Chapter 24.2

213 3 0
                                    

● Angel●

Sa wakas natapos din ang intrams. Second place lang kami pero ok lang at least may place diva. At Sunday nag pala ngayon. Date na namin night Michael ahy! Di nga pala kami magdadate susunduin pala niya ang pinakamamahal niyang Bianca. Edi sila n.a. ang sweet. Teka, kung wala naman kaming date bakit bihis n.a. bihis ako? Aish!!!! Nababaliw n.a. ata ako?

Kaya nagpalit ako ng simpleng damit. Nagpabango at on the go na ako. Naku baka kanina pa ako hinihintay ng ulol na yun. Kaya pumunta n.a. aka sa main house.

Kala ko mas mabilis kumilos ang lalaki kaysa babae, yun pala, BALIKTAD!!!! Asan na ba yun? Bakit ang tagal niya?

" Uy, sorry Angel, kanina ka pa ba?"

" Hindi naman. Bakit ba ang tagal mo? "

" Ok n.a. ba tong damit ko? Yung mukha ko maayos lang ba?"

Kaya pala ang tagal niya kasi pinaghandaan niyang mabuti ang araw na ito. Ang swerte naman ng babaeng yun.

" Pwede ba, pambabae lang na ugali yan. Tsaka gwapo ka naman e. Ok lang yan. "

"...... TARA NA NGA!!!?"

SIYA PA TONG GALIT! Pinuri ko na nga.

Kaya yun umalis na kami. Nasa tabi ko siya. Kinakabahan nga ako kasi nanginginig pa siya habang nag-dridrive baka maaksidente kami nito! Tsaka, ganun ba siya ka-kabado? SUS! Parang susuduin lang kinakabahan na.

" Hai! Kung hindi mo kayang magdrive magpalit na tayo ng pwesto. " sabay hugot sa manobela.

" ANO BA?!!! Umayos ka nga!!! Seryoso nga!!! Ok lang ba talaga mukha ko?!"

" Oo nga!! Kulet!! Kailan ba ako nag-sinungaling sayo?!! "

" So. Yung sinabi mo kanina totoo yun?! "

Ang alin? Yung gwapo siya? Totoo naman e.

"u...." Anyare?! Bakit hindi ako makasalita?! Ako naman ang nanginginig ngayon. Alam niyo yung parang umiinit yung cheeks niyo dahil sa sinabi niyo. Yun yung nadarama ko ngayon.

" Di-diyan na lang ako sa may school. Ako nang bahala kung saan ako pupunta. Good luck nga pla sayo. " inalis ko yung seatbelt at binuksan ang pinto ng kotse.  Pero pinigilan ako ni Michael.

" Mag-iingat ka ha. Mamaya tawagan mo ako kung saan ka pupunta para masundo kita. huwag ka magpapahold-up, hindi ako marunong mag-kung fu. Tsaka, kumain ka nga ng matino hindi yung puro saging na lang ang kinakain mo! Tsaka...."

" ^_^ Ano nanamang arte yan ha Michael? Ako, kahit babae ako, marunong ako makipag-laban dahil batang kalye ako dati, kaya sanay na ako. Kaya, ikaw ang mag-ingat dahil hindi marunong mag self-defense. "

" Tss. OO NA SIGE NA AKO NA ANG MAHINA!! Basta... BUMABA KA NA NGA!!! "

" AISSSH~ DI MO KAILANGANG SUMIGAW!!! Ingat!!! Good luck sayo! " sabay sara ng pinto.

Saan naman kaya ako pupunta nito?

_____________________________

☻Michael☻

Tsss~ sabi na e, crush din ako ng babaeng yun, ayaw pang umamin. Kala niya matatago niya yun :)) Saan kaya pupunta yun? Teka, may pupuntahan nga ba yun? Baka naman wala. Balikan ko kaya? ANO BA MICHAEL, baliw ka ba? Paano si Bianca? Unahin mo muna si Bianca.

Tiger Girl (editing)Where stories live. Discover now