Chapter 22- If You Asked Me To

15.9K 417 52
                                    

Multimedia @ Side

SORRY SA MAHABANG PAGHIHINTAY~

----

Nakatulalang nakahiga sa sariling higaan nito si Samuel. Iniisip niya kasi ang nangyari at ang mga sinabi kanina ni Sharm sa kanya. Hindi niya iniisip ang tungkol kay Sharm at Prince kundi tungkol kay Lola Paris. Hindi niya alam kung paano at kung kailan ? Pero tulad nga ng sabi ni Sharm mahigit limang taon na raw. Alam niyang paborito ito ni Sharm dahil ito ang nag-iisang grandparents nito na nabubuhay. Minsan na niya itong nakilala noong bumisita ito sa Pinas at magiliw siyang ipinakilala ni Sharm bilang Future  Husband na ikinatawa lamang ng Lola Paris nito.

Naalala niya pa noong minsang kausapin siya nito. Sabi pa nga noon ng matanda na..

“Haay Sammy, wag na wag mong iiwan yang apo ko, kahit na bata yan alam kung seryoso ito sa pagmamahal sayo. At sa likod ng masayahing miyang mukha ay ang napaka pusong mamon nito na madali lang masaktan at panghinaan ng loob lalo na yung pinaglalaban niya ay hindi na niya maipaglalaban.” Sabi ng matanda na ikinatango niya kahit hindi niya masyadong naintindihan .

Pero ngayon napagtanto niya na ang sinabi ng matanda, dahil nangyari na. Sinukuan na siya nito, dahil nauna siyang sumuko.

Agad naman siyang napaupo sa higaan niya ng maalala niya ang nangyari limang taon na ang nakalilipas.

Ang email niya !

Dahil mula ng regaluhan siya ng laptop ng Mommy at Daddy nito at pati siya ay panay receive niya ng email mula kay Sharm na naglalaman ng ginawa nitong araw, kung gaano siya nito kagusto at iba pa para siya nitong diary. Meron pa nga minsan na nag-email ito sa kanya ng :

Dear Shammy ko,

                Shammy ko nakakainis yung kasabay mo kanina nagrecess kala ko ba sabay tayo? Nakakaselos ha, Kelan mo ba kasi ako liligawan ? Inip na inip na ako at excited sa kakaisip kung paano tayo magde-date araw araw. Hihi . Pero yung about nga doon sa kasabay mo nung uwian inabangan ko siya sa gate at binantaan ko siya tapos natakot siya at sinabi niya na hindi na raw siya lalapit sayo. I’m so happy na.. Bukas  sabay na tayo ha !!. I love youuuuuu Sammy kooo. Muah muah ! Tsup tsup ! Sending Virtual huuugs (yung mahigpit) *kiligs*

Your future wifey and mother to your childrensssssss,

Sharm mo.

Napailing nalang siya ng maalala ang email niya yun, minsan baliw talaga yang si Sharm magkwento.

Napatayo naman siya at kinuha ang laptop niya at agad na binuksan. Habang nagloloading ito sa pagbukas ay nakaramdam siya ng kaba. Ano kayang mababasa niya ?

Mula ng dumating kasi sila at dalawang linggo siyang hindi nakatanggap ng email mula rito na ikinainis niya at ikina-disappoint niya kaya hindi na siya muli umasa na magse-send pa ito. Baka nakalimutan na siya nito.

Ilang Segundo pa ay tuluyan na niyang nabukas ang lapyop niya at agad na nag-log-in sa yahoo email niya. Agad na bumungad sa kanya ang halos isang daan email mula sa sender na sammyko143@yahoo.com.ph , email ni Sharm. Si Sharm rin ang gumawa ng email niya na sharmsproperty1433@yahoo.com.ph na pinanindigan niya na rin mula ng ibigay nito sa kanya.

Ang pinakahuling email na natanggap niya ay nakaraang buwan lang, ito ata yung date nung dumating sila. Agad niyang ikini-lick iyon at bumungad sa kanya ang mukha ni Sharm na tila selfie at may message sa dulo.

So Close So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon