CHAPTER 12 ** SEMBREAK PART 1 **

2.8K 68 11
                                    

HARLEY'S P.O.V

Sa wakas sembreak na, anu kaya ang pwedeng magawa the whole week?! Ahh.. Alam ko na yayain ko kaya ang GFORCE na pumunta sa dating tambayan namin at makipag bugbugan?! Hmmmm.. Good idea! Pantanggal boredom lang..

[ Peter, punta ako jan sa bahay nyo.. Nanjan ba parents mo?! " ]

[ Oh Harley?! Wala parents ko dito kaya punta ka nalang at pupunta din sila JL Kelvin at Tristan dito.. " ]

[ Ayos! Sige papunta na ako jan.. " ]

Inend ko na ang call at nagmamadali akong pumunta ng parking lot.. Nakasalubong ko si lolo tanda.. Kung mamalasin ka nga naman! Putek!

" Apo, saan ang lakad mo? Bakit nagmamadali ka?! " - Lolo

" Pupunta ako sa bahay ni Peter Lolo kaya please naman po wag nyo na akong istorbohin.. " Alam ko mejo rude ako sakanya pero sanay na sya sa ganyang ugali ko..

" Kawawa naman si lolo lagi nalang iniiwan ni apo! " sabay nag pout si Tanda.. Langyah, ang tanda tanda na pero asal bata.. Kadiri! Yuck!

" Lo, wag ka ngang mag pout nakakadiri ka tingnan.." aasarin nanaman ako ng tanda na to.. Hayss..

" Isama mo nalang kaya ako apo.. Sige na please... " at nag puppy eyes pa sya! Amputek na matanda to! Di talaga ako titigilan nito..

" WAAAAAHHH... ANU BA NAMAN TANDA?! TIGILAN MO NGA YANG PAGKA CHILDISH MO! ANG TANDA MO NA GANYAN KAPA!! " Asar na talaga ako sa matandang hukluban na to.. Kainis talaga panira lagi ng araw eh!!

" Apo, wag ka naman sumigaw ky lolo. Di mo na ba love si lolo?! " Nag walk out na ako. Baka pag di pa ako umalis baka mabaliw ako sa matandang to..

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot ko na ito.. Tamang tama lang ang dating ko. Kararating lang din ni JL..

" Harley, mukhang my pag uusapan ang GFORCE ngayon ah?! " - JL

" Sa loob nalang tayo mag usap!! " wala sa loob ko na sabi ky JL

" whooahh.. Mukhang di maganda ang araw natin ah?! Anung problema?! " -JL

" Wala naman, naiinis lang ako ky lolo.. Ang aga aga akong inasar! Mantakin mo, ang tanda tanda na pero asal bata! Bwiset!! " at biglang tumawa si JL sa sinabi ko.. Batukan ko nga!!

" Shit, sakit nun Harley ha?! PMS ka talaga kahit kelan.. " - JL

babatukan ko ulit sana sya pero inawat ako ni Peter..

" Hey, what's wrong? Ang aga nyong nagbabatukan ha?! " - Peter

" Si tanda kasi nakakaasar! Dagdagan pa ni JL.. Badtrip!! " - Ako

" Bakit ako?! Tumawa lang naman ako kanina ah?! Nu masama dun?! " - JL

" Masama ang mukha mo.. Ang panget mo kasi!! " - Ako

" Lels! Ako pa ang panget? Sa gwapo kong to?! Bakit di mo kasi matanggap na mas gwapo ako kesa sayo?! hahahhahaha... " - JL

Binatukan namin ni Peter si JL. Ang lakas ng hangin na dala eh..

" Kapal mo JL!! Kaya pala walang mga girls ang nahuhumaling sayo eh.. hahaha.. " - Peter

Aba himala yata?! Nakikisali narin si Peter sa tuksuhan namin?! Improving ha?! Kawawang JL laging napagtritripan ng barkada.. hahaha

" Aba't improving kana ngayon Peter?! Nakikisali ka narin sa asaran ha?! " - JL

" Ayaw ko lang maging boring ang buhay ko!! " - Peter

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon