CHAPTER 38 ** LOVE VS. LIES **

1.8K 27 4
                                    

HARLEY'S POV

Two years na ang nakalipas simula nung mag hiwalay kami. At sa loob ng dalawang taon pinilit kong kalimutan siya at mag mahal ng iba. Pero kahit anung pilit ko na ibaling sa iba ang pag mamahal ko, hindi parin ito nalilipat sa iba. Ngayon ko lang narealized na hindi mo pala talaga pwedeng turuan ang puso kung kanino ito titibok.

Aaminin ko na hanggang ngayon isang babae lang ang tinitibok ng puso ko. At kahit anung pilit kong mahalin si Celine, puso ko na mismo ang tumatanggi na tumibok ito para kay Celine.

Sa puso ko na yata naninirahan si Joshane dahil magpahanggang ngayon siya parin ang mahal ko. Pero kahit mahal ko siya, mas matimbang parin ang sakit na idinulot niya sa akin nung umalis siya ng walang paalam.

Pakiramdam ko noon, para akong pinatay nang paulit-ulit nung mawala siya na walang nagsasabi sa akin kung saan siya nagpunta. I feel betrayed at that moment. Pero kasalanan ko rin kung bakit nangyari ang bagay na yun. Kung naging malawak lang sana ang pang unawa ko noon, kung pinakinggan ko lang ang paliwanag niya sa akin, edi sana ngayon masaya parin kaming nagmamahalan.

I trust her and i always do, pero nung sinubok ang relasyon namin ang dali kong sumuko. Naging selfish ako for the first time dahil nanaig sa akin ang galit at selos. Siguro hindi solid ang tiwala ko dahil kung talagang nagtiwala ako sa kanya edi sana kami parin hanggang ngayon. Naging tanga ako sa mga desisyong hindi ko pinag isipan muna at ngayon nagsisisi ako sa padalos-dalos ko na desisyon. Pero kahit magsisi man ako ngayon huli na ang lahat para sa amin. Galit siya sa akin at ayoko ng masaktan pa siya ulit na ako ang dahilan.

" Hon, are you okay? Bakit nakatulala ka diyan? " Hindi ko namalayan na nakapasok na pala sa office ko si Celine. Ang dami kasing bumabagabag sa isipan ko.

" Kanina kapa ba diyan? Dami ko lang kasing iniisip lately. Tambak na ang trabaho ko pero ni isa wala pa akong natapos. " Lumapit si Celine sa akin at umupo sa kandungan ko. Ewan ko ba kung bakit ang hirap ibaling kay Celine ang pag mamahal ko. Kahit naghahalikan kaming dalawa si Joshane parin ang nasa isip ko. Alam kong mali pero hindi ko talaga maiwasan ang sarili ko na huwag siyang isipin.

Minsan nga iniisip ko na sana si Joshane nalang ang kahalikan ko at hindi si Celine. God! I really miss her! Namimiss ko ang mga yakap niya, ang pagiging sweet niya sa akin at pagiging inosente niya sa mga bagay-bagay sa paligid. I like her being herself. Hindi siya maarte at madali siyang makapalagayan ng loob ng ibang tao.

Ang tanga ko lang na pinakawalan ko siya at ngayon na stuck ako kay Celine which is the total opposites of Joshane. Nadedevelop na sana ako kay Celine pero nung makita ko ulit si Joshane, biglang bumalik ang lahat ng mga masasayang alaala naming dalawa na magkasama. Lalong lalo na ang feelings ko para sa kanya.

Hay! Ang hirap naman ng sitwasyon ko, kelangan ko pang pakasalan si Celine hindi dahil mahal ko siya kundi dahil sinabi niya sa akin na buntis siya. Since ayoko na maging masamang ama sa bata kaya ko gagawin ang bagay na baka pagsisisihan ko sa bandang huli. Shit!

" Hon? Hey! Why are you so quiet? Somethings wrong? " Naagaw ulit ang atensyon ko ni Celine nung mag snap siya sa harapan ko. I know i'm being unfair to her but i am also unfair to Joshane and to myself.

" Sorry, what was that again? "  Tanong ko sakanya ngunit nag pout lang siya sa akin. Bakit kapag si Joshane ang nag pout sa harapan ko gustong gusto ko siyang halikan pero kapag si Celine parang wala lang sa akin?!

" Sorry, i-im not in the mood today. " Totoo naman na wala ako sa mood na makipag usap kay Celine dahil baka mag-away lang kaming dalawa. Sobrang kulit pa naman ng babaeng to. At sa ganitong moment na wala ako sa mood ayoko na kinukulit ako dahil mabilis akong mainis.

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon