Chapter 23- Waiting For Your Love

15.2K 340 32
                                    

MULTIMEDIA @ SIDE

Oh I’m waiting for your love
I’m wondering where you are
Are you with another guy
Are you showing him the world
Oh I’m waiting for your love
I wanna see your smile
Brighten up my day
Yes I’m waiting for your love
Yes I’m waiting for your love’

Nakatulalang naiwan si Sharm. Hindi niya namalayan na may pumatak nanaman pa palang luha sa mata niya.

“Pesteng luha ‘to. Ano ba magsitigil nga kayo. Bakit ba kayo lumalabas sa mata ko ng hindi ko alam ?!” inis na sigaw niya sa sarili habang pinupunasan ang luhang pilit na lumalabas sa mga mata niya.

Hindi niya alam kung paano siya nakapunta ng loob ng canteen habang pinupunasan ang mga luha niya, pinagtitinginan pa nga siya ng ibang tao dahil sa pag-iyak niya.

Pagpasok na pagpasok niya ng CR ay sumalubong sa kanya ang isang babaeng matalim na nakatingin sa kanya at nagulat nalang siya ng bigla siya nitong sampalin.

“MALANDI ! MAGKAIBIGAN PA TALAGA ANG TINUHOG MO ANO ! HINDI KA NA NAHIYA ! NAKAPASOK KA LANG SA SCHOOL NA TO’ GINULO MUNA ANG ROYALS !” galit na galit na sigaw nito sa kanya habang siya ay napahawak sa pinsge niyang sinampal nito.

Nagtataka naman niyang tinignan ito at sinigawan nanaman siya nito.

“AT NAGMAMAANG MAANGAN KA PA HA !” sasampalin na sana siya nito ng may kamay na pumigil rito.

“Ano bang problema mo miss at inaaway mo siya ? Sinabihan mo pa siya ng nagmamaang maangan ? Bakit nagsalita ba siya ?!” seryoso at gigil na tanong ng sumagip sa kanya.

“A-Ace ..” mahina at bakas ang takot sa boses nito.

“Don’t call me Ace hindi tayo close..” seryosong sabi nito.

“S-Sorry po M-Ms. Acey…” natatarantang sabi nito at balak pa sanang tumakas ng magsalita ulit si Acey.

“Luhod..” sabi nito..napatigil naman ang babae sa paglalakad..

“P-po ?” pagpapaulit nito.

“Hindi kami nangbu-bully ng estudyante dito kaya wala ka ring karapatang mangbully ng kapwa mo..” sabi nito na halos mangiyak ngiyak na bumalik ulit ang babae.

“M-Ms. A-A-Acey,,Sorry na po” patawad nito at yumuko pa pero umiling iling lang si Acey.

“hindi mo ba ako narinig ? At sa akin ka ba may kasalan ha ?” nakataas na kilay na sabi nito na nagpasunod na ng husto sa kawawang babae. Agad itong lumuhod at nagsorry.

“S-Sorry M-Ms. Sharm.. Sorry po talaga, hindi na po mauulit…” nakaluhod nitong sabi habang nakayuko. Nabigla naman si Sharm sa inasal ni Acey, parang hindi kasi ito tulad ng babaeng katabi niya ngayon parang ang tapang nitong tignan.

Natataranta naman si Sharm kung paano patatayuin ang babaeng nakaluhod sa harap niya lalo na at may pumapasok na estudyante roon.

“H-Hala ! Tumayo ka na dyan..” nahihiyang sabi ni Sharm na agad na ikinatayo ng babae at nagbow pa sa harap niya saka mabilis na umalis.

Pag-alis nung babae ay agad siyang humarap kay Acey na tahimik lang sa tabi niya.

“Acey..” tawag niya rito at agad itong lumingon sa kanya at ngumiti.

“Ang tapang ko ‘no !’ parang bata nitong saad pero bakas ang kalungkutan sa mga mata nito.

So Close So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon