Chapter 21- Already Taken

19.8K 399 57
                                    

MAY BAGO PO AKONG STORY SUPPORT NINYO ! EXTERNAL LINK OR JUST GO TO MY PROFILE AND CLICK BROKEN VOW

Napahinto naman ang lahat at tila  nag-aabang  ng kasagutan ni Sharm ng sumabat  si Leisere.

“Teka lang guys bakit masyado nating iniintriga si Sharm ?” nakakunot noong tanong ni Leisere.

Napatango tango naman si Jesha.

“Oo nga naman guys, masyado nating tinatanong si Sharm baka mainis na siya sa atin..” pagsang-ayon naman ni Jesha.

Napatahimik naman si Samuel. Sumagot naman si Sharm.

“Ah. Okay lang.” sabi lang nito saka bumalik sa tahimik.

Maya-maya ay unti unti na silang nagtayuan para bumalik na sa kanya kanyang klase. SInabayan naman siya ni Prince na tahimik lang na nakaakbay sa kanya.

“Kamusta na nga pala ang pakiramdam mo ?” bakas ang pag-aalala sa boses ni Prince ng tanungin niya iyon. Nag-alala talaga siya kanina at hindi na niya alam kung paano at saan unang maghahanap nang marinig niya na may naghatid na kay Sharm sa clinic na agad niyang pinuntahan.

Ngumiti naman si Sharm saka tumingin kay Prince.

“Relax. Okay na ako. Natakot lang talaga ako kanina. Pasensya. At napansin ko tahimik ka ah..” pagpansin ni Sharm sa katahimikan ni Prince at para ilayo na rin sa mga nangyari kanina.

“Tss. Alalang alala ako at hindi pa rin ako makarecover sa nangyari kanina…” mahinang sabi niya na parang wala pa rin sa sarili.

“Prince..Rlax daig mo pa akong biktima..” sabi nalang ni Sharm saka nagpatuloy sa paglalakad.

Napahinto naman siya ng higitin siya ni Prince at yakapin.

“Damn Princess, akala ko talaga kanina hindi na kita makikita. Shit. Nakakatakot. Nakakatakot kang mawala sa buhay ko..” sabi ni Prince habang yakap siya sa lobby papuntang room niya, ang ibang estudyante naman ay napapatingin sa kanila.

“Prince..Nakakahiya…” bulong ni Sharm pero tila bingi si  Prince ng mga oras na iyon at sinamantala ang pagkakataong makayakap ang taong mahal niya.

Ilang minute at ilang tao pa ang  nakakita sa kanila at yung iba ay  pinag-uusapan at  pinagbubulungan  na sila.

“Prince. Male-late  na ako…” sabi nalang  ni Sharm na ikinalayo ni Prince.

Ngumiti naman si Princeng pilit saka ginulo ang buhok ni Sharm  tulad ng  nakagawian.

Haay. Namiss  ko ‘to..” sabi lang ni Prince saka inakbayan ulit  si  Sharm papuntang room niya. 

Pagdating naman doon ay binigyan sila ni Jesha ng nakakalokong ngiti.

“Aba. PDA daw kayo sa  lobby ah..” ngising sabi ni Jesha na ikinamula ni Sharm.

“Jesha !” nahihiyang saway nito.

Tumawa pa ito bago bumalik sa upuan. Tumingin naman siya kay Prince  at nag-paalam.

“Sige na . Pumasok ka na rin baka malate ka pa. Kita nalang tayo mamaya..” paalam niya na ikinatango lang ni Prince at umalis.

Umupo na siya sa upuan niya. Tinignan niya naman si Jesha na binibigyan lang siya ng nakakalokong ngiti na inismiran niya.

Ilang minute pa ay dumating na rin ang guro nila.

So Close So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon