Chapter 13

276 9 4
                                    

☻ Francis ☻

Ah... kilala niyo na po ba ako? Sigro hindi pa, ako nga pala si Francisco Perez, kapatid ni Angel. Ako po yung lagi niyang inaaway.Kawawa nga ako dun e. Pero ngayon, KAWAWA siya. Tingnan niyo yung hips ng kapatid ko. Malalalim masyado yung sugat niya, kaya kailangan pang iobserve ng mga doctor kung may venom yung asong gubat, kung wala kailangan niya agad mabigyan ng dugo dahil maraming dugo ang nawala sa kanya. Sa ngayon ikinalulungkot kong sabihin pero 50-50 siya, ipagdasal po sana natin siya.

" Kamusta na si Angel? "

"Naku lolo, mamamatay na po si Angel. Ako naman po ang ipambayad niyo sa utang! "

" L*c*h* ka! Sumagot ka ng maayos. "

" 50-50 "

" Dagdag nanaman ito sa utang natin sa mga Chu, buti na lang magiging daughter in law siya ng kaibigan ko. "

Tss~ tama nga hula ko, pag natuluyan si Ate ako naman ang susunod. Pagpasensyahan niyo na lolo ko mahilig talaga sa utang yan e! Debt-philia ang sakit ng lolo ko!

Nandito rin ang mga classmates ng ate ko pero nabored sila kahihintay ng results ng observation and examination ng ate ko kaya umalis na rin except kay kuya Adrian. Nakatulog na nga dito sa labas e.

Maya maya lumabas na yung doctor para sabihin yung results. Nagising agad si kuya Adrian at nilapitan ang doctor.

" Kamusta na po si Angel? "

" Well, sabi ng mga witnesses kanina, isang fox ang kumagat sa kanya. Honestly, kapag nakagat ka ng fox very quick ang spread ng virus niyan. And hindi niyo siya agad naidala sa hospital for vaccination. Luckily, hindi pa umaabot sa brain ang rabies, pero malapit na. Pero don't worry ininject ko na ang ' human rabies immunoglobulin' for her treatment. Magkakaroon siya ng Incubation period which will last for 14 days. Maraming treatment ang kailangang gawin sa kanya. "

" Sige po doc basta mabuhay siya ok na po ako. "

" We will do our best sir. Girlfriend niyo po ba ang pasyente. "

" Ah... I hope so... pero hindi e... "

" Ligawan mo na kasi!!! " sabi ko

" ^_^ sige po excuse me. " sabi yan ng doctor hindi ni kuya Adrian.

Ayun nga, hindi nakapasok si Ate sa school dahil sa nangyari. Ilang days din siyang nagstay sa hospital, buti nga hindi na siya 50-50 kasi nalinis nung tretment yung rabies pero kailangan pa rin siyang bakunahan ng anti rabies.

________ School ___________

☻ Michael ☻

Sa ngayon ako muna ang bida , hindi joke lang :P. Well, nag-aalala pa rin ako kay Angel and nakokonsensya sa nangyari. Si Adrian ang nag-rereport sa akin tungkol sa kalagayan niya. Sana makrecover agad siya.

" Mr. President, ano yung iaanounce mo sa class. "

" Ah... Oo nga pala next Saturday there wil be a party called Sophies Night. Party siya kaya you're free to do anything and to bring anything. Just make sure na walang "masamang bisyo" ang magaganap sa gabing iyon, kundi NEVER NA MAGHAHANDLE NG PARTIES ANG SCHOOL NA ITO. "

oo magkakaron ng party sa amin. Marami sa amin ang na-eexcite dahil makakapag-relax sila. Pero ako.

.

.

.

hindi. Dahil, dito na ako ipapakilala sa mapapangasawa ko....

Tiger Girl (editing)Where stories live. Discover now