank you sa pag chat sakin haha sweet dreams :D

Nagtytype pa ako ng reply nang may mag *pop*

Jolo Gonzaga (Private Account): Uy

Jolo Gonzaga (Private Account): Bat gising ka pa?

Ay!

Gabing gabi na e! Eyy! Ginigising niya mga kilig bones ko!

Asia Diaz: matutulog na nga ako eh hahaha

Jolo Gonzaga (Private Account): Ah talaga?

Asia Diaz: oo

Jolo Gonzaga (Private Account): Ah...

Jolo Gonzaga (Private Account): Wait lang

Asia Diaz: ?

Jolo Gonzaga (Private Account): Ok ka lang ba kanina?

Jolo Gonzaga (Private Account): Tatanungin pa sana kita kaya lang umalis kaagad

Asia Diaz: ayus lang ako! natatae lang ako kanina hahahahahaa joke

Omg Asia, wtf did you just send?! Ang baboy!

Jolo Gonzaga (Private Account): Hahaha

Tinytype ko pa yung reply kong 'uy joke lang yun! LOL' pero biglang nag *pop*

(ONHOLD) Prologue to LoveWhere stories live. Discover now