Chapter 24.3

191 2 0
                                    

☻Angel☻

Pagkababa namin ng kotse grabe!! Galit na galit si Michael. Nagmamadaling pumunta sa kwarto niya. Hindi na nga kumain ng dinner e. 

" Ate Angel, ano ba kasi ginawa niyo sa date niyo?! " malay? Hindi nga kami ang nag-date diba.

" Kasi, may gusto siyang relo, kaso na out of stock kaya hindi niya nabili. Ayun, dahil dun nagalit."

" SUS!! Pwede namang magpabili na lang siya kay papa."

" Oo nga e, ganun kababaw yung kuya mo. "

Pagkatapos mag-dinner, gumala muna ako sa mini garden. Ang paborito kong lugar dito sa bahay nila Michael. Nagtanim ako ng isang gladiolus pero mukhang hindi naman ata nakita ni Michael kasi, walang sumasaway sa akin.

Napakaganda ng buwan, bilog na bilog at maliwanag pa. Habang naglalakad nakatingala ako sa langit at pinagmamasdan ang napakagandang scenery. Napapapikit pa ako dahil sa simoy ng hangin na yumayakap sa akin.

*put*

" Ah--" Ang sakit ng pagkadapa ko!!! Nasprain na nga nagkasugat pa!!! Ano ba naman yan!!

" Tch~ yan kasi feel na feel mo. Wala ka sa shooting!!! Tingnan mo kasi yung nilalakaran mo.

" Bakit ka ba nandito?! Tsaka, hindi ka naman pumupunta dito ah!!! "

" Aba!! Bahay mo ba 'to?! Tsaka, sinong nagbigay sayo ng permiso na magtanim ng gladiolus dito? "

" Isang piraso lang naman yung tinanim ko ah! "

Hindi na sumagot si Michael pagkatapos nun. Ewan ko bad trip ata.

" Sumagot ka naman. Mukha kang nag-iinarte diyan." hanggang ngayon nakaupo pa rin ako sa pinag-bagsakan ko. Hindi naman kasi ako tinulungan ng ungal na 'to e.

" May mag-on. Nangako yung babae na pag datin niya ng 21 magpapakasal sila ng lalake. Edi yung lalaki nag-hintay ng ilang taon. Nung nag 21 na yung babae, nalaman na lang nung lalaki na nag-madre na lang yung babae. Ano sa tingin mo ang mangyayari pagkatapos nun? "

" Syempre. Lagi na mag-sisimba yung lalaki para makita niya yung babae. "

" Kailan mo ba ako sasagutin ng maayos? "

" Bakit Michael, naloko ka ba ng pangako? "

" Oo, kanina lang. "

" Kung ako yung lalaki sa storya, magiging masaya na lang ako sa pinili ng babae. Alam kong nakakadepress kapag tinalikuran ka ng pangako. Pero, kailangan mo ring itindihin na mahirap ang buhay at hindi lahat ay kayang gawin ng isang tao. Sa tingin mo, bakit sisirain ng nangako ang kanyang pangako kung may maninira? "

" So, sinasabi mo na, may naninira. *sigh* ewan ko, mabigat sa pakiramdam e. Sobrang nag-expect ako tapos ganito ang nangyari. "

" walang mangyayari kung ganyan ang pananaw mo. Kaya nga don't expect too much diba. 'yan tuloy ang nangyari. "

Biglang tumingin sa akin na nakangiti si Michael. " May ipapakita ako sayo. Gusto mo bang makita? "

" Ano naman yun? Tsaka, pilay ako kaya hindi ako pwede tumayo. Ilapit mo na lang---"

Napatigil ako kasi bigla akong binuhat ni Michael. Yung princess carry pa ang ginawa!!! 

" HOY!!! ANONG GINGAGAWA MO!!! "

Tiger Girl (editing)Where stories live. Discover now