CHAPTER 34 ** AUSTRALIA,MY SECOND HOME! **

1.8K 28 0
                                    

JOSHANE'S POV

It's been four months since i left Philippines. Four months na ang nakalipas nung huli kong makita ang mga kaibigan ko at huli kong makita si Harley.

Nakapag adjust narin ako kahit papanu through the help ofcourse of my two cousins. Nung unang araw ko dito hinahanap-hanap ko ang init ng panahon since it's winter here in Australia. Month of August malamig na dito kaya halos lahat ng tao dito naka thermal suits or yung iba naka jacket.

Nandito ako ngayon sa park, pagala gala lang pantanggal boredom. Maraming mga tao dito at may nakakasalubong pa akong mga kapwa ko pinay. Lagi silang nagtatanong sa akin ng " Are you a Filipina? "  kapag may nakakasalubong akong kababayan ko. Dahil likas na sa akin ang pagiging friendly ngumingiti naman ako sa kanila at sinasagot ko ang tanong nila.

Marami narin akong nakilalang mga Filipino dito at yung iba na met ko na last time nung nag bakasyon kami dito at yung iba naman recently ko lang nakilala. Tulad nitong si Sofia na lately ko lang nakilala na nakapag asawa ng Aussie guy, she's only 22 but she already has a 2 years old daughter name Ysobel.

" Sofia, bakit ang aga mong nag asawa? I mean, you're just 22 and at that age you should by now enjoying your freedom not doing your responsibilities as a mother. " Nagtataka lang kasi ako, for me kasi masyado pang early to get married at that age. Dapat ineenjoy mo palang ang freedom mo at the age of 22.

" Alam mo Joshane, kapag love na ang pinag uusapan hindi ka pwedeng pumili. Maiintindihan mo din ako someday when it's already your time to settle down." I just rolled my eyes over her statement. Love? Itinabi ko na yun, wala namang magandang naidulot yun sa akin kundi pasakit. Nagmahal ako pero anu ang napala ko? Heartaches, pain and bitterness. Unfair isn't it?

" Oh please Sofia, love is no longer my business. By the way, anung gagawin mo this saturday? " Magaling akong mag switch ng topic na hindi magiging obvious. Yan naman ang lagi kong ginagawa kapag pinag uusapan na ang past ko or yung about sa love thingy na yan.

I'm not a manhater, its just that i'm not comfortable to discuss things about love and my past. I'm here to move on so i tried my best not to mention about Harley. Yung mga pinsan ko naman naiintindihan naman nila kaya hindi na sila nagtatanong sa akin.

" May family get together kami sa family side ni hubby. Bakit? " Hindi naman maarte si Sofia sadya lang talaga ang pagka sweet niya.

" Invite sana kitang mag lunch sa labas but since you have plans already then nevermind! " Nagpaalam na ako sa kanya dahil tinatawagan na ako ni Jomania. Nagyayaya kasing mag bar hopping si Jomania at Joshua na hindi ko naman matanggihan dahil sila lang ang pwede kong makasama sa galaan dahil hanggang ngayon wala parin si Tricia dito. Ang tagal naman nilang pumunta dito, bored na bored na ako dito kasi may mga work ang kambal kaya minsan di sila pwedeng mamasyal.

Pag dating ko sa bahay nakaabang na si Jomania sa pinto na nakapamewang.

" Grabe, ang tagal mo naman Josha nagkaugat na ako sa kakahintay sayo. Geez! Dapat pati ang ugaling " Filipino time" mo iniwan mo yan sa Pinas. Bakit mo pa kasi dinala yan dito? Hello, Australia po ito and time is very precious here?! " Inirapan ko lang siya na ikinainis naman niya.

" Tapos kana sa speech mo? Pwede na ba akong mag bihis? " Hinila niya ng bahagya ang buhok ko sa inis niya. Pero hindi naman masakit ang pagkahila niya. Bakit ba puro bayolenteng tao ang nakapaligid sa akin?! Kawawa naman ang precious hair ko.

" Alam mo Jomania, hawakan mo na lahat wag lang ang buhok ko kung ayaw mong kalbohin kita. " Banta ko sa kanya na dineadma lang niya.

" Will you shut up and get dress?! We're late and it's your fault!! " Nakasimangot niyang sabi. Sarap kurutin ng pisngi niya pag naka simangot siya, ang cute-cute niya kasi.

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon