Chapter 14- Moment

21.7K 496 101
                                    

 Multimedia @ Side (Play it)

Nanghihinayang namang umuwi si Prince sa cupcake na natapon, galling pa naman iyon kay Sharm.

“Tsk. Badtrip na hayop na iyon ! Bigay sa akin ni Sharm iyon, inggit lang siya porket hindi siya ginawan. Psh. Tapos pagbabantaan niya pa ako e’ bagay nga iyon sa kanya, kung hinawakan niya ng husto si Sharm at nakinig lang siya edi sana maayos ang buhay niya, Well, okay na rin iyon, bahala siya sa buhay niya.” naiinis na sabi ni Prince sa sarili habang nagda-drive pauwi ng bahay nila.

Pagkarating niya ng bahay nila ay sinalubong siya ng Mommy niya na hinalikan niya naman sa pisnge at nagpatuloy sa kwarto niya.

‘Ano kayang nangyari doon ah? Nakabusangot ang baby boy ko..’ nagtatakang tanong ni Krisha sa sarili habang pinagmamasdan ang papaakyat na anak.

Kinabukasan ay sinundo nanaman ni Prince si Sharm sa bahay nila. Magdo-doorbell na sana siya ng bumukas iyon at iniluwa ang mommy ni Sharm.

“Good Morning Iho, sinong hinahanap mo ?” bungad ni Steph sa kanya ng lumabas ito ng gate para sana silipin ang hardin nila ng makita niya itong si Prince na magdo-doorbell.

“Ay Good Morning po Ma’am, I’m Prince po, susunduin ko po sana si Sharm para sabay na po kaming pumasok.” magalang na turan nito sa kaharap.

“Oh, ikaw pala ang sinasabi ng driver naming na nagsusundo at minsang naghahatid sa baby girl ko, tuloy ka iho, pababa na rin iyon…” sabi nito sa kanya saka siya iginaya papasok ng bahay nila.

“Ikaw din ba ang naghatid sa kanya nakaraan ?” tanong ni Steph habang nakaupo sila sa sofa nila sa sala.

“Ah opo. ako nga pasensya po kung nagabihan…” paumanhin nito at tila kinabahan, sa tinagal tagal kasi ng paghahatid at pagsusundo niya ngayon niya lamang nakaharap ng ganito ang Mommy ni Sharm.

“Hmm. It’s okay iho, Tita Steph nalang masyadong pormal ang Ma’am…” sabi nito sa tumingin sa hagdanan. “Ayan na pala ang baby girl ko…Ang maganda kong baby..” sabi nito at tumayo pa at nag-antay sa pinakababa ng hagdan.

“Good Morning Mom !” bati nito sa Mommy saka ngumiti..

Saka naman siya na gawi kay Prince na nakatingin lang sa kanya..

“Prince ! Ang aga mo naman, kanina ka pa ba ?” gulat na tanong nito at nagmadaling pababa, tumayo naman si Prince para sana hintayin si Sharm sa dulo rin ng hagdan ng may namiss itong baitang upang muntik ito malaglag kung hindi lamang maagap si Prince at nasalo agad si Sharm.

“Oh My Gosh ! Baby Sharm !” tili ng ina ng akalang malalaglag ang anak. Nagpasalamat naman si Sharm sa pagsalo sa kanya ni Prince at tumayo din agad ng maayos.

“Okay ka lang ba ?” tanong agad ni Prince ng makarating sila ng pinakababa.

“Yes okay lang ako.” sagot naman nito at inayos ang suot.

“Baby ko, wala bang masakit sayo, naku ! Buti nalang at nandito si Prince at may sumalo sayo, kung ako ang sasalo sayo anak parehas tayong mababalian ng buto..” nag-aalalang tanong ng Mommy niyang si Steph na ikinagiti ni Sharm.

“I told you Mom, I’m okay at oo nga po buti nalang nandito si Prince, haay ang clumsy ko talaga nitong mga nakaraang araw..” sabi naman niya sa ina saka humarap kay Prince at natatawang ngumiti.

So Close So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon