CHAPTER 32 ** LUST AND HATRED **

1.9K 29 7
                                    

JOSHANE'S POV

Back to school nanaman and i'm not sure if i'm ready to face him again. Our last face off wasn't that good anyway. Pero kailangan kong harapin siya, hindi naman pwedeng hindi ko siya makita since we go to the same school plus his family own the school.

Nakarating na ako sa school at halos lahat ng estudyante excited nang makita ang mga friends nila para mag kwento tungkol sa holiday escapades nila. Pinark ko na ang kotse ko at dumiretso na ako sa room namin. Same faces, same bitches and ofcourse same bullies. Wala parin ipinagbago kahit sabihin pa nating new year na! Pumasok sa room namin si Lovelee and as usual nagyabang nanaman ng lugar na pinuntahan niya. Pagka maya maya binalingan na niya ako.

" Hey Joshane, whats up? " - Lovelee

Anung nakain nito at feeling close sa akin? Duh?!

" Oh? Fine! Bakit? " Bored kong tanong sa kanya. Lumapit naman siya sa upuan ko na parang dati na kaming friends samantalang galit na galit siya sa akin before.

" Hey, is that how you greet your classmate? " Nakaismid niyang tanong sa akin. See? Plastik talaga ng babae na to. No wonder, i'm not convinced sa pakikipag usap niya sa akin.

" Paki ko naman sayo? Shall i greet you in a nice way? I remember we're not good friends and not even close to be one. " Taas kilay kong sabi sakanya. Nabigla naman siya sa sinabi ko. Yeah! From now on, i'll be the bitch that you'll wish you'd never meet.

" So, the so called good girl has gone bad, eh? Sige, palalagpasin ko ito since first day ngayon. But watch out Joshane, next time di na kita palalagpasin. " - Lovelee

" As if i'm scared! " Tiningnan ko siya sa mata at hindi ko binawi ang tingin ko sakanya hanggang sa nag bawi siya nang tingin.

Simula ngayon, hinding hindi na ako magpapaapi sa kahit kanino, lalaban na ako.

" Hey, ang lalim nang iniisip mo ah? Siya parin ba ang iniisip mo? " - Tricia

Bruhang to, iyan talaga ang itatanong sa akin? Kararating na nga lang wala pang kwenta ang tanong. Hampasin ko kaya ito ng heels ko para matauhan?!

" Bakit ko naman iisipin ang mga taong matagal na akong kinalimutan? He's not even worth my time anymore. " - True! Kinalimutan na niya ako at yun din ang ginagawa ko. Kahit masakit man sa akin pero kelangan kong gawin ayokong maging tanga at kawawa.

Break time! Pumunta kami ng cafeteria nila Elisa at Tricia. Nasa spot narin namin si Paige naghihintay sa pagdating namin.

" Hi Paige, how are you? Blooming ka ah? Inlove ka no? Ayiiiiee.. " Tukso ko kay Paige. Nag blush naman siya pero at least happy siya kahit hindi siya committed.

" Okay lang ako, ikaw kamusta kana? Kamusta na iyan? " - Sabay turo niya ng dibdib ko i mean kung saan located ang heart ko.

" Heto maganda parin! Haha! Yung puso ko? N-nagpapahilom pa ng sugat, it takes time but i'll get there soon. " Parang may bikig ang lalamunan ko nung sinabi ko ang huling sentence. Nasasaktan parin ako but i can bear the pain.

Nag order ng food sila Elisa and Tricia kaya naiwan kaming dalawa ni Paige sa table namin. Dumating ang Gforce and as usual nag-wala nanaman ang mga babae sa cafeteria. Deadma naman ako kasi kasama nila si Harley, umupo pa siya paharap sa akin. Nananadya ba siya? Well, sorry di ako magpapaapekto sa presence mo.

Lumapit naman ang grupo ni Celine-- ang ex bestfriend ko na ngayon ay enemy ko na. Tama lang na nakabalik na sila Tricia at Elisa na dala ang food namin.

" So, Joshane i heared that you and Harley broke up already? What happened? " - Nang uuyam na tanong ni Lia na may lahing chismosa. Deadma lang ako sakanya as if hindi ko narinig ang sinabi niya.

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarWhere stories live. Discover now