Chapter 27- Maybe This Time

12K 331 37
                                    

MULTIMEDIA @ SIDE (SEE AND PLAY IT )

Pagkatapos umiyak si Acey ay nagpaalam na ito sa kanya

“Mauna na ako Sharm pakisabi nalang sa kanila..” sabi nito sa kanya saka siya niyakap.

“Thank you for comforting me Sharm. “ sabi ni Acey at ngumiti saka tumalikod.

Bumuntong hininga naman siya pabalik sa pwesto ng barkada niya kung saan sila naghihintay, nakita niya ang mga ito na nakatingin sa kaniya.

“Saan si Acey?” tanong ni Jesha sa kanya.

“Mauna na raw siya..” sagot niya na ikinakunot noo ni Francis at tumingin ng matalim kay Prince.

‘Teka ? Alam ba ni Francis ang nangyari kanina?’ takang isip niya.

“Tara na..” yaya ni Francis na bakas ang seryoso sa boses nito. Nagsunuran naman ang lahat rito.

Pasakay na siya sa sasakyan ni prince ng mabaling ang tingin niya kay Samuel na tila inaabangan siya na makasakay.

“Bye Sharm..” paalam nito sa kanya saka siya nginitian na inirapan niya lang.

Tahimik naman siyang hinatid ni Prince sa bahay niya na tila malalim ang isip at nakakunot noo.

Pagkababa niya sa sasakyan nito ay akala niya ay ibaba pa nito ang binata para magpaalam pero nagpaharurot lang itong umalis.

Naiwan naman nakahang ang kam,ay niya sa ere. Nag-iisip na pumasok siya sa silid niya at itinapon ang sarili sa kama.

‘Ano nang nangyayari sa kanila ? bakit ganun ang kinalabasan. Gusto niya lang naman tulungan si Prince pero mukhang mas lumalalim na ang tingin sa kanya ni Prince at yun ang ayaw niya. Mas magiging komplikado kasi lalo kung si Prince at Samuel gusto siya , no scratch that mahal pala siya ni Samuel,tapos si Acey gusto si Prince.

Bumuntong hininga naman siya saka itinakip ang braso sa mga mata niya.

Ilang araw na ang lumipas ay naging mailap sa kanya si Prince tapos hindi rin nagpapansinan si Francis at Prince sa hindi malamang dahilan. At ngayong araw ay maaga siyang pumasok dahil nagtext si prince na hindi raw siya masusundo.

Habang naglalakad siya papasok ng eskwelahan nila ay may naririnig siyang nag-uusap sa isang kanto.

Ah..Ano Kuya Samuel..P-pwede ba kitang maging escort sa debut ko ? Please..” rinig niyang sabi ng boses babae. Dahil sa curiosity niya ay nilingon niya ito.

Nang lingunin niya ito ay nanlaki ang mata niya ng makitang si Samuel na kilala niya pala ang pinapakiusapan nito.

Agad namang siyang lumapit dito pero agad rin napatigil sa ginagawa niya ng pumasok s isip niya kung bakit siya lalapit. Kaya tatalikod na sana siya ng maisipan nanamang sumabat doon. Tinignan naman niya si Samuel na naghihimas himas ng batok nito na parang nasa gitna ng tanong na hindi masagot sagot..

“Ah..Ano.—“ bago pa makasagot si Samuel ay sumagot na siya.

“Hindi siya pwede..” seryosong sabi niya sa babae.

“Ha ? bakit naman ?” tila biglang naging mataray ang kausap niya na parang anghel lang kini-kanina .

“Dahil busy siya..”simpleng sagot na niya mas lalong ikinakunot noo ng babae.

So Close So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon