CHAPTER 35 ** Forgive and forget?! **

1.8K 24 7
                                    

JOSHANE'S POV

Mabilis lumipas ang panahon ng hindi ko namamalayan. Masyado kasi akong busy sa business ko plus tinutulongan ko na si daddy sa pagpapatakbo ng kumpanya namin. Masasabi kong sa loob ng two years, nag matured na ako.

Marami na akong experienced sa buhay na naging motivation ko para marating ko ang kinatatayuan ko ngayon. Ilang beses narin akong nadapa pero patuloy akong bumabangon at hindi naging hadlang yun sa tagumpay ko ngayon.

Two years, pero marami na ang nangyari, maraming nagbago sa buhay ko pero sa kabila ng lahat na tagumpay na tinatamasa ko isang bagay lang ang wala ako. Yun ay LOVE.

I've been single for the past two years now. Although I have a lot of suitors and all of them are successful in their chosen career. But unfortunately, none of them got my heart.

Sabi nila, aanhin mo daw ang sobrang daming achievements kung wala ka namang pag aalayan nun?! Sagot ko naman, kelangan bang may pag aalayan ng achievements para makuha mo ang satisfaction na hanap mo?! Para sa akin kasi, sapat ng successful ako. Nabuhay naman ako sa loob ng two years na walang lovelife and i'm sure mabubuhay parin ako for the next next next years to come ng walang ganun.

Kung tatanungin niyo ako kung anung feeling ng pagiging single? Well, enjoy naman maging single. Marami namang advantage ang pagiging single. Walang away, walang nag seselos, hindi mo kailangan humingi ng permiso sa boyfriend mo kung gusto mong mag bar hopping kasama ng mga friends mo. Walang magbabawal kung anu ang susuotin mo, walang heartaches, walang break ups, walang LQ, nagagawa mo ang lahat ng gusto mo, pwede kang makipag date/flirt sa kahit kanino na walang magagalit sayo. At higit sa lahat, blooming ka lagi kasi hindi ka stress.

Oo nga enjoy ang pagiging single pero hindi ko sinasabi na masaya ang maging single. Hays!

Bruh is calling..

[ Bruuuuuhhhh... ] Inilayo ko ng bahagya ang phone sa tenga ko dahil sumakit ang eardrum ko sa tili ni Tricia.

[ Masakit ka sa eardrum ko. Para kang kinakatay na baboy! Bakit ka napatawag? Istorbo ka eh!]

[ Did you check your emails?] -Tricia

[ Nope, why? ] Bored kong sagot kay Tricia.

[ Nevermind! Anyways, may reunion ang batch natin this coming December. We need to go home! ] Sa sinabi ni Tricia biglang tumahip ang dibdib ko.

[ When is that? ]

[ December 8, 2017. Are you ready to face him again? ]

Ready na nga ba ako na makita siya ulit?

[ I don't know! Okay, we'll go home! Wag ka ng magpa book ng ticket natin, we will use our private plane. ]

[ Okay! It settled then! I'm so excited to go home! Yieeeeee.. Sige bye na! ] -Tricia

Inend call ko na ang tawag ni Tricia. Two years na ang nakalipas, handa na ba akong makaharap ulit si Harley? Kamusta na kaya siya? Married na kaya siya? Tuwing nag uusap kasi si JL at Tricia never silang nag dare na imention si Harley when i'm around. Ayoko kasi makarinig ng kahit na anung news about sakanya.

Magcocross ulit ang landas namin ni Celine pero hindi ako sigurado kung galit pa ako sa kanya. Sinubukan kong patawarin siya at ngayon na hindi ko pa siya nakikita parang okay naman ako. Ewan ko nalang kung ganun parin ang epekto ni Celine sa akin once na magkita na kami ulit.

Naka moved on na ako kaya wala akong dapat ika worried dahil for sure naman na lahat kami may kanya-kanya ng buhay.

Pero dapat ko parin paghandaan ang nalalapit kong pag babalik ng Pilipinas. Dapat aware ako sa mga nangyayari sa paligid ko dahil kung naka moved on na kaming lahat i'm sure may ibang mga tao na hindi pa naka get over sa past.

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarWhere stories live. Discover now