Chapter 1 - Crazy Love

40.8K 536 43
                                    

 Dedication for her, Thank you po sa Cover na ginawa mo. :)

-----

Lumipas na ang mga taon pero siya pa rin. Kamusta na kaya siya ? Maayos kaya siya ? Masaya kaya siya ngayon ?

‘Malamang iniwan mo na ‘e kailan ba naging masaya iyon na kasama ka?’ pagsasagot ng konsensya niya.

Sana may babalikan pa ako, sana pagbalik ko may Sammy na mag-aantay sa akin at namiss ako. Sa isip isip niya pa.

“Mommy !” sigaw niyang sabi habang papasok ng kwarto ng magulang at naabutan niya naman niya ang magulang doon na nakatingin sa kanya.

“Why baby ?” sagot naman ng mommy niya habang nakaupo sa lap ng Daddy nito at nakakawit pa ang mga braso nito sa leeg ng Daddy niya. Sana pag naging MAG-ASAWA na kami ni Sammy ganyan din kami ka-sweet ni Sammy ko. Pagde-daydream niya pa.

“Amm…Can…Can we go back now ?” kiankabahang tanong niya. Hindi niya alam kung bakit ba siya kinakabahan, hindi naman nakakaba ang sabihin sa magulang nito na umuwi na sila pero yung isasagot nila nakakakaba.

Nagtataka namang tumingin ang parents niya kay Sharm. “Where ?” takang tanong nito sa kanya.

“Sa Pilipinas po..” sagot niya naman bago pa sila maka-sagot ulit nagsalita nanaman ulit si Sharm

“Please Mommy, Please Daddy, Please !” pakikiusap niya pa sa magulang niya. Nakarinig naman siya ng buntong hininga mula sa magulang niya saka ito nagsalita.

 

“Ready ka na baby ?” tanong ni Dave sa kanya.

“Saan naman po ?” tanong naman nito sa Daddy nito... Saan ba nga ba dapat siya maging han---

 

“Sa pagbabalik mo ? Sa mga makikita mo doon ? Handa ka na ba sa mga nagbago ? Dahil Baby Sharm limang taon na rin ang lumipas at marami na ring nagbago, hindi na ito tulad ng dati” pag-uumpisa ng Daddy nito sa kanya saka tumayo para mapatayo rin ang Mommy nito.

So Close So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon