Chapter 13- When I Met You

21.6K 470 84
                                    

MULTIMEDIA @ SIDE (PLAY IT )

Nakahiga at nakatulala sa kisame si Sammy habang inaalala ang nakita niya kanina.

Napansin kasi niya na wala na si Sharm sa pwesto nito kaya nag-excuse muna siya kay Leisere na tumango lang saka niya hinatid sa upuan nito at lumabas.

Palabas na sana siya ng maalala niyang hindi iyon basta basta uuwi ng hindi kasama ang magulang nito kaya hinanap niya muna sa loob ng restaurant kahit medyo kalakihan ito, napunta pa siya sa bar part nito pero hindi niya ito nakita doon hanggang naalala niya ang rooftop. Dali-dali siyang umakyat doon at habang papaakyat siya ay nakarinig siya ng mga hikbi at mga masasakit na salita na para dapat sa kanya, rinig na rinig niya ang galit nito sa kanya at pagkamuhi, akala niya pa nung una ay nag-iisa lang ito pero bigla nalang sumagot ang kasama niya at nakumpirma niyang si Prince ito.

‘Anong ginagawa ng tukmol na ‘yun rito ?’ inis na tanong niya sa sarili.

‘Syempre ang nagko-comfort sa Babaeng dapat ikaw ang gumagawa kaso gag* ka kaya ayan, iba ang umaako.’ Sagot ng isip niya.

 

Nakarinig siya ng pagputok ng mga fireworks pero nagpatuloy lamang siya sa paglakad para sana sunduin ito at gumawa ng alibi para ilayo ito kay Prince ng pag-takapak niya sa susunod na baitang ng hagdan ay nakita na niya kung paano naglapat ang labi ng dalawa. Gulat at galit ang namuo sa kanya, hindi niya kinaya at padabog na umalis siya roon at bumalik sa room kunsaan sila nagsasalo.

“Where have you been? Ang tagal mo ah..” pagtatanong ni Leisere sa kanya pero hindi niya iyon pinansin.

Ilang sandali pa ay bumalik si Sharm ng nakangiti at parang walang pakialam sa paligid na mas lalong ikina-asar ni Samuel.

Hanggang ngayon ay nandoon pa rin ang galit niya at nadagdagan pa iyon sa nakita niya kanila lamang.

Mula ng bumalik ito gustong gusto na niya itong puntahan, magtanong, makinig sa sasabihin nito pero pinangungunahan lang siya ng galit at pagkamuhi rito, bakit siya ang lalapit ? Bakit siya ang gagawa ng paraan ? Tulad sa muli nilang pagkikita noong pasukan, hindi niya inaasahan na makikilala nito sila Acey at ipakilala ito sa kanila.

“Okay, Sharm…Meet the couple of this group…..Samuel and Leisere.” Pagpapakilala ni Acey sa kanilang dalawa ni Leisere.

Nakita niya ang pagkaputla ni Sharm sa narinig at tila iiyak , bumati naman si Leisere at nanatili si Sammy na tahimik at tinitignan ito ng mag-excuse ito sa kanila at tumakbo.

“Excuse me yatz..” bulong nito kay Leisere tumango naman ito at ngumiti saka naman siya lumabas.

Balak niyang sundan si Sharm at malaman kung totoo na uuwi ito pero nakita niya itong nakabangga si Prince at nilampasan lang. Nakakunot noo namang nagpatuloy sa paglalakad si Prince at hindi pa siya napansin kaya nagpatuloy siyang sundan si Sharm ,  totoo atang pauwi na ito ng Makita niyang pumasok ito sa isang forest sinundan niya ito pero nagtago siya sa parteng masukal at tanaw na tanaw niya ang pag-iyak nito, para namang may tumusok sa puso niya ng makita si Sharm na umiiyak lalapitan na sana niya ito ng Makita niyang may tumabi rito. Si Prince. Naunahan siya ng iba dahil sa kaduwagan niya.

Bagsak balikat naman siyang umalis doon at iniisip pa rin ang nangyayari.

Umpisa nung araw na iyon minsan nalang nila makasama si Prince na dating doon lang rin sa kanila tumatambay pero ngayon palaging missing in action. At napansin niya rin sa mga lumipas na mga lingo mas nagging malapit ang dalawa at nakita niya ang mga tinggin ni Prince. Tulad iyon ng pag-tingin niya kay Sharm. Gusto nito si Sharm, no mukhang na-love at first sight si Prince rito, iyon ang napansin niya.At napapansin niya rin na tuwing magkasama ito ay nakakalimutan na siya ni Sharm.

So Close So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon