CHAPTER 23 ** Tom and Jerry **

2.3K 52 15
                                    


TRICIA'S POV

School.. Ito yung place na kinaiinisan ko at the same time nag bibigay ng excitement sa buhay ko. Bakit? Itanong mo ky google or ky simisimi. Joke! Nandito kasi sa school ang mga taong masarap ibully.

Okay na sana ang araw ko dahil nasupalpal ko nanaman si Elle. Na bwiset lang ako nung dumating ang Gforce at makita ko ang pangit na mukha ni JL. Mukha pa lang niya ang nakita ko sira na agad ang araw ko! Ganun katindi ang impact ng kapangitan niya. Ewan ko nga kung bakit maraming malalanding babae ang nahuhumaling diyan samantalang di naman siya gwapo sa paningin ko?!

Pero alam niyo ba kung bakit galit ako sa mga lalake? Maliban dun ky Harley syempre. Dati kasi di naman talaga ako manhater. Naalala niyo pa ba yung lalakeng gusto ko way back in highschool? Yung nagustuhan din ng ex bestfriend ko? Pinahiya ako dun ng ex bestfriend ko sa guy na yun at ang nangyari mas kinampihan ng tukmol na yun ang impakta kong ex bestfriend kaya mas lalo akong nagalit. At heto pa, ang akala ko kasi dati na siya na ang Mr. Right ko pero nung sinabi niya sa akin na kaya niya lang ako niligawan ay dahil sa pustahan bigla talaga akong nag transform sa pagiging evil. Akala ko ideal boyfriend siya yun pala certified playboy ang loko.. Buti  pa nga si JL certified playboy pero handang magpaka ideal boyfriend para sa akin. Wait, did i really said that?! Bakit ba bigla ko siyang naisip? Hay ewan!

Alam niyo rin ba na ginawa ko narin ang maghabol noon? Kahit maganda ako which is obvious naman ay nagawa ko narin mag habol sa isang lalake. Pero maganda lang ang my karapatang mag habol kaya kung pangit ka tigilan mo na kasi wala kang pag asa!

Ang tunay na maganda kasi hindi takot mag habol sa taong mahal nila. But know your limits, hindi porket pinahintulutan na mag habol ka ay maghahabol ka nalang kahit na alam mong nag mumukha ka ng tanga. Dapat alam mo kung kelan ka titigil sa paghabol. Kasi ang mga magaganda like me mag eeffort yan pero pag alam nilang di naman deserving yung taong yun saka sila titigil. Sayang naman ang ganda mo kung mapupunta ka lang sa walang kwentang tao. At WAG na WAG mong gagawing habit ang pag hahabol. Mag habol ka ng isang beses enough na yun kasi kung pangalawang beses na ay te kadesperadahan na yun na patungo sa kapangitan  kagaya mo! *smirk*

Simple tips yan na pwedeng iapply mo at kung ayaw mo paki ko?!

Sa school ulit.. Papasok palang ang kotse ko sa gate marami ng mga estudyante na nagkukumpulan sa gate. Alam ko na maganda ako at mukhang artista pero di naman kelangan na mag kumpulan sila sa gate. Nakakasagabal sila sa dadaanan ko, kung sagasaan ko kaya sila? Ay wag na lang pala baka madumihan pa ang mamahalin kong kotse.

Pag baba ko ng kotse my biglang lumapit sa akin na estudyante at binigyan ako ng isang stem ng.. Rose?  Seriously? Tatarayan ko na sana ang babaeng nagbigay nun sa akin ng my nagbigay ulit at nagsipag sunuran na ang ibang estudyante sa pag bigay ng red roses sa akin. Wala naman akong ginawa kundi tanggapin lahat ng yun. So ang hawak kong roses ay labing isa, diba dapat one dozen yun? Bakit kulang? Tss.. At biglang lumabas si JL sa nagkukumpulang mga estudyante. My hawak siyang isang stem ng rose at sa kabilang kamay ay teddy bear at balloons..

Di ko alam kung anu ang magiging reaksyon ko. Pero aaminin ko kinilig ako sa ginawa niyang ito. Di ko na nga halos matandaan kung kelan ako last na kinilig dahil sa lalake. Tanging pag ihi na lang kasi ang naging dahilan ng pagkakilig ko.

" This is for you! Hope you like it. " -JL

Dahil mataray ako at ayokong bigyan siya ng dahilan na maisahan ako tinarayan ko siya..

" Anung akala mo sa akin bubuyog na kelangan ng bulaklak? At hindi ako bata para bigyan mo ng teddy bear at balloons! Kung yan lang din naman afford kong bumili niyan!! "- Bigla naman nag iba ang expression ng mukha niya. Nawala yung ngiti niya at bigla siyang nalungkot. Pero agad din siyang ngumiti sa akin.

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarWhere stories live. Discover now