Chapter 25.1

209 2 0
                                    

☻Michael☻

Mayamaya ay magsisimula na ang party. Sa ngayon ay nag-aayos pa kaming dalawa ni Angel. Pinadala na rin kanina yung damit. Naka suit ako. Nagpatawag din si papa ng mga hair dresser at make-up artists. Pagdating namin dun siguro ang proproblemahin na lang namin ay kung papaano mape-persuade si Mr. Veronda.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako umayaw nung una, dahil, sa totoo lang first time akong aatend sa isang formal party na hindi kapartner si Tiffany. Tsaka, alam niyo naman siguro ang sitwasyon ko sa kanya ngayon, diba. Kaya sa totoo lang, naiilang ako kasama siya. Tsaka, sinigaw na rin niya, kung sinong gusto niya diba!! Nakakainis kaya.

Speaking of kanina, sino nga pala yung Adrian na sinasabi niya? Adrian, as in yung kaibigan ko? Pero, wala naman siyang nababanggit ng pangalan ng gusto niya. tsaka, sino ba ang magkakagusto sa tigreng yun?!

" Sir, taas niyo po ulo niyo. "

" Yung... yung... isa ba ok na? " di ko masabi na asawa ko siya, kasi nga diba secret pa lang yun. Pero, may balak na akong sabihin sa madla, sa tamang panahon siguro.

" Yung cousin po ninyo? Inaayusan pa po siya. " COUSIN?!!! Ganun ba kasama ang looks ko para maging kahawig ko ang babaeng yun?!!! Mas mabuti pa kung napagkamalang girlfriend ko yun kaysa naman sa PINSAN!!!

" Hindi ko pinsan yun. She's my GIRL! "

" Ah.... I'm sorry po. "

" Tapos na ba 'yan?! "

" You may go na po. " buti naman at natapos na rin.

Lumabas na ako para i-check si Angel.

"Michael....." oh!!!!! Anong nangyari dito? Mukha siyang pusang nawalan ng amo.

"Anong ginawa sayo ng stylist mo? Wag ka ngang yumuko!!!" Sabay angat ng ulo niya.

Nagkatitigan kami ni Angel. Wala naman palang masama sa mukha niya. Pero bakit ang tamlay niya?

"Michael yung mukha ko mukhang painting. Maghihilamos muna ako. " pinigilan ko siya.

"Ok na yan. Mas mukha kang tao pag ganyan."

"Tse ~ sabihin mo nagagandahan ka lang sa akin."

"Tse ka rin! Tara na nga malelate na tayo!"

__________________________________________________________________

●Angel ●

" Good evening Mr. Veronda. I'm Michael Chu from Chu company. And this is Angel Perez, my partner." Ano ba 'yan ang formal naman. Hindi ako sanay, nakakailang.

" Oooh, the owner of TopT is also present. Your mall is quiet popular in my country." Woah! Di nga?! Angel, sobrang swerte mo naman, nakaasawa ka ng mayaman.

Nagkwentuhan muna ang dalawa. Tungkol sa business kaya hindi ako makasagot. Makaalis nga muna.

Pumunta ako sa terrace ng hotel. Napakalakas ng hangin. Tumatagos sa mukha ko kaya napapikit ako.

"WOW!!! Feel na feel mo naman yung atmosphere." sabi ng isang lalake, na ang alam ko ay si Michael dahil siya lang naman ang kakilala ko dito.

" TSSSS~Pake mo ba? BUMALIK KA NA SA LOOB!!!!!"

"AYOKO!" ABA! Kung makaayaw kala mo kung sino. Ayaw nga niyang sumama nung una, tapos ngayon..... hai....

Tiger Girl (editing)Where stories live. Discover now