Chapter 28

191 4 0
                                    

A/N: Mag-oone year na ako dito sa wattpad, wala pa rin akong natapos na story kaya... tatapusin ko na 'to!!! :D  Salamat po pala sa lahat ng umitindi sa story na ito, kasi ito ang first story na matatapos ko dito. :)) God bless you all.. 

Another update. Enjoy and support:)) T>Y Tiffany at the right :))

____________________________________________________________

☻Angel☻

Matapos ang ilang araw, ito, Christmas na!! Sana lang may winter sa Pinas, kaso.. hindi naman tayo inabot ng snow, hanggang Taiwan lang ang kayang bagsakan ng snow e. Kasalakuyan akong nag-aayos ng gamit dahil mamaya aalis na kami ni Michael papunta sa bahay namin. 

Ng matapos ako, biglang bumukas ang pinto.

" Angel, ready ka na? "

" Mmm.. " nag-nod lang ako. Wag muna tayo gumawa ng away.

Hinugot ni Michael agad-agad yung mga dala ko. Hindi ko siya napigilan kaya ayun sumama na rin ako. Dumiretso na kami sa gate dahil naghihintay dun si manong driver.

Pagkapsok sa kotse....

Doon na umarangkada ang bunganga ng mokong..

" Ano ba 'tsura ng bahay niyo? " tanong nito sa akin habang nakangiti at mukhang mas excited pa kaysa sa akin.

" Yung normal lang. "

" Anong kulay? " Pati ba naman KULAY!!!

" Iba-iba. "

" Anong kinakain niyo? Saging?! "

" B*ISIT!! WILL YOU SHUT THAT BIG MOUTH !!!! " KALOKA!!! 

" Nagtatanong lang kasi curious ako!!! Buti nga nacurious pa ako e. " binulong niya yung last sentence pero naririnig ko pa rin siya since magkatabi kami sa kotse.

" Sa totoo lang ayoko naman talaga umuwi. Kahit hindi na nga ako bumalik sa bahay na yun."

" Bakit naman?! "

" Basta! " Andun kasi si lolo. *sigh* paano ko ba paamuhin yung shrew na yun!!!

_____________________________________________________

Mga ilang minuto rin at nakapunta na kami sa bahay ko. At aba!! Kala mo naman reyna ng England ang pumunta. Nakasuot ba naman sila ng formal attire at lahat ng kapit-bahay namin ay nasa sidewalk, tapos dumaan kami sa gitna. Kulang na nga lang may red carpet e. 

" Anong meron sa inyo? May ceremonial ba na nagaganap. " tanong ni Michael sa akin.

" Wala... nasa mundo lang naman tayo ng mga exaggerated. " tugon ko sa kanya with a straight face.

Pinapasok na kami ng nanay ko. At WOW!!! Ang daming handa. At ang daming tao... Anong bang meron???

" Ma?! Ano 'to?! "

" Ahh... yan ba anak, Welcome back nga pala anak, kaya nagpahanda kami ng papa mo, tapos nalaman na ng sanlibutan na asawa ka ng anak ng may-ari nung TopT mall kaya yun, nagdagsaan sila dito para... makita ang asawa mo. "sabay turo kay Michael. O_O? Kaya naman pala nagdagsaan ang mga tao dito kasi \.... Gusto lang naman nila makakuha ng autograph kay Michael.. *sigh* kawawang asawa kooo.... imbis magpaghinga pumipirma ng autograph.

Umakyat muna ako sa taas at pumunta sa kwarto....

__________________________________________________

Tiger Girl (editing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن