Chapter 11- If You and Me

22.8K 468 103
                                    

MULTIMEDIA @ SIDE

Naglalakad  papalabas ng school sila Sharm at Prince nang huminto bigla si Sharm. Nagtataka namang tumingin si Prince sa kanya.

“Bakit ka huminto ?” tanong nito kay Sharm.

“Wala naisip ko kasing dahil ikaw ang nagpanalo sa grupo ninyo naisipan kong ako ang manlilibre !” magiliw na sabi niya.

“Weh ? Ikaw manlilibre ?Kuripot ka kaya..Imposible ata iyon” natatawang sabi ni Prince sa kanya na ikina-pout niya.

“Psh. Wag ka nang komontra , tara na! Ikaw na nga itong ililibre” sabi niya saka hinila ang kamay nito.

 

Para namang nabato si Prince nang hawakan ni Sharm ang kamay niya, ang gay man sabihin pero kinikilig talaga siya.

Nagpatangay nalang si Prince kay Sharm hanggang makarating sila ng parking lot ng school nila, pero papasok na sila ng kotse ng tumunog ang cellphone ni Sharm.

“Wait a minute “ paalam niya kay Prince, tumango naman ito at dali dali niyang sinagot ang tawag.

Pagtingin niya sa caller ID, ang Mommy niya ang tumatawag, nagtataka naman niyang sinagot iyon.

“Hello Mommy ? Bakit po ?” sabi niya sa kabilang linya.

“Baby, Ire-remind ko lang yung family dinner natin.----“ sabi ng Mommy niya saka niya naalala yung sinabi ng Mommy niya sa kanya.

“Ay oo nga po pala, opo opo, SIge po, naalala ko na..” sabi niya nalang.

“Sige baby, See you sa bahay, ingat. I love you baby..” paalam ng Mommy niya.

Sige po Mommy, Ba-bye , Love you..” paalam niya rin saka sinundan ng busy tone.

Humarap naman siya kay Prince na hindi alam kung paano sasabihin baka madissapoint ito.

“Hmm…Prince..” tawag niya rito.

“Bakit ? May nangyari ba ?” bakas naman ang pag-aalala sa boses ni Prince.

“Ah. Hindi, kasi ano nakalimutan ko na may family dinner pala kami ngayon kaya pwede bang i-postpone muna natin yung panlilibre ko sayo.” sabi niya rito na medyo nahihiya.

‘Bakit hindi ko naman kasi agad naalala iyon, nakakahiya naman..’ bulong niya sa isip niya.

“Sus, ayaw mo lang manlibre ngayon—“ magsasalita pa sana si Prince ng putulin ni Sharm

“Hala ! Hindi naman sa ganun, talagang may family dinner lang talaga kami, promise babawi ako, kahit bukas pa iyan !” promise niya rito, ngumiti naman saka pinisil ang ilong niya.

“Joke, naiintindihan ko, paano hatid na kita..” sabi ni Prince and for the last time ginulo ulit ang buhok niya.   

“Ingit ka siguro sa hair ko kaya palagi mong hinahawakan..” asar niya rito pero ngumiti lang ito sa kanya. Sumunod naman siya kay Prince papuntang kotse nito.

“Ihahatid mo talaga ako ? Ihatid mo nalang ako dyan sa sakayan ng taxi..” sabi niya nalang.

“Ihahatid na kita, wag ka na ngang makulet..” sabi nito saka siya pinagbuksan ng pinto at inalalayan paupo sa passenger seat umikot naman ito saka umupo sa driver’s seat.

So Close So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon