Chapter 26- Nothing Gonna Change My Love For You

12.7K 331 31
                                    

Pakinggan niyo po yung Music :"""> (Ang cute kasi chos.)

Napatitig naman si Sharm sa binigay sa kanya ni Samuel, tubig at Celestamine, gamot niya sa allergy niya.

“Sorry Princess, I-I didn’t know..” paghingi ng tawad ni Prince na ikinalingon niya rito. Punong puno ng pagsusumamo ang mga mata nito, agad naman siyang ngumiti rito ng matipid.

“It’s okay. Hindi mo naman kasalanan na hindi mo alam ang allergy ko, sorry rin dahil hindi ko nasabi.” Sabi nalang ni Sharm kay prince na ikinabuntong hininga nito.

“Nakakain ka na pa naman.” Nakayukong sabi pa ni Prince.

Ilang Segundo palang ang lumilipas ay nakaramdam ng pangangati ng lalamunan niya hindi na siya makapagsalita dahil hindi niya na alam ang gagawin dahil nagpapanic na siya hirap na siya sa panghinga, pati ang mga kamay at braso niya na namamantal na.

Napansin naman ni Prince ang hindi pagsagot ni Sharm kaya napaangat siya ng tingin at agad na napamura sa nakita.

“Shit ! Princess nasaan na yung gamot na binigay ni Samuel.” Nagpapanic na sabi ni Prince.

Naibigay pa ni Sharm ang gamut sa kabila ng hirap niyang paghinga, nag-uumpisa na ring mamula ang mga pisnge nito na mas lalong ikinamadali ni Prince magbukas ng isang gamot.

“Here , drink this.” Subo niya dito saka binuksan ang mineral water na binigay ni Samuel kanina.

Agad namang ininum ni Sharm ito at ilang minuto lang ay guminhawa na muli ang paghinga niya, inalo-alo pa siya ni Prince at agad na napayakap rito nang makahinga na ng maayos kasabay ng mahinang pag-iyak niya at tingin sa daang tinahak ni Samuel kanina pagkatapos niyang paalisin.

‘Ano bang ginawa mo Sharm ?’ tanong niya sa isip niya habang tinitignan ang likod ni Samuel na malayong malayo na.

Naglalakad ito ng diretso at nakayuko lang. Parang yung mga paru-paro niya sa tiyan ay tila nanghihina rin tulad niya at walang lakas na lumipad lipad.

Kasalukuyan siyang naglalakad sa lobby ng building nila dahil mag-c-cr sana siya ng makita niya si Samuel na naglalakad at sasalubungin niya sana ito para makahingi manlang ng pasasalamat ng lampas an siya nito. Napakunot noong liningon naman niya ito pero diretso lang itong naglakad hindi siya nilingon at tila hindi siya nakita.

Padabog tuloy siyang pumunta ng cr at inis na umihi.

Papunta si Samuel sa building nila Sharm par asana i-check ito sa room nila, Gawain na kasi niya ito mula nakaraang buwan ang tignan si Sharm sa lihim na paraan. Naglalakad siya ng makita niya ang bulto ni Sharm na naglalakad pero hindi nakatingin sa kanya palinga linga pa kasi ito, parang pinagtatakbuhan naman ng kabayo ang puso ni Samuel sa kaba , kalabog at tibok nito.

‘Shete para naman akong bata nito na nakita ang first crush niya.’ Inis niyang pahayag sa isip niya

Sa sobrang kaba niya ay hindi niya na lang muna pinansin ito at nilampasan lang.

‘Hindi naman siguro siya magagalit dahil wala namang pakialam sa akin yun..’ pagpapaalala niya sa sarili.

Nagdire-diretso lang siya hanggang makarating sa isang parte ng paaralan nila, yung minsang tinatambayan nila ni Lei bukod sa canteen.

Nang makarating siya doon ay humiga siya saisang parang kawayang upuan at nakatingin sa langit at nag-iisip ng malalim.

So Close So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon