Chapter 20- Dear You

18K 393 31
                                    

MUSIC AND GIF @ THE SIDE (PLAY AND SEE)

HAPPY READING !

-----

Agad na naitulak ni Sharm si Samuel sa pagkabigla. At agad na nasampal.

Hindi alam ni Sharm kung bakit niya nagawa ang mga iyon pero parang bigla nalang may nagsabi sa kanya na mali iyon.

'Si Prince' isip niya. Para tuloy siyang isang kandilang naupos at dahan dahang napaluhod at napaiyak sa nararamdaman.

"Mali 'to..Maling mali.." bulong bulong niya.

Para siyang asawang nagkaroon nang affair sa iba.. yun ang pakiramdam niya kaya hindi siya mapakali.

"Sharm.." mahinang tawag ni Samuel at akmang lalapitan siya ng tumayo na si Sharm at aalis na sana ng hilain muli siya ni Samuel at yakapin mula sa likod.

"Sharm...Dito ka lang..." tila iiyak na sabi ni Samuel pero nagpupumilit na umalis si Sharm sa bisig nito.

"Tama na Samuel...Tama na." Sabi ni Sharm saka inaalis ang pagkakahawak ni Samuel sa kanya.

"Hindi Sharm..Hinding hindi ako titigil.." sabi pa ni Samuel saka pinakawalan si Sharm na agad namang tumakbo papalayo sa kanya.

Nagpupunas pa ng pisnge si Sharm papalabas ng makita niya si Prince na naglalakad paalis.

Tila nabato naman siya sa kinatatayuan niya sa naisip niya na baka nakita sila nitong dalawa ni Samuel.

"Prince..." halos bulong niyang tawag rito.

Dahan dahan namang tumingin sa kanya si Prince.

"P-Princess ! " gulat na sabi nito at sinamahan pa ng pilit na ngiti.

Agad namang tumakbo si Sharm papalapit kay Prince at agad na niyakap.

"P-Prince...Sorry..Sorry..Sorry talaga..." humihikbing sabi ni Sharm habang nakayakap kay Prince. Hindi niya alam na pati pala si Prince ay umiiyak din pero hindi lang pinapahalata.

"P-para naman saan ?" Maang na tanong ni Prince saka niyakap ng mahigpit si Sharm at pinunasan ang sariling luha.

"Basta.." sabi nalang nito saka bumitaw ng yakap kay Sharm.

"Sus. Ang iyakin wala naman pala." Pasakalye lang ni Prince saka ulit niyakap si Sharm.

Yakap na parang ayaw niyang bitiwan ito.

Nagkataon namang nasa ganun na posisyon sila ng lumabas mula sa pinanggalingan ni Sharm si Samuel na tila galing rin sa pag-iyak. At ngayon naman ay nakita niya nanaman na yakap si Sharm ng iba ay parang aatakehin nanaman siya ng selos.

Habang sa room naman ni Lei ay mag-isa siya ay mali kasama niya pala yung nakabangga sa kanya na nagdonate rin ng dugo. Umuwi na kasi silang lahat at babalik nalang raw bukas.

Naka-upo lang siya sa kama niya at tahimik na umiiyak sa mga naalala.

'Sana nga natuluyan nalang ako nagka-amnesia, edi sana hindi ako nasasaktan ngayon. Bakit naman kasi itong nakabangga sa akin hindi manlang inayos ang pagkabangga yung tipong makakalimutan ko ang lahat' lihim niyang sabi saka tinapunan ng tingin ang katabi na ikinagulat niya pa ng makitang titig na titig rin sa kanya.

So Close So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon