CHAPTER 4 ** TO THE RESCUE **

3.8K 93 34
                                    

[ JOSHANE'S POV ]

Naglalakad ako sa hallway papuntang library.. My kelangan kasi akong iresearch dun na about sa assignment ko.

Pumunta pa kasi ng canteen si Celine kaya nauna na akong nagpunta sa library.

Kinukuha ko yung ballpen at notebook ko sa bag ko ng my biglang bumunggo sakin mula sa likuran.. Pagtingala ko nakita ko agad ang mukha ng taong ayaw na ayaw kung makita.. Mukha lang naman ng hambog at antipatikong Harley..

Tiningnan ko nga sya ng masama at kung nakakamatay lang ang tingin malamang nakahandusay na ito sa sahig..

" Ang lapad lapad ng hallway para mabunggo mo pa ako.. Nananadya kaba? "  bwiset na lalakeng to, sisirain nanaman ang araw ko..

Sa dinami dami ng taong makikita ko bakit sya pa talaga?! aaaarrghhh..

" Eh anu naman kung sinasadya ko? Baka nakakalimutan mo my atraso kapa sa akin?"

Ha? ako my atraso sa hambog nato? Ang alam ko sya ang my atraso sakin... Lord, dagdagan nyo pa po patience ko, di ko po kelangan ng lakas baka kasi mabugbog ko tong kaharap ko...

" Siguro my gusto ka sakin at ito yung way mo para mapansin kita.. " napaka conceited ng lalake na to grabe!!

" bagyo kaba? Ang lakas kasi ng hangin na dala mo.. At kahit ikaw pa ang huling lalake sa mundo hinding hindi ako magkakagusto sayo! As in NEVER!! umiinit na ang dugo ko sa lalakeng to as in nasa boiling point na..

" Wow! Akala mo ba magkakagusto din ako sayo? You're not my type!! At ayoko sa flat chested.. "  sa sobrang pagkapahiya ko tumakbo ako palayo sakanila at di ko namalayan na tumutulo na pala mga luha ko..

Dinala ako ng mga paa ko sa garden sa likod na bahagi ng school. Dun ako umiyak ng umiyak kasi wala namang taong napapadako doon. Bakit ba kasi kelangan ko pang makaharap ang mokong na yun?! Ang tahimik kong buhay naging magulo na dahil sa kumag na yun.. Aaaarrrggghh.. Pinunasan ko na ang mga luha ko, sayang ang luha ko para lang sa mokong na yun..

Tiningnan ko yung relo ko, my 30mins pa akong natitira para pumunta ng library. After awhile napag desisyunan kong pumunta narin ng library..

Papunta na ako ng library ng makasalubong ko ang grupo nila Tricia.. Alam ko my gagawin nanaman to sakin ang bruhang to.. At hindi nga ako nagkamali..

" Oh well, look who's here?! Ang ilusyunadang scholar.. "

Lalagpasan ko nalang sana sila dahil ayoko na ng gulo.. Pero hinawakan ako sa braso ni Tricia at sabay hila pabalik..

" You have no right na talikuran ako.."  sabay sampal sa pisngi ko.. Napatda ako  sa pagsampal nya sakin.. At hindi pa sya nakuntento at sinampal naman nya  ang kabila kong pisngi..

" Yan ang bagay sa katulad mo.. Next time na talikuran mo ako hindi lang yan ang matitikman mo sakin.. "  matalim ang tinging pinukol nya sakin..

Napatingin ako sa likuran ni Tricia, nakita ko si Peter na nakatayo doon.. At bigla syang lumapit samin at hinila nya ako palayo sa grupo ni Tricia.. Nagulat si Tricia sa ginawa ni Peter kaya napatingin na lang sya sa amin ni Peter habang hila hila nya ako palayo..

Kahit ako nagtataka sa ginawa ni Peter.. Hawak hawak parin nya ang kamay ko.. Dinala nya ako sa music room kung saan dito ko sya unang nakilala in person.. Kaming dalawa lang ang tao dito kaya di ko napigilang mapaiyak nanaman..

" Bakit hinayaan mo lang na sampalin ka ni Tricia? Tanga kaba?! "

napatingin ako sa mukha nya. Katulad ng dati blanko parin ang expression ng mukha nya.. Pero nagulat talaga ako sa ginawa nyang pag hila sakin kanina.. Di ko alam kung anung sasabihin ko kaya di na lang ako kumibo at tahimik nalang akong umiiyak.

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarWhere stories live. Discover now