CHAPTER 41 ** A REAL FRIEND IS.. **

1.9K 29 8
                                    

JOSHANE'S POV

Parang bombang sumabog ang huling sinabi sa akin ni Harley. I can't believe that he was no longer inlove with me. All this time ako na lang pala ang nag-iisang lumalaban. Na ako na lang pala ang nag-mamahal at siya tuluyan ng naka moved on. He's getting married na nga next week.

Sinubukan kong ipaalam sa kanya ang totoo pero tila sarado na ang kanyang isipan sa katotohanan. Nalason na ng kasinungalingan ang isip niya.

Pero hindi parin ako susuko na habulin siya dahil kaligayahan ko ang nakataya dito.

***

Magkikita kami ngayon ni Ethan sa mall namin at kasama ko ngayon si Tricia na makikipag meet kay Ethan. Habang nasa biyahe kami hindi ko maiwasan ang mabahala dahil malapit na ang araw ng kasal ng taong mahal ko.

" Alam mo bruh, pag nakita ko yang Celine na yan kakalbohin ko talaga yan. Plastik na nga ubod pa ng sinungaling. Nakakapanggigil siya! Grrrr. "  Himutok ni Tricia. Alam narin kasi niya ang tungkol sa pagiging baog ni Celine kaya galit na galit siya kay Celine.

" Relax bruh, parang ikaw ang nasa posisyon ko eh. Ako nga kalmado lang eh. " Mukha lang naman akong kalmado pero deep down inside tense na tense na ako. Sa loob-loob ko gusto ko ng mag freak out!

" Knowing you? Mukha ka lang kalmado pero i know na nababahala ka din. Hindi masama kung ilalabas mo kung anu ang tunay nanararamdaman mo ngayon. " - Tricia

Tumahimik na lang ako kesa makipag talo pa ako kay Trish. Alam ko ipaglalaban niya talaga kung anu ang point of view niya. Narating namin ang mall at dumiretso na kami sa starbucks. Doon kasi kami magkikita ni Ethan. Pag pasok namin sa loob hinanap na namin kaagad kung saan naka pwesto si Ethan at nakita namin siya sa sulok ng coffe shop na ito na kumakaway sa amin. Nilapitan namin siya at pinakilala ko siya kay Tricia.

" Kanina ka pa ba naghihintay sa amin? By the way, this is Tricia my bestfriend, Trish, siya naman si Ethan. " Nagkamayan silang dalawa at after nun umupo na kami.

" So, nasabi mo na ba kay Harley ang tungkol sa sakit ni Celine? " - Ethan

Bigla kong naalala ang pag-uusap namin ni Harley na nauwi lang sa wala. Hindi niya pinaniwalaan ang mga sinabi ko and as usual si Celine parin ang pinili niya.

" Sinabi ko sa kanya ang lahat pero ayaw niyang maniwala. " Sabi ko kay Ethan.

" Paano na yan? Hahayaan mo nalang ba na tuluyan ng mapunta si Harley kay Celine? " - Ethan

Sa sinabi ni Ethan biglang uminit ang ulo ko pero paano ko nga ba mababawi si Harley kay Celine? Naikuyom ko ang palad ko sa thought na yun. No, i'm not letting her to get what was really mine.

" Hindi ko alam kung anu pa ang pwede ko magawa but one thing is sure, i'm gonna get back what was really mine. " Napatingin silang dalawa sa akin dahil sa sinabi ko.

" So what's your plan then? " - Ethan

" Plan? You'll find out soon, sa mismong araw ng kasal nila. " Ngumiti ako sa kanila at kahit na kinakabahan ako pero confident naman ako sa magiging out come ng plano ko.

" Hmm. I think magugustuhan ko yung plan mo na yan bruh. " Nag smirk si Tricia, gets na niya kung anu ang plano ko.

Si Ethan naman nag kibit balikat lang sa tinuran ko pero hindi naman siya against sa secret plan ko.

" Joshane, see you on Saturday. I'll pick you up at 9am since ang oras ng kasal is 10:30am. " - Ethan

" Sure Ethan, sige mauuna na kami. I'll keep in touch with you. " Umalis na kami ng mall at pumunta kami sa resort nila Cherry and Lia to relax. May gamit na kami sa resort nila since may sarili kaming VIP suite dun.

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarWhere stories live. Discover now