CHAPTER 5 ** STALKER **

3.7K 110 41
                                    


One week ang lumipas at syempre walang natanggap na sorry si Harley mula ky Shane..

At simula nung nakita ni Harley na muntik ng halikan ni Peter si Shane parati na nyang sinusundan si Shane na parang stalker sya ni Shane..

Kahit si Harley di maintindihan ang sarili kung bakit nya ginagawa ito basta ang alam nya gusto nya lang sundan lagi ang babae..

HARLEY'S POV

One week na ang nakalipas pero di man lang humingi ng sorry si Shane sakin. Expected ko na yun kaso naghihintay parin ako na baka magsorry sya sakin..

"Harls, di man lang nag sorry sayo yung si Joshane.. That means, panalo ako sa pustahan namin ni JL.. hahaha.. " natuwa pang kumag na to dahil di nag sorry si Joshane sakin..

Pakk.. Binatukan ko nga nakakainis eh... Nagawa pang tumawa alam naman nyang naiinis na nga ako..

" Shit naman Harley, bakit mo ko binatukan? " hinimas nya yung ulo nya..

" Bakit aangal ka?.. " sabay kunwari babatukan ko sya ulit.. Nakakatawa talaga tong si Kelvin, parang di GFORCE eh .. ^_^

Makapunta nga muna sa canteen, nagugutom na ako eh.. Wala pa si Peter malamang nasa music room nanaman yun..

Bago ako makarating ng canteen nakita ko si Joshane papuntang library kaya imbes na dumiretso ako sa canteen sa library ako nagpunta..

Pagkapasok ko sa loob tinginan lahat ng estudyante sa akin.. Bakit? Kasi nga di ko ugaling pumunta ng library at kung di lang dahil nakita ko si Joshane na pumasok dito di ako mapapadpad dito..

Tiningnan ko nga ng masama lahat ng tao sa library at saka lang sila bumalik sa mga ginagawa nila..

Nakita ko sa dulong shelf si Joshane na my hinahanap.. Lumapit ako sakanya ng dahan dahan para di nya ako mahalata. Pagka harap nya nabunggo nya ako at syempre kunwari di ko alam na nandito sya..

" Anu ba yan, habit mo na bang mang bunggo or magpabunggo? " kunwari naiinis ako.. Nagulat sya nung nabunggo nya ako..

" Sorry, di ko naman sinasadya.. " sabay tingala nya sakin.. Yung gulat na reaksyon nya napalitan ng inis..

" Di sapat ang sorry mo lang, panu kung natamaan ako ng librong hawak mo? "

" Anung di sapat ang sorry ko lang? Hoy, ikaw nga ni hindi ka man lang marunong mag sorry sakin dati... Bwiset! " sigaw nya..

" Sssshhh.. Silence please! Library ito at hindi palengke.. " saway samin ng librarian..

" Sorry maam! " hinging paumanhin ni Shane.. Kung makatalak kasi daig pa ang nakalunok ng megaphone sa sobrang ingay.. Tsk!

Hinila ko sya palabas ng library.. Sa gulat nya di sya nakaimik at sumunod nalang sya sa kin..

" Hoy, bakit mo ko hinila? At saan mo ko dadalhin mokong ka?! " sigaw nanaman nya.. Hay, nakakairita naman itong babaeng to..

" Shut up! Ang ingay ingay mo.. Nakalunok ka ba ng megaphone? sobrang naririndi na ako sa kakasigaw nito..

" sisigaw ako hanggat gusto ko at wala kang pakialam.. " sabay inirapan nya ako..

" Shut up or else.. " binitin ko ang sasabihin ko..

" Or else what? Hinila hila mo ko dito tapos naiirita ka pala sa sigaw ko? Pwes! Magdusa ka sa si- " kaya wala akong nagawa kundi halikan sya to shut her up!..

Nagulat sya sa ginawa kong pag halik sakanya.. Napangiti ako sa ichura nya, lumaki ang mata nya sa ginawa ko.. haha.. Edi natahimik din sya.. Agad naman sya nakabawi at hinampas ako sa braso ko..

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon