Chapter 10

349 12 5
                                    

☻ Bianca ☻

Ang nakaraan (XD)

Yun nga nanunuod kami ni Michael ngayon ng isang musical concert at nagplay ng violin si Tiffany. Akala namin siya lang ang nakapasok . Yun pala pati na rin si Tiger Girl. Tingnan nga natin, kung anong gagawin niya.

☻ Angel ☻

Andito ako ngayon sa backstage at *sigh* alam niyo kung ano ang reaksyon ng mga tao.

*zzzz

*zzzz

*zzzzz

yung iba nga uugod-ugod na yung mga ulo. ANG BORING TALAGA NG CONCERT NA 'to. Alam niyo ang nag-eenjoy lang yung may mga edad. Siguro para tanggal stress na rin sa kanila yun.

Kaya naman gumawa ako ng paraan para hindi antukin ang mga dear audience, binitawan ko ang cello na hawak ko at hiniram ang isang electric guitar at tinawagan ang isang katropa ko na mahilig sa mga rock en roll music. Buti na lang on time siya. 

Natapos na si Tiffany sa pag vioviolin niya. Ang ganda sa tenga kaso pampatulog naman ang ginawa niya. Dapat doon siya sa baby center tumugtog.

Pumunta na ako ng stage.

Hinawakan ko ang microphone " HOY! GISING PA BA KAYO?!!! Alam kong medjo inaantok ang iba diyan gaya mo *sabay turo sa isang inaantok* kaya naman sabayan niyo ako sa pag rorock ok! " Tinawag ko na ang kasama kong rockista. 

At sabay namin ni Rock ang stage! 

☻ Bianca ☻

ANONG GINAGAWA NIYA?! Isa itong musical concert hindi Rock concert. Sana man lang tumugtog siya ng acoustic guitar na lang at kumanta.

" Pinapahiya nanaman niya ang school "

" Hindi Bianca, ginagawa niya ang alam niyang tama. "

" Michael?! Don't tell me, gusto mo ang pinagagawa niya sa stage? Don't you think na wala siya sa tamang okasyon? "

" Alam mo just enjoy the show, coz I'm enjoying it lalo na yung performance niya . "

Ugh~ First time kong makita si Michael na nag-eenjoy. Napapansin ko kasi lately, pag magdadate kami parang wala siya sa mood. Ano ba 'to?! NASASAKTAN AKO SA PINAGSASABI NIYA!

************* After Concert **********

Natapos din ang concert hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa mga sinabi niya! I think washroom lang ang makakatulong sa akin.

" Michael, magwawashroom lang ako kaya wait for me ok! "

" Sige I'll wait for you outside. "

*********************************

☻ Tiffany☻

Alam niyo ba guys, GRABE as in OMG lang ang korte ng bibig ko kanina, ang galing kaya ni ate tiger girl mag guitar at electric pa ang ginamit oh! Anong savey! 

Ako nga po pala si Tiffany Chu. Hahaha! Chapter 10 na ako nakipagkilala. Kapatid ko nga po pala ang may polar disease na si Michael Chu. Hindi ko talaga maitindihan yung ugali niya. Paiba-iba maraming variety! 

Lets go back kay ate Angel dahil siya ang bida dito :))) Idol ko po yan dahil ang tapang tapang niya at kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya kahit kanino! Oh! Anong say niyo! :)

Sa ngayon hinihintay namin ni Kuya Michael si Ate Bibingka! Joke si Ate Bianca po. Ayoko sa kanya dahil ang landi landi niya pag kasama si kuya. Tapos kung manaray sa akin GRAVY! (Grabe po yan XD)

Habang hinihintay namin si Ate Bianca biglang nawala si Kuya Michael. Nasaan na ba yun???

*************************************************

Angel ☻

Alam ko namang hindi kayo manghuhula kaya sasabihin ko na kung nasaan ako. Andito ako sa terrace ng music hall kasama si Michael. Palabas na kasi ako ng hugutin niya ako at dalhin sa terasa ng hall na ito. Siguradong sermon nanaman ang aabutin ko!

" Anong ginawa mo kanina?! "

" Tumugtog ng gitara. "

" Bakit naman ganun pa ang tinugtog mo hindi ba pwede yung mga gentle songs para naman match sa isang musical concert? "

" Bakit hindi ba music ang ginawa ko kanina? Sabi ng teacher ko nung grade 3 ako, lahat ng maririnig ng tenga mo ay music and sound. Yun daw ang purpose ng tenga, ang marinig ang music sa paligid mo. Kaya tama lang ang ginawa ko kanina. Tsaka umamin ka nga, gusto mo na ring mag washroom kanina para maghilamos ng matanggal yang antok mo noh?! "

Nagulat ako ng bigla siya nag-lean closer sa akin at bumulong sa tenga ko.

" Ito ang words of sound na gustong-gusto mong marinig.... You did a great job " at umalis na siya

Ako naman hindi makagalaw sa sudden action niya. At nung marinig ko yun feeling ko nag spaspark ang mata mga mata ko. Ang mga words na yun ang pinakagusto kong marinig sa isang tao. First time na may nag praise sa akin....

Ano ba 'yan! NAKAKAINIS! 

Tiger Girl (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon