Chapter 23

245 4 0
                                    

☻ Angel☻

Sumenyas sa akin si Michael gamit ang nguso niya. Pinapaalis niya ako agad. Dahan dahan naman akong umalis.

" Angel, bukas na lang ulit! Kausapin ko muna 'tong kumapare ko ha!! Tara na Mike!! "

" Oo nga tara na! " sabay senyas ulit. Pinapapunta na niya ako sa parking area.

_____ ☻Michael☻_________

Dito kami tumambay sa student council office. Bumalik na pala si Adrian, hindi ko inexpect yun 'kala ko kasi hindi na siya babalik!

" Wala ka bang date ngayon? " tanong ni Aidrian sa akin.

" Wa-wala naman." sabay higop ng iniinom kong tsokolate. " Bakit ikaw meron kang hinihintay?" 

" Nakita ko na e, bakit ko pa hihintayin." sagot nito sa akin. " Ok lang ba kung yayain ko kayo ni Red na lumabas ngayon?" 

" Sure why not. " sabay higop ulit ng tsokolate. " Tawagan mo na si Red, sabihin mo magkita sa Lotte's cafe." Pero hindi agad kumibo si Adrian. Anyare? Na-stroke?! " HUY!"

" HA! HAHAHAHAHA! Ok ka lang?! Baka naman hanapin ka nanaman ni Bianca, magalit nanaman yun sa amin! "

" Nasa ibang bansa si Bianca ngayon. Kaya ok lang! " 

>>>> Fast forward >>>>

" Ang tagal niyo ha!! Labas pasok ako sa Kapehan na 'to nasa gilid lang pala kayo!! AT HINDI PA KAYO NAG-TEXT!! " reklamo ni Red. Paano naman kasi, ang buong akala ko iisa lang ang Lotte's Cafe sa bansa namin, marami pala. Kaya yun natagalan kami. 

" Chill lang! Parang hindi mo ko namiss ah! " sagot ni Adrian

" Hindi talaga!! Gabi-gabi mo ako kinukulit e! Ano, saan ba tayo?! "

" Dating gawi ba?!" tanong ko sa kanila.

" Sige ba doon tayo sa timezone hall!! " ang pinakamalaking timezone sa bansa. Matagal na rin akong hindi nakakapunta dito kasama ang tropa. Kasi ang lagi kong kasama dito si Bianca. Siya lang!

Pumunta na kami sa timezone at hanggang gabi na kami dun. Grabe, namiss ko ang mga kaibigan ko. Mas masaya pa sila kasama kayasa kay Bia... Ano ba 'tong sinasabi ko!!! Masarap din ksama si Bianca!!! Pero mas masaya pa rin sila kasama, kasi naipapakita mo talaga kung sino ka. 

" Uy ang cute nun oh! Yung sinasabit sa cellphone. Tara bili tayong tatlo. " sabi ni Red.

" Sige ba! " sabi naman ni Adrian. Kaya naman pumili na kami.

" Bibilhin mo yang lalagyan ng phone? Yung tiger pa talaga ang design?! " sabi ni Red.

" Cute kaya ng tiger, diba Adrian! "

" Mas cute 'tong saging. "

" Weirdos!!! "--- red

" Anong sabi mo?! " 

" Humanda ka mamaya Red!!! Pag natapos lang kami dito!! "

" Joke lang!!! " sabay takbo!!!

" HUY!!! RED BUMALI KA DITO!! "

Pero nabayaran naman namin ni Adrian yung gusto naming bilhin. 

>>>> Fast forward>>>

Umuwin kami sa bahay namin pero syempre gamit ang kotse ni Adrian. Ako ang may pinakamalapit na bahay kaya ako ang unang uuwi.

" HOY!! HUWAG KAYONG MATULOG AANTUKIN AKO!!! " saway ni Adrian

" * fake yawn* Inaantok na ako, pano yan!! " asar ko sa kanya.

*Bogsh*

" Pre ano yun?! " tanong namin ni Red sa kanya! 

" Shit guys!! Na-flatan ata ako ng gulong!!! "

" Paano tayo uuwi niyan!!!? "-- red

" Mike, diba malapit na lang ang bahay mo dito?" ---adrian

" Oo naman, liliko ka na lang dito tapos diretso bahay na namin yun! "

" Pwede bang sa inyo muna kami ni Red, kahit one day lang. Bukas ipapatawag ko secretary ni papa para maayos yung sasakyan. Please!!! "

Paano yan, paano ko matatago si Angel?

" Sige tatawag mun ako sa bahay. "

________ ☻Angel☻______

Asan na yung lalaking yun?! Quarter to nine na wala parin!! 

kring kring*

" Hello Angel! Wag ka munang mag-salita. Sundin mo lang sasabihin ko ok! Wag na wag kang lalabas sa kwarto mo. Mag -ssleep over diyan sila Adrian. Hintayin mo ako sa kwarto mo ok!"

Teka!! SLEEP OVER?!!!! Buking kami nito!!! 

" Manang! "

" Oh, young master ginabi ka ata! "

PUTEK!!! Andyan na sila agad-agad!!! Dito lang daw ako. Magtatago ako sa banyo.

_________☻Adrian☻___________

" Hi manang kamusta na po?! "

" Naku! Ok lang po ako sir Adrian. "

" Si Erika?! "

" Yumaman na!" --- sagot ni Red. Lumayas na pala yun!

Matagal na rin akong hindi nakapasok sa bahay na'to! Ang dami na nagbago. E yung Room House kaya nila nagbago din?! Matingnan nga.

" Red, pag hinanap ako ni Michael sabihin mo nasa Room House ako ok! "

" Hmm. sige! "

Agad naman akong tumakbo sa room house nila Michael. Titingnan ko kung may binago rin. Pagpunta ko, una kong napansin ang pintuang nakabukas. Pagtingin ko puro girly stuff ang naroon malamang kay Tiffany 'tong kwartong 'to. Ang katabi nito ay kwarto ng parents ni Michael kaya hindi ko pwede buksan. Tapos sa tapat naman ang kwarto ni Michael. Sinubukan kong buksan pero nakalock :( at ang kwarto naman sa dulo ay.... bago lang 'to ah! Nagpadagdag ba sila ng gues room? Mabuksan nga.

Pagkabukas ko ay mukhang may taong natutulog sa kwarto na iyon dahil una kong nakita ang uniform na pkaparehas sa school namin. May initials na P.A. Pero sino naman yun? Sa sobrang curious eh tiningnan ko rin ang cellphone para malaman ko ang mukha niya pero lowbat!! :((

" Ano ba yan ngayon pa ako naihi!!! Nasaan ba banyo nito?! "

Ayun naghanap ako ng banyo at sa wakas!!! Nakakita rin ako!!! Bubuksan ko na sana ng biglang

..

..

.

.....

..

.

.

.

.

 " Bawal pumasok ng basta basta sa kwartong 'to. "--- michael

" Ah.. ganun ba sorry! "

" Doon ka muna sa kwarto ko tara! "

" Fine!!! " mas lalo tuloy akong na curious. Sino ang natutulog dito? Ano siya sa buhay ng mga Chu? Masasagot ko rin yan balang araw. P.A, makikilala rin kita.

Tiger Girl (editing)Where stories live. Discover now