CHAPTER 27 ** TEXTS, PICTURES, UNKNOWN **

1.8K 41 5
                                    

JOSHANE'S POV

Ang sakit ng ulo ko daig ko pa ang pinalo ng matigas na bagay sa ulo. Ito siguro ang tinatawag nilang hang over.

Bumangon na ako para maligo at para makakain narin ako ng almusal. Teka, hindi ito ang room ko sa condo at lalong hindi ito ang room ko sa bahay namin.

Inikot ko ang mga mata ko sa loob ng kwarto saka ko naalala na nandito pala ako sa bahay nila Celine. Chineck ko ang sarili ko iba na ang suot kong damit. I wonder who changed my clothes?!

May kumakatok sa pinto na nagpabalik sa katinuan ko. Si Celine siguro ang kumakatok.

" Pasok! " Sigaw ko sa kumakatok. Pumasok si Celine na nakangiti at bagong ligo na.

" Good morning bez! How's your sleep? " - Celine

" Okay naman! Tell me what happened last night? " Ang alam ko lang kasi na magkasama pa kami ni Ethan tapos binigyan niya ako ng beer then bigla akong nahilo and after that wala na akong maalala.

" Oh! You passed out last night! Nalasing kana kasi kagabi at buti nalang bago ka bumagsak sa floor nasalo kana ni Ethan. Kamusta pakiramdam mo? " - Celine

She sounded like she's so worried. Kunsabagay nasa pamamahay niya ako and if something bad happened to me it will be her responsibility.

" Masakit lang ang ulo ko bez! Parang hinampas ng matigas na bagay sa sobrang sakit. " Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.

" Hangover yan bez, halika na sa baba nagpaluto ako ng mushroom soup para pantanggal hangover. " - Celine

Bumaba na kami after kong maligo at mag bihis. Nadatnan ko sa baba sila Cherry at Lia na nag uusap pero nung makita nila ako bigla silang tumahimik at nakatingin lang sa akin na para bang di ako kanais nais sa paningin nila. What's their problem anyway?! Di ko naman sila inaano pero kung makitungo sa akin parang ang laki ng kasalanan ko sakanila.

" Buti naman bumaba kapa?! " - Lia

" Shut up Lia! Ang aga aga mag uumpisa ka nanaman. Give me a break! " - Celine

" Whatever! I'm done with my breakfast! Uuwi na ako di ko matatagalan ang pag mumukha ng babae na yan. " - Dinuro duro pa ako ni Lia.

" I'm coming with you Lia! Uuwi narin ako Celine. " - Cherry

" Bahala nga kayo sa buhay niyo! Ang aarte niyo ha?! " - Celine

Kumakain lang ako at walang pakialam sa pag uusap nilang tatlo. Hindi ko naman kasi feel kausap sila Cherry at Lia. Kung ayaw nila sa akin edi ayaw, bakit ko pa ipipilit ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin?

Umalis na ang dalawa at nagpatuloy lang kami sa pagkain ni Celine. Tahimik lang kami at nakatutok lang kami sa kinakain namin.

When was the last time that we eat together?Matagal na yata, panu naman kasi puro kami busy at halos may kanya kanyang grupo na. But still, hindi ko parin naman nakakalimutan na kamustahin siya despite our busy schedules. Ako kasi yung tipo ng kaibigan na makalimutan na ang lahat wag lang ang mga kaibigan ko.

" Hatid na kita sa inyo bez. Wala naman kasi akong gagawin dito sa bahay eh. " - Celine

" Wag na bez, may pupuntahan pa kasi ako at ayoko naman na istorbohin kapa. I'm sure naman kasi na pagod ka at may hangover pa. I'll be fine, don't worry. Mag tataxi nalang ako para deretso na ako sa pupuntahan ko. " Uuwi kasi ako sa bahay ng parents ko at wala pa siyang alam tungkol dito.

" Okay, ikaw bahala bez. Di na kita pipilitin total nag decide ka narin naman. Plus inaantok pa nga ako. " - Celine

" Sige bez, aalis na ako para makapag pahinga kana rin. " Nag beso beso kaming dalawa at umalis na ako.

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarWhere stories live. Discover now